12

450 25 3
                                    

Heart broken.

Yes, I was heart broken.

Maraming beses na din akong na heart broken pero ang nararanasan ko dahil kay Piper is nothing compared to all the other heart breaks i had felt before.

Di ako makakain at halos wala na akong ginawa kundi matulog para lang hindi ko maisip si Piper. Pero even in my dreams she's there.

Lagi na lang ako nagbubuntong hininga at sinabi sakin ni Dad that every sigh i make i let out happiness from my body. Ubos na siguro talaga ang kaligayahan sa katawan ko.

I ruined my schedule to watch heart wrenching movies that can relate to the sadness i feel. Imbes na magpakasaya ako ay mas lalo akong pinalulungkot ang aking sarili. I also started to listen to my little sister's playlist of songs about failed and unrequited love.

Gustong gusto ko sampalin ang sarili ko but I've done that many times but i still love Piper.

Heck, it even made me love her more.

Nakahalata na nga ang little sister ko. Nung minsan we went out for family trip.

Inilalabas na ni Dad yung kotse namin habang naghihintay kami sa labas. Sakto naman ng lumabas din si Piper sa bahay nila at ako naman ay nag panic because she was looking at our direction.

I used my sister to hide myself from Piper's gaze bago ko siya tinulak sa loob ng car. Tinignan kami ni Dad kung okay lang ba kami. Pumasok na din si Mom katabi ni Dad at tinanong ko may nangyari daw ba sa akin.

My little sister got pissed because i pushed her. Hindi ko naman kasi sinasadya na gawin yun sakanya pero hindi kasi ako mapakali dahil i swore Piper was looking at me.

I felt a pinch on my heart ng makita ko siya.

Buti na lang Mom and Dad were busy talking about something at hindi nila nakinig ang pag hot seat sakin ng kapatid ko.

She asked me bakit ba daw these past few days ay mukhang nilalayuan ko si Piper. Nahahalata daw kasi niya na sumasabay ako sakanya every morning pumasok sa school at hindi ko na daw hinihintay makita si Piper every morning.

Nag blush ako sa sinabi niya. Do I really do that?

According to her too, na everytime na mabanggit ang pangalan ni Piper sa bahay namin ay para daw bang nagbabago ang expression ng mata ko. Noong dati daw ay para daw punong puno ito ng buhay pero ngayon ay para daw naman ako iiyak palagi pag nakikinig ko ang pangalan niya.

It's true, though.

" Like, really sis. What's the score between you and Piper, anyway? "

Her question left me speechless. It was the first time kasi na may magtanong sakin tungkol samin dalawa ni Piper except for Timothy. And to think na yung kapatid ko pa ang nag open up nung topic na yun.

Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sakanya. There's no use lying to her dahil malalaman namin niya agad and i'm not really good at lying.

I scooted closer to her para kaming dalawa lang ang makakakinig sa sasabihin ko. I trust her with my secrets and i know she will not do anything to hurt me by admitting that i like Piper, our neighbor for four years.

" Will you promise me that, you won't freak out? " i told her. She nodded impatiently at para bang gusto niya na sabihin ko sakanya agad.

I took a deep breath, para mag buwelo. This is it. I'm finally opening up my feelings for Piper to one of my family.

" May gusto ako kay Piper. "

Biglang tumigil ang kotse dahil nag stop over si Mom at Dad sa drive through ng McDo dahil medyo malayo layo daw ang biyahe namin.

PiperWhere stories live. Discover now