Chapter 3 - What's Lie From Me?

125K 4K 8.1K
                                    

TAMED III - WHAT'S LIE FROM ME?

I NEARLY tripped as I ran directly to where Professor Sandoval had gone, trying to catch her attention before she left. I still have an hour till my next lesson at 9:30 am. Gusto kong isigaw na lang ang pangalan niya upang kunin ang kanyang atensyon ngunit hindi na kasi siya iyong babaeng nakilala ko noong enrollment day.

I was coming close to the stairs, but she had already left, so I kept hurrying up, not paying attention to my steps and slipping. I don't remember what happened next, all I know is that my eyesight gradually darkened.

"Zamantha?"

I finally opened my eyes without feeling like I was lugging around a heavy load on my closed upper eyelids.

"Zamantha, are you okay?" Muli kong tiningnan ang nilalang na nasa harapan ko ngayon. Nagpupungas-pungas pa ako noong una pero no'ng rumehistro sa utak ko kung sino'ng kaharap at kausap ko ay agad akong bumalikwas mula sa pagkakahiga.

"Vice president?" gulat kong bulalas. Namula ang buong mukha ko. Bakit may gwapo rito? Bakit kami magkasama? Nasaan ako?

After a moment of confusion, I realized I was in a clinical bed.

The VP smiled. "Brent Laczamana. Kumusta pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa 'yo?"

Sa lagay ng kondisyon ko ngayon tama bang dinadamayan ako ng galak dahil kasama ko ang taong 'to ngayon? Ang huling naaalala ko ay nasa may hagdanan ako at hinahabol ko si Professor Sandoval.

"Bakit ako nandito?"

"Nahulog ka sa hagdan kanina. Hindi ko alam kung paano pero pagdating ko, nakahandusay ka na at walang malay."

So ibig sabihin nito, hindi ko na-submit 'yong papel ko? Pambihira naman, oh.

"Ikaw ang nagdala sa 'kin dito, kuya?" Noon ko lang naramdaman ang sandaling pagkirot ng aking noo na may maliit na bendahe nang kapain ko.

"O-oo." Tumikhim siya at maiging inayos ang eyeglasses. "Huwag mo na akong tawaging kuya o VP, Brent na lang, okay?"

Marahan lang akong tumango na nakatitig pa rin sa kanya. He looked classy and handsome with his navy blue long sleeve, appearing neat with his clean hair-cut. His beautiful catastrophic eyes drew me in, and if he hadn't spoken, I might have taken his glasses off in an instant.

"Zamantha?"

Pretending to touch my temple, I cleared my throat. "Sige, Brent."

Hinanap ko 'yung papel pero wala na, sandali akong nanahimik para alalahanin ang buong pangyayari. Hawak ko naman 'yon, eh. Noong hinahabol ko si ma'am, dala-dala ko 'yon at wala sa bag ko.

"Ano'ng hinahanap mo?"

"Iyong yellow paper kanina? 'Nung nakita mo ba akong walang malay ay wala kang nakitang kahit na ano'ng papel na hawak ko kanina?"

Kumunot ang kanyang noo. "Wala naman, ano'ng papel ba 'yon? Is it important? Pwede akong bumalik sa stairs where the accident happened."

Umiling na lang ako dahil abala na naman 'yun. "B-brent, ilang minuto akong walang malay?"

"Twenty to half an hour, I think? May pasok ka ba dapat?"

"Wala naman, mamayang nine-thirty pa. How about you? Wala ka na bang ibang gagawin? Baka naaabala na pala kita."

"I have a 9:30 am class too. Sabay na tayo? What building ka?" alok pa niya saka niya akong inalalayan sa aking pagtayo.

***

Tamed [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon