Chapter 16 - Jealous

102K 3.4K 5K
                                    

TAMED XVI - JEALOUS

IN recent days, Mr. Allen Lantzer has been taking charge of the subject that Professor Sandoval used to teach in our class. He hasn't explained the reason for the change, but he did let slip that Professor Sandoval is currently swamped with preparations for the Grand Variety Show. Nakapagtataka lang dahil naririnig kong nagtuturo pa rin naman ang propesora sa ibang departments. She likely had too many things to do and needed to reduce her workload, but I don't understand why she had to pass our subject to Sir Lanzter.

Sa kabilang banda, pakiramdam ko ay ayaw na niya akong makita. Galit pa siguro siya sa 'kin. Nakakalungkot lang dahil pareho naman kaming may mali, pero pakiramdam ko kasalanan ko lahat.

"Magandang umaga mga mahal kong naggagandahang binibini!" Kuya Denzel gave us a morning hug.

"Halos dalawang linggo kang umuuwi nang lasing, nagpapariwara ka na bang bata ka? Nag-aaral ka pa ba?" sermon sa kanya ni Mama.

Napangiwi ako kasi totoo iyong sinabi ni Mama noon na parang may iba ng bahay na inuuwian si Kuya. "Baka nag-aadik na 'yan, