RR_"Granddaughter-in-Law??" Part i...

58 2 1
                                    

******


"The willow is like a nymph with streaming hair;

Wherever it grows, there is green and gold and fair.

The willow dips to the water...

Protected and precious, like the king's favorite daughter."

                                                                   [an excerpt from the poem "Willow & Gingko" by Eve Merriam]

******

Chapter XXIII



(Sam POV)


Green pastures, I'd rather say.

Sobrang lamig niya sa mata. Napakaaliwalas ng paligid. Nalalatagan ng mga luntiang kulay ang lugar.Sariwa, dalisay, at napaka-presko.

Willow trees. It is a graceful tree with slender, drooping branches and narrow-pointed leaves. Ohh...lalaalallalalalala... Usually kasi ang mga willow trees ay tumutubo malapit sa mga anyong-tubig. Gaya na lamang ng nabubungaran ko ngayon, near a sparkling, crystal lake grew a different species of willows.


In a distant, you could hear a joyous cheering of chirping birds flying to and fro in a forest canopy. Awww...ka-gandang creation! Sa'n banda ba nang Earth ang paraisong ito? Iba na talaga pag may sariling chopper, nararating mo iba't ibang panig ng mundo sa isang sakayan lang. huh!...Eh...di kayo na ang sobrang rich!

Tss.. yaan nyo na ang Popoy niyo s aka-dramahan. Ako na kasi ang bitter, though hindi naman ako lumaklak ng isang crate ng Ampalaya Plus! 

Well, so much for the Pea Body Awards, Grammy and Oscar's scene stealing scenario. 




We walked silently along the landscaped pavement, wherein on both sides laid a plush, manicured lawn. Standing grandiosely before my very sight, a Neo-Rococo style palace-like with all its gaiety and majestic pride outweighing all the prestigious and prominent ever named palaces in the wide world.


Wow! Ibang klase! Na-amaze talaga ako ng sobra.


Well, undeniably the house----este the palace-like is partly built in ferro-concrete with granite cladded facades. Oh...ha??!!.. maalam na ako konti sa architectural designs! Hihihi... 

As we nearly approached the entrance, I was greeted cheerfully by the wonderful ambiance and sweet-smelling fragrance of flowering plants. There were numerous varieties of Kingdom Plantae. So many of them that I was a bit dumbfounded by the mere sight of them. 

Ano ba yan napapasabak tuloy ako sa Inglesan sa paglalarawan ng mga bagay-bagay na nakahantad ngayon sa aking paningin. Exterior view pa lang yan. What more pa kaya sa interior?! Eh..di nganga na ako neto?! Hayssst...makapasok na nga sa loob.




Isang makapal na kanluraning alpombra ang nakalatag sa sahig na yari sa asbestos. Sadyang napakalawak ng kanilang silid-tanggapan.

Ang durungawan ay naadornohan ng kulay-malbas na mga kurtina, habang nakasabit naman sa mga dingding ang iba't ibang obra ng mga alagad ng sining.

Sa kaliwang bahagi naman nakatirik ang isang estante na kung saan buong pagmamayabang na nakapatong roon ang isang signature Paul Revere bowl at iba pang koleksyon na nilikom pa mula sa iba't ibang dako ng kapuluan.

Hindi rin pahuhuli ang mga kagamitang naroon. Makikinita mong sadyang kaiga-igaya at bukod-tangi ang panlasa sa pagpili ng de-kalidad na mga kasangkapan.

Nariyan din ang isang pillow-strewn sofa na sobrang haba at kahit na ang matangkad pa na tao ay magawang makapang-unat.

Sa magkabilang panig naman naka-pwesto ang mga easy chairs na katulad ng sofa ay kulay-kayumanggi at yari sa katad. Sa gitna ng pangkat ng mga upuan naka-pwesto naman ang hugis-biluhaba na Queen Anne's table.

Malapit sa bukana nang grand spiral staircase nakahimlay ang isang harpsichord which held an exquisite ornate lamp.

Since ang mala-palasyong tirahan ng mga angkan nang Boss ko ay nakatayo sa paanan ng isang lakeshore lot kaya nga ang great hall at dining area ay nakaharap sa lawa. Mayroong mga French doors along the lakeside wall that led to the patio.

Ohmigosh...at talagang napupuna ko ang bawat detalye sa bawat ka-sulok-sulukan ng pamamahay na ito. Sheeezzz... 



"Maligayang pagdating po, Sir Clay!" bati nung babaeng nasa katanghalian ang gulang na sa tingin ko ay siyang superyora ng mga kawaksi.

"Manang, si Lolo po ba nasa itaas pa?"

"Oho! Pero bababa na ho yun."

"CLAY! Apo ko." Anang tinig ng bagong dating

"Isang napakagandang sorpresa naman ang dala mo! Dali, ipakilala mo si Lolo sa isang kariktan na nasa harap ko."


Infairness,huh! May pagka-makata ang lolo ni Boss Pare ko. Tinalbugan na ang mga balak at walang kamatayang tula ni Balagtas. 

"Lo, this is Samantha Santorini. She's my------" biglang naputol ang sasabihin ni Boss Pare ko dahil bigla nalang itong sinapawan ng lolo nito.

"Ohh...granddaughter-in-law! Welcome to the family Samantha, hija! "


WHAAAT?! Nabibingi na ba ako? At ano 'tong naririnig ko na 'grandaughter-in-law thingy' pinagsasabi ng matandang hukluban na ito?! Wow! Ka-gandang joke naman 'to oh! Nung kanina sa opisina 'fiancee' pa lang ang drama, eh ba't ngayon 'grandaughter-in-law' na agad-agad?! Bilis ng WiFi loading nila huh?!!... 

Haisst... nahihilo ako sa drama ng mag-lolong ito! Kaka-stress! Nasapo ko ang ulo ko. I felt dizzy. Banyo...asan k aba kita hahanapin?! Sa laki ba naman ng lugar na ito, mukhang kakailanganin ko pa ang blueprint ng buong lugar. 

Ugh! I'm gonna puke any moment. Madali kong naitakip ang kaliwang kamay ko sa bibig. Gosh...super kakahiya kung doon pa ako magkalat ng suka ko. Eww...kaya!


Mabuti na lang at maagap si Manang Superyora at naigiya ako sa pinakamalapit na banyo. Narinig ko pa ngang pumlatak ang lolo ni Boss Pare ko at saka nag-komento.



"Ang bilis talaga ng apo ko! May deposito na agad! Ayos!"



Huh?!...

Ragamuffin RoyaltyWhere stories live. Discover now