5

555 34 0
                                    

Ilang araw din namamaga ang aking mata dahil sa kakaiyak.

And no it wasn't because Piper rejected my feelings for her, heck, I don't even have the guts of confessing that I have a major crush on her and it's not like Piper got herself a boyfriend and i'm mourning for the possible relationship we could have.

I was crying because of the movies that Piper made me watch.

Pearl Harbor, Footloose , The Fight club at kung ano ano pa. I should say that Piper have a good taste in movies.

My Dad watches those kind of movies pero ngayon ko lang talaga na appreciate kasi si Piper ang nag recommend nun sakin.

Nagaalala na si Mom and Dad sakin dahil tuwing umaga sabay-sabay kami mag breakfast at nakikita nila na mugto ang aking mata.

My little sister pushed the idea to my parents that I secretly got a boyfriend and that said boyfriend broke up with me which explains the sobs they hear from my room.

Nilinaw ko naman sa parents ko na that was not the case and I'm just watching movies that Piper made me watch. They looked confused at first at sinabi sakin ni Mom na it's good to see me and Piper having a connection dahil daw sa tingal tagal na namin mag kapit-bahay ay para lang acquaintances lang ang turingan namin sa isa't isa.

Nahalata pala nila.

If you were to ask me, I would say na nag level up ang relationship naming dalawa. Yung dating acquaintances, ngayon ay movie buddies na. Pag nakikita ko si Piper sa school nilalapitan ko siya at sasabihin ang feedback ko sa movie na ni recommend niya. Magpapalitan lang kami ng mga opinyon sa movie na yun and I was sure as happy na we could sit and talk about it casually.

Medyo hindi na din ako awkward sakanya. May improvement ako sa pagpigil sa mga nararamdaman ko kay Piper.

Timothy on the other hand, would always appear out of nowhere at nakikisali siya sa aming usapan. Lagi niyang inaasar si Piper at ginagawa pa akong nitong kakampi sa mga kalokohan niya.

It was actually funny to see Piper annoyed pero wala sa personality ko ang mang-asar ng mga tao and for pete's sake Piper is perfect in every nook and cranny.

It was Saturday, tinawag ako ni Mom sa may living room, pumunta naman ako kaagad. She was sitting on the couch at may kausap sa telepono. Ibinaba naman niya ito muna para makausap ako.

" Can you go to the groceries and buy this for me, sweetie. " may inabot sakin si Mom na isang listahan na bibilhin ko. Kakaunti naman ito kaya di ako masyadong matatagalan.

" Of course, mom. " sabi ko.

" Your eyes are puffy. Have you been watching movies from Piper again? " medyo natawa si Mom habang tinitignan niya ako " Speaking of Piper, sabay na kayo pumunta sa grocery kasi may pinapabili din si Bes sakanya. "

Bes, yan ang tawagan ng mga nanay namin sa isa't isa.

Lumabas na ako ng bahay at nakita ko si Piper na nakasakay sa bike niya. She was wearing this black KISS t-shirt na luwag sakanya at itim na shorts.

Ang ganda talaga niya. Mukha akong basura pag kasama ko si Piper.

Lumapit ako sakanya na may ngiting abot langit sa aking mukha.

" Magandang tanghali " bati ko sakanya. Na wirduhan siya sa sinabi ko dahil kumunot ang noo niya. Gusto ko sanang batukan yung sarili ko pero baka iwanan ako ni Piper na mag isa dito sa may kalsada.

" Have you been crying? " tanong niya. Humawak naman ako sa mga mata ko and laughed weirdly. God, i'm such a dork.

" Yes, I just watched Meet the Robinsons. " sagot ko.

Piper shrugged at pina tunog ang bell ng bike. " That explains it. "

Sa panahon ko na yun tinanong kung kanino ba talaga yung bike na ginagamit nilang dalawa ni Timothy.

" Whose bike is it? " I asked " Madalas kong nakikita na si Timothy ang may gamit pag napasok kayong school pero minsan naman na sayo yan? "

" We bought this together when we're in Grade 8. Pinagipunan namin ito, actually. "  Piper looked nostalgic as she told me the ownership of the bike.

