Chapter 9

5.5K 168 1
                                    

Summer's POV

Isang oras na ang nakalipas ng mawala si Sofia sa paningin ko. My class will start in any minute now pero I don't care.

If I enter that class now, wala na kong kawala. I don't want na makipagkita kay Sofia ngayon. My feelings are coming back.  At para sakin di yun maganda. Masasayang lang ang 3 years na paglalayo ko sa kanya.
Base sa mga inaakto nya, alam ko na di sya titigil sa mga plinaplano nya.

Ano bang plinaplano mo Sofia?
Kung ano man yun, di na ako magpapatalo.
Di ko na hahayaang masaktan uli, kase alam kong di ko na kakayanin yun.

Tumayo ako sa pagkakaupo at nagdesisyong magpakalayo sa lugar nato.

Kinuha ko ung susi ng sasakyan ko at nagdrive.

Ilang minuto na akong naggddrive, marami akong nadaanang gusto ko hintuan. Kaso, today's not a good time. 

Hanggang sa napagdesiyunan kong pumunta sa bar. Kelangan ko ang alak ngayon. Tuloy lang ako sa pagddrive hanggang sa may nakita ako. Unicorns Bar and Restaurant. Nagtabo ang kilay ko sa name nito, pero okay naman na siguro to.

Tiningnan ko kung anong oras na and it's 5:00pm. Masyadong maaga pa, para uminom. Maybe kakain nalang muna ako.

Nilibot ko ng paningin sa paligid neto at masasabi kung maganda yung pagpapatayo nila dito. Nasa medyo mataas kase na part eto at alam kung pag gabi, maganda dito dahil may makikita kang lights galing sa city. Yung place divided sa dalawa. May bar sila sa isang side at may restaurant sa kabila. Hmm. Dalawang negosyo ito. Pero maganda na din kase dito ang hinahanap ko.

Pinark ko ung sasakyan ko sa parking area nila. Kinuha ko na muna yung ID ko. Mabuti nalang walang uniform yung University namin, di na mas mahirap magpalit.

Tinext ko si Beb para ipaalam na mauna na sila ni Avery pauwi.

To: Beb Agnes.

Don't wait for me. Tell Troy na sya na muna maghahatid sa inyo sa condo. Nasa labas na ko ngayon.

Text ko kay Beb. Alam kong wala syang problema bout dun. Alam nya pinaggawa ko sa US dahil kay kuya at dahil nahuli nya din ako nung tumawag sya. At alam kung maiintindhan nya ko pag ginawa ko ulit sya dito sa Pinas.

From: Beb Agnes.

Okay. Just keep safe, lalo na nagddrive ka.

Di na ko nagreply at binalik ko na yung phone ko sa bulsa ko at tuluyang lumabas ng sasakyan ko.

Pagpasok ko sa restaurant, binati agad ako ng kanilang staff. Unicorn themed nga yung restaurant, obsessed ata yung may-ari neto dun. Medyo marami rami na ding kumakain dito.

Naghanap ako ng bakanteng pwesto na malapit sa bintana. Binigyan nila ako ng menu at marami nga silang inooffer na pagkain.

Dahil di naman ako gutom, nag-order lang akong salad. And iced tea for drinks. Snack lang yun. Besides iinom din ako mamaya. Baka mapuno yung tyan ko.

After nung break up namin ni Sofi, alak yung naging sandigan ko. Mga isang taon ko sa NY, gabi-gabi akong lasing. Sinisisi ko ang sarili ko bat di ako normal. Bat pa kase ako nagkakagusto sa babae. Sinasaktan ko pa nun ang sarili ko, physically. Hanggang sa nalaman yun ng Lola ko at sinumbong ako kay Mom at Dad. Todo iyak ako nun ng makita ko silang umiiyak dahil sa cuts ko.

PLEASE STAY (GxG) Where stories live. Discover now