Chapter 10

4.9K 139 0
                                    

Nagising ako na sobrang masakit yung ulo ko.

Uurrgh.

Tiningnan ko ung paligid at nalaman kong nasa kwarto ako.

Pano ako nakauwi dito? Ang pagkakaalam ko nasa bar ako, at mag-isa lang.

Inalala ko ang mga pangyayari kagabe. Ako ung tipo ng taong, nakakatanda pa ng mga pangyayari kahit lasing na.

So last night, I met Alex,we talked, nag-inuman at nagsayawan kami, then she left me, nakipagsayawan ako sa mga babae at may nanghila sakin.

Lumaki ung mata ko ng maalala ko lahat ng nangyari kagabe.

Umiyak ako sa babaeng nanghila sakin kagabe! Pinakita ko ung side na tinatago ko. Na I'm not happy at nasasaktan parin ako kay Sofia.

Sh*t!

Pinilit kong alalahanin ung mukha ng babae pero blurred eto. Di ko sya mamukhaan.

I'm sure kilala nya ko.

She called my name kagabe, at nahatid pa nya ako dito sa condo ko.

Pero imposible, 3 tao lang maliban sa pamilya ko ang nakakaalam ng address ng condo ko. Ibang address din nilagay ko sa school ID at wallet ko, un yung address sa bahay talaga. Baka hinanap ako ni Bebs kagabe. Sya lng naman nakakaalam na uminom ako eh.  Tama! Baka sya nga. Maybe it's okay na malaman ni beb na after 3 years, I'm still not okay. She's my best friend after all. Pero di ko to gusto, I don't want to make her mad even more to Sofia.

I frowned.

Dapat di nalang ako uminom kagabe.

Nagmamadali akong bumangon and took a bath. This will help. Maaga pa naman, makakaabot pa naman ako sa class ko in case, kahit medyo late na ko nagising.

Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko si Beb na nakaupo sa sala, nunuod. Simple lang ang suot ko ngayon, at nagdala na din ako ng extra shirt kase nakita ko ung post kahapon na try outs ngayon. Kaya madami na agad nagpractice kahapon kase gusto nila mapili. Undecided pa naman ako kung anong sport ang sasalihan ko. Basketball ba or volleyball.

"Sa wakas! nagising ka na. Bilisan mo dyan at kumain ka na ng breakfast at inumin mo ung gamot na nilagay ni Avery dyan sa mesa." sabi neto ng mapansin na nya ko.

"Gamot?" takang tanong ko

"Yeah, sinabe ko sa kanya na uminom ka, kaya wala ka kahapon. Naintindhan nya naman yun, pero nagsimula na syang mag-alala ng inabot ka na ng umaga sa bar, at di ka parin nakakauwi. She called you pero di ka daw sumasagot. Tinrack nya yung phone mo kaya she found you"  tuloy tuloy netong sabi

Sj Avery.
Sya pala yun,

Hindi si Beb.

Nasagot na ung tanong ko.

I sigh in relief.

Mas better na hindi alam ni Beb about dun kase alam kung mas lalo nyang hindi kausapin si Sofia dahil sakin. I want their friendship back. Walang kasalanan si Sofia dito. At alam kung nahihirapan din si Beb sa sitwasyon ng dalawang kaibigan nya. Walang may gusto na mapalayo ka sa kaibigan mong napalapit na sayo.

So ang tanging gagawin ko ngayon ay makausap si Avery.

"Ahhm, where is she?" tanong ko kay Beb.

"Maaga syang umalis kase screening ngayon. Sya yung leader ng cheering squad".

Cheerleader hah?

Di halata sa kay Avery na ganun sya. Kaya nabigla ako.  Oo maganda sya, sexy. Pero mostly kase pag nasa cheering team ka, sila ung sikat at gandang ganda sa sarili nila. Pero si Avery, simple lang at di nagmamayabang.

" You can see her after kang magscreening sa team ko". sabi ulit neto.

"What do you mean? You want me on your team?" natawa ako kay beb. Sobrang straight forward talaga to.

"Exactly! We badly need you to be there."

"You waited for me dahil dun lang? That is not so you Beb" sabi ko habang pumupunta sa kusina to eat. Ramdam kung nakasunod naman sya.

"Yeah. May mali ba dun? Tsaka ako naman yung captain kaya maghintay sila." sabi neto na may halong kayabangan.

"What made you think na papayag ako sa gusto mo?" ngisi ko.

I found the food at nagsimula ng kumain. Hmm.

"Kase ur my best friend?" unsure na sagot neto.

Tumingin ako ng deretso sa kanya.

"It doesn't mean na ur my best friend, papayag na ko sa gusto mo" seryosong sabi ko.

I looked at her ng di na sya nagsalita. She's pouting and about to cry. I'm trying my best na wag matawa. Nagbibiro lang naman ako sa kanya eh.

"Bat parang iiyak ka?" pagkukunwari ko parin.

"Kase I already told coach na may ipapalit ako sa mga malakas na seniors namin dati. Na iddefend namin ung title namin sa mga teams na gusto magrevenge, ngayon na di ka sasali, di ko na alam gagawin ko. Malakas na ang dating kalaban namin kahit puro 3rd years and 2nd years mga regulars nila, ngayon, lamang na sila samin! Kase wala na ung regular na seniors namin, maagaw na nila ung crown" sabi neto na maluha-luha na.

May rason naman sya, pero it's not right na mawalan sya ng tiwala sa team nya or sa magiging team nya.

Tinapos ko na yung pagkain ko at ininom ko na din yung gamot na iniwan ni Avery.

"Stop the drama beb. You and Alex are really alike. Gustong gusto nyo ng drama.  I saw and talked to her kagabe. Btw here's her number." sabay bigay ko ng card na binigay ni Alex. May nakasave na sa phone ko kaya I don't need it anymore.

She stood there frozen. Alam kong miss na miss nya na yung kauri nya. -____-

"S-SUMMER!!!" sabi neto na nakayakap na ng mahigpit sakin.

"W-what? It's just a number"

"No, it's not just a number. This means something. Alam ko na you're opening yourself again sa kanila. I'm so happy" sabi neto. Di parin nya ako binibitawan

Tama sya.

Di lang yun basta number para sakin. Alam nya na connected si Alex kay Sofia, if I open myself kay Alex, it's like inaaccept ko na din si Sofia. Alam nya handa na ko ibalik ang dating pagkakaibigan namin kahit sa kabila ng nangyari.

Ilang minuto nya ng yakap ang likod ko. Unti-unti na din syang tumitigil sa pag-iyak. Im happy na masaya si Beb. Ilang years din syang nagtitiis dahil sakin. Di sya nakipag-usap sa dalawa dahil iniisip nya mararamdaman ko. Kahit di nya un sinasabi sakin, believe me, I knew her. She deserve this!

"Beb" tawag ko sa kanya.

Di sya sumagot.

"We should get going. Excited na kong magscreening sa team mo" sabi ko at unti-unti na nya akong pinakawalan.

I left her. Deretso na ko sa sasakyan.

I'm sure nagets nya sinabe ko kase I can hear her squeal sa loob.

Sa team naman nya talaga ako sasali. Wala akong kakilala sa ibang sports at ayaw kung makipagkilala sa iba.  -___- So volleyball is my safe choice kase alam kong nandun sya.

Nakita ko syang patakbong papunta sa sasakyan.

I laughed knowing how happy she is.

***

PLEASE STAY (GxG) Where stories live. Discover now