10

448 28 3
                                    

At this point kahit anong gawin kong pageexplain sa mga classmates ko at sa mga tao sa school namin,  hindi na maalis sa mga isip nila na isang couple kami ni Gab.

Bakit?

Bakit?

Bakit?

Bakit sa dinami daming babae dito sa school namin ay ako ang niligawan ni Gab! Ang dami naman diyan na mas bagay sakanya, bakit ako pa?

Nahihirapan na ako sa expectations ng mga tao sa paligid namin. Hindi ko pa nga pinapayagan na manligaw yung tao, sasagutin ko pa kaya?

I'm letting him do whatever he wants kasi frankly, pagod na ako sa kakakulit niya sakin at hindi naman din siya nakikinig.

Nakarating na din kay Mom and Dad ang panliligaw niya sakin. Mom told me na it's okay for me to have a boyfried as long as hindi ito makakasama sakin. Though, Dad was against the idea of me dating Gab.

Like, he's really against it.

Sabi sakin ni Dad na sasayangin ko lang daw ang oras ko sa mga lalaki na wala naman akong balak pakasalan. Medyo natawa na lang ako kay Dad kasi kasal agad ang iniisip niya. Halata naman na nagseselos lang siya dahil ayaw niya na may ibang lalaki na nalapit sakanyang anak. Yung little sister ko naman ay kinukulit na akong sagutin si Gab kasi naaawa siya sakin na baka daw tumanda ako na walang boyfriend at baka sayangin ko lang daw si Gab kesyo sikat at gwapo daw siya.

But no.

I don't like Gab.

I love Piper.

Pero isa din si Piper sa mga tao na gusto akong makita kasama si Gab. Si Timothy na nga lang ata ang kakampi at nakaka alam kung ano ba ang tunay kong nararamdaman.

Nung minsan nga pumayag ako sa isa sa mga pagaakit ni Gab na kaumain daw kami sa labas. Siningit ko siya sa schedule ko nung Sunday and went with him. He took me to his favorite restuarant. For the record, masarap nga ang burgers na pinagmamalaki niya sakin. Hindi na ako nakakain ng dinner pagkauwi ko kasi malaki yun kasi wedges ang cut nung fries.

Akala ko naman ay hanggang sa amin lang aabot yung pagkain namin sa labas, pero laking gulat ko na lang nang kinabukasan pinakita sakin ng kaklase ko yung picture na magkasama kami na nakain.

I was so embarrassed.

Mabilis akong lumabas ng classroom namin para hanapin si Piper and mag explain tungkol sa picture na yun. Panigurado kasi na mag tretrending yun pati sa section nila.

Nakita ko si Piper and Timothy na nakaupo sa usual seat nila sa may cafeteria. Lumapit ako sakanilang dalawa para magpaliwanag pero bigla na lang ako nagulat ng binigyan ako ni Piper ng isang thumbs up.

" You're finally dating Gab, huh. " she said " That's nice. "

" NO! "

Malakas ang sigaw ko at halos napatigil ang mga students sa mga pagkain nila dahil doon. Umupo ako sa harapan ni Piper at tinignan siyang mabuti.

" L-look, I'm not dating him. Napag-isipan ko lang na sumama ako sakanya para kumain but that doesnt mean na kami na! "

May naramdaman akong humawak sa balikat ko at nilingon ko naman kung sino ang gunawa nito. Ngayon ko lang napansin na nakalagay ang parehas kong kamay sa lamesa at para bang susunggaban ko si Piper sa puwesto ko. Ini upo ako ni Timothy at inakbayan ako.

" Calm down. Alam mo naman na kahit sigawan mo yang si Piper walang maiintindihan yan. " sabi sakin ni Timothy. Tinignan siya ng masama ni Piper.

" Anong hindi ko maiintindihan? " she has a frown in her face at tinignan niya ako para mag explain. I took a deep breath and sighed.

PiperWhere stories live. Discover now