2

828 40 7
                                    

I thought that day would be like any other day I had before.

Except that it wasn't.

My alarm clock didn't sound that morning. For some reasons nag run out na yung batteries ng alarm clock ko. Hindi naman din kasi ako ginigising ni Mom tuwing umaga kasi alam niya na magkukusa na ako tumayo sa bed para gawin ang aking morning rituals.

Mabilis akong naligo at nagbihis, hindi ko na din tinignan yung oras kasi baka lalo akong ma pressure.

I was never fond of change, really. Masydo akong sanay sa mga naging routine ko at pag may isang nabago sa aking time table hindi ko na alam ang aking gagawin at tuluyan na akong nagpapanic.

Bumaba na ako galing sa second floor at dire-diretso sa pag-alis pero pinigilan ako ni Mom at binigyan ako ng lunchbox.

" Tinanghali ka ngayon ah? Anong nangyari anak? It's not like you to run this late? "

" Hindi tumunog ang alarm clock ko, Mom " sabi ko " Sobrang late na ba ako? "

Tumingin si Mom sa wristwatch niya at dahil ngumiti ito ako'y nakampante ako sa kanyang isasagot.

" Hindi pa naman, you have exactly 15 minutes para makarating ka sa school niyo on time. "

I kissed my mom goodbye at hinatid niya ako hanggang gate. Nakita ko si Piper sa labas ng bahay nila sakay-sakay sa bike. Nilapitan ni Mom si Piper habang ako'y nakasunod sa kanya.

" Good morning Piper " bati ni Mom kay Piper. Inalis naman ni Piper ang atensyon niya sa kanyang cellphone at tipid na ngumiti kay Mom.

" Good morning po, tita. " ganting bati nito.

" You see, tinanghali ng gising itong batang to... Maybe pwede siyang sumabay sayo sa pagpasok sa school? "

Natatandaan ko pa yung naramdaman ko nung araw na yun. I felt hot and i am sure na sobrang pula ng mukha ko dahil sa hiya. Mom doesnt have to tell Piper that i over slept! That was embarrassing!

Piper looked like she was deep in thought, i was holding my breath the entire time until she nodded in agreement.

" Sure. "

Mom left and i was gawking at Piper. She ran her fingers through her hair and sighed.

Ayokong maabala siya pero ano pa ba magagawa ko? Nakakahiya naman na tumanggi pa ako kung pinag paalam na ako ng nanay ko.

" Can you ride the back seat? "

My stomach churned just by the sound of her voice. Nag-uusap naman kami dati pero bakit ganito na lang ang epekto niya sakin ngayon.

" Y-yes. " sagot ko. She settled down on her seat at tinignan niya lang ako as if on cue na sumakay na din ako.

Nung mga oras na yun ako na conscious sa mga nakakain kong cookies everyday. Baka bumigat ako at maflat pa yung bike dahil sakin.

Nakakahiya yun kay Piper.

Sa unang pag pedal niya medyo nag swa-sway pa yung bike kaya naibababa ko yung paa ko para di kami maaksidente. I was worried na baka hindi balance ang timbang namin at baka mahirapan si Piper.

" I-i'll just walk. " i suggested, pero hindi man lang ako nilingon ni Piper at patuloy siya sa pag  ba-bike.

" No, it's fine. " maikli niyang sagot.

Eventually, naging maayos naman ang takbo namin. I was doing my best na hindi magpa-bigat, kahit na medyo nakakangalay ang pwesto ko, di ko na lang yun pinansin.

Tahimik ang naging biyahe namin from our house to our school, and at the entire time na magkasama kami ay nakatingin lang ako sa likod ni Piper at sa nga dinadaanan namin.

She was still the same Piper I met the day we moved in pero parang iba na siya sa perspective ko dahil this is the first time na magkasama kami ni Piper na kami lang dalawa. And to think na sobrang lapit namin sa isa't isa.

We were both silent but it was not awkward.

Just as expected, pagkapasok namin mg campus, everyone is looking at us. Yung iba nagbubulungan at kinukuhaan kami ng photos.

Siguro ang topic nila ay kung bakit ako nakasakay sa mahiwagang bike ni Piper at Timothy at paano ko napapayag si Piper na iangkas ako.

Nang makarating na kami sa parking lot ng mga bicycle, dumiretso si Piper sa kanilang designated parking spot at dooniniwan ang bike. Bumaba na ako at hinintay lang si Piper na ayusin ang pag papark ng bike niya.

" Thank you. " sabi ko, nasa likod ang aking mga kamay. I was fidgeting. " I'm sorry that i troubled you so early this morning. "

Piper half smiled. Lumabas yung dimples niya, and I swear isa yun sa mga pinaka magandang bagay na nakita ko.

" A simple thank you is enough. You don't have to say sorry. " sagot niya sakin.

" Oh. " napakamot ako sa cheeks ko dahil sa hiya. For pete's sake! This is not the first time that I get to talk to Piper pero bakit para akong natatanga?

" We should probably go to our respective classes. We'll be late. "

I just nodded and followed Piper. Mas nauuna siya sa paglalakad at ni isa samin ang nagsasalita. At dahil mas malapit ang classroom namin kaysa sakanila, ako yung unang nakarating sa classroom namin.

" Piper. " i called to her " Thank you. "

It was sure fast but i could have sworn that Piper smiled at me.

" You're welcome. "

And that was the story how i managed to ride the back seat of Piper's bike. It was because of my alarm clock, me oversleeping and mom.

But that's just the bit of the story.

This is all about Piper and how she managed to get me to fall in love with her.

PiperWhere stories live. Discover now