9

472 24 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga buwan lalo na at naging parte na ng buhay ko si Piper. One snap of your fingers, BOOM!, lumipas na ang Christmas at New Year.

I wish i could have spend more time with Piper pero makaka-angal pa ba ako kung nakasama ko siya noong holidays.

Sobrang saya ko at buhay na buhay ang aking Christmas spirit. First time kasi magsama ng family namin at ni na Piper nag celebrate ng Christmas together. Malaking pasalamat ko na lang kay Tita dahil siya ang nag suggest ng idea, pumayag naman din agad si Mom kasi nga best friends sila.

At dahil ang family ni Piper ang nang-akit, sa bahay nila kami nag spend ng Christmas. Punong puno ng mga Christmas decoration ang bahay nila at ginamit din nila ang kanilang fireplace sa may living room.

May mga nakasabit din dun sa red socks at may mga laman na candies. Sobrang festive sa bahay nila, except for Piper. Yung family namin pati si Tito at Tita are wearing these hand knitted red sweaters na gawa ni Mom at ng kapatid ko. May iba't ibang designs ang bawat isang sweaters like si santa claus, christmas trees, snowman, penguins.

Yung pinili ko ay yung may mini santa claus sa gitna at ang para kay Piper naman ay yung may christmas tree, pero ayaw niyang suotin yun dahil hindi baka daw katihin lang siya.

She kept the sweater, though. Hindi niya nga lang sinuot. Instead, Piper wore this black sweater na may naka print na " Cool" sa gitna.

Nag exchanged gifts din kami, bale gumawa si Tito ng bunutan sa fishbowl.

At dahil nagdasal ako ng maraming beses Diyos, I picked Piper.

Halos 3 araw ako naghahanap ng maiiregalo sakanya. Nilibot ko ang bawat mall na meron sa lugar namin pero wala pa din akong alam na magandang ibigay na regalo. Kaya naman humingi ako ng tulong kay Timothy and with his help, we looked for a perfect Christmas gift for Piper together.

According to Timothy, halos lahat na ata na pwedeng ibigay sa tao ay meron na si Piper. Sa dami ba naman na nag iidolize sakanya eh, halos araw-araw ay may natatanggap itong regalo. Na pressure ako lalo nung nalaman ko yun.

But Timothy said that Piper will probably appreciate anything that i will give to her pero hindi ibig sabihin nun ay kung ano ano na lang ang ibibigay ko sakanya.

Halos mapiga na lahat ng laman ng utak ko kakaiisip sa kung ano ang reregalo ko sakanya. She likes rock bands, mahilig siya sa black, she likes movies at ayon kay Timothy ay nangongolekta siya ng mga Pokemon cards.

Pero lahat ng bagay ay meron na siya nun.

Kaya naman naisip ko, what if kung bigyan ko si Piper na something that i like.

Kaya ang christmas gift ko para kay Piper ay isang mix tapes na puno ng kanta na pinapahiwatig ang feelings ko para sakanya.

I was so embarassed giving her my gift. Nanginginig yung mga kamay ko habang kaharap ko siya at ang masama pa, hindi ko mabasa kung naiinis ba siya sakin or she was just confused kung bakit ako nagkakaganun.

Ang nakabunot naman sa pangalan ko ay si Tito at ang regalo niya sakin ay isang cute na schedule planner. Tuwang tuwa ako sa gift ni tito dahil kailangan ko na talaga ng panibagong planner.

The one Piper picked was my little sister. Naiinggit nga ako sakanya kasi si Piper ang mag reregalo sakanya. She received a cute akita dog stuff toy from her.

I was so jealous.

Pero nalaman ko kay Piper na si Timothy daw ang pumili nung regalo dahil sinabi niya na yung kapatid ko nga ang nabunot niya.

Timothy is a great friend but I'm still bothered by the fact na crush niya ang kapatid ko.

We ate Noche Buena together and everyone was having a grand time. It's a fact kasi Piper was smiling habang nagkwekwentuhan kami. It didn't look forced or anything at all.

PiperМесто, где живут истории. Откройте их для себя