" So, we're gonna get groceries together, huh? " i sounded casual pero kinakabag na ako sa loob loob ko. " Let's go? "

Nagsimula na akong maglakad pero pinigilan ako ni Piper by pulling my arm. Kinilig ako sa ginawa niya pero siyempre di ko pinahalata.

" Ride at the backseat. " she said in a monotonous voice " Para mapabilis na tayo. "

I did what she suggested at umangkas nga ako sa likod. This is the second time that i get to be with Piper on this bike. Panigurado na pag nakita ako ng mga kaklase ko sasabihin nila na napaka suwerte ko.

And they're right, because i am.

Buti na lang nakatalikod si Piper dahil hindi niya makikita kung paano ako nag blu blush sa eksena namin ngayon.

Parang naging sobrang bilis ng takbo oras dahil nasa grocery na agad kami sa may subdivision namin. Nakumpleto ko naman lahat ng nakalagay sa listahan na binigay sakin ni Mom, hinintay ko lang si Piper ng mga kaunting oras at bumalik na din kami.

As we made our way home, di namin inaakala na matutumba kami sa bike. May nadaanan kasi kaming malaking bato na naging dahilan para ma out of balance kami, nakadagdag din siguro sa bigat ang mga pinamili namin.

Pero bago kami natumba ay nagawang maituon ni Piper ang paa niya para mapigilan ang pagtumba namin at para hindi masyadong malakas ang impact. Nakatalon naman agad ako sa may back seat ng bike pero si Piper ay tuluyang natumba kasama ng bisekleta.

I felt my heart jump out of my chest. Sobra akong kinakabahan at madali kong nilapitan si Piper. I was worried about her.

Hindi niya kailangan masaktan.

Inabot ko sakanya ang aking kamay para tulungan siya tumayo and the next thing i saw brought me to tears.

Hindi maikukumpara ang pag iyak ko sa mga movies na pinanuod sakin ni Piper.

Dumudugo yung sa may parteng noo ni Piper. Nagka sugat kasi siya dun dahil sa pagkatumba nung bike.

" Good lord, why are you crying? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Piper sakin. Tinuro ko yung sa noo niya dahil hindi ko magawang magsalita dahil sa pag iyak ko.

Hinawakan ni Piper yung noo niya at tinignan ang dugo sa kanyang kamay. Walang nag bago sakanyang reaksyon. She ran her hands through her hair and sighed.

Natatakot ako para kay Piper.

" I-i'm sorry Piper... " finally I said something in between my sobs " K-kasalanan ko ang nangyari... K-kundi sana ako umangkas sa bike mo, h-hindi sana mangyayari yan sayo. "

Pinulot ni Piper yung mga nahulog na groceries at inilagay sa basket sa unahan ng bike. Kinuha niya din sa kamay ko yung pinamili ko at dun ito nilagay.

" It's not your fault. " sabi niya habang nakatingin sakin. " Hindi naman masakit and it's probably just a scratch. "

" N-no! You're bleeding! We have to get you to the hospital! " napalakas ang boses ko. Kasi naman si Piper parang walang pakielam sa sarili niya.

Inilagay ni Piper ang pareho niyang kamay sa balikat ko at parang inalog niya ako to snap me out if it.

" Look, like I said it's just a scratch. Hindi naman tumagos sa laman ko or anything and besides we have to get home quickly as we could para hindi mas lalo mag alala ang mga parents natin. "

" B-but... "

Ngumiti sakin si Piper na para bang ni re-re assure na ayos lang siya. Pinunasan ko yung luha ko at naglakad sa tabi niya habang tinutulak na lang niya yung bike.

That was the day i hated myself and Piper at the same time.

I hated her for having little regards for her well being but i hated myself more dahil hinayaan kong masaktan si Piper in my watch.

But let's not talk about Piper.

The next story is about how Timothy knew that I like Piper.

PiperWhere stories live. Discover now