RR_Wheedled Information

45 3 0
                                    


Chapter XXXVI:

Dedrei watched Derrick intently as he rose in his seat. She stealthily followed him as he disappears in the crowd. Her inner being somewhat whispering to look after the Crown Prince. If anything worse happened, she would be the one to be blame. All she could do is to be vigilant at all times, if possible. After all, she's just trying to assemble the broken pieces. The goal was a bit farfetched, she already knew it, but at least she had to try.

She let out a deep breathe, still keeping an eye on him as he saunters in the corridor. Her mind drifted to the last mail she deliberately sent to him. It was actually his medical records as per findings released by Righospitalet. And due to her obedience to the Queen Dowager, she did alter the records and renamed it after the Crown Princess. Lately, her conscience is killing her constantly reminding of her evil scheme. As realizations dawned upon her, she finally freed herself. Now, she tried to correct every single mistake she'd done. She had to set things right---it's now or never.

Dedrei heard a loud thud interrupting from her reverie. She was filled with horror as she spotted Derrick lying unconsciously on the cold marbled floor.

.

.

.

.

.

(Sam POV)

Titig na titig ako sa kamay naming magkahugpong. Kahit na andito na kami sa backstage hindi pa rin binibitawan ni Blake ang kamay ko. Ang sarap sa pakiramdam ang kaalamang hawak-hawak niya ako na tila ba walang anumang nakapagitang hidwaan. Sa simpleng gesture na iyon, wari ba napatid ang ilang buwang pagtitimpi na makaulayaw ang isa't isa.

Ang sunod-sunod na katok ang pumukaw sa amin at dagli namang binitawan ni Blake ang kamay ko. Bumungad sa harap namin ang ilang security men.

"Hendes Kongelige Højhed Kronprinsesse Yngrid, vores undskyldning for barging men der er en nødsituation. Vi har virkelig nødt til at gå!" (Her Royal Highness Crown Princess Yngrid, our apology for barging in but there's an emergency. We really have to go!) ani pa nung isa sa mga security.

Bahagya lamang akong nabaghan sa sinabi nito.

"Okay, vil jeg komme med! Bare give mig et minut!" (All right, I'll come along! Just give me a minute!)

Tumango lamang ito saka isinara ang pinto. Sa labas na marahil ang mga ito maghihintay.

Inayos ko ang sarili saka ako pumihit paharap kay Blake. Mataman lang niya akong pinagmasdan. Ibinuka ko ang bibig ngunit kagyat ko ding itinikom. Wala akong maapuhap na kataga na sasabihin sa kanya.

"Naiinip na ang mga naghihintay sa'yo Crown Princess." Pukaw ni Blake sa akin. Bahagya akong napapitlag at nang mahulasan ay walang lingon-likod kong tinungo ang labasan.

.

.

.

"Hvordan van han?" pambungad kong tanong sa doctor na nakatoka kay Derrick. Sinabi sa akin ni Dedrei  na biglang humandusay sa malamig na marmol ang katawan ni Derrick kaya dali-dali niya itong isinugod sa ospital upang agad mapatingnan.

Lumalim ang gatla sa noo nang kaharap kong doctor. Saka ko lamang napagtanto na sa wikang Danish ko pala ito nasabi.

"Ang ibig ko pong sabihin, kumusta na po ang kalagayan niya?!"

Nang medyo nakabawi na ang doctor ay saka pa lamang ito nagsalita.

"Malubha ang kalagayan niya Your Highness. The Crown Prince was suffering from acute myeloid or AML. Ito ay . . ."

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon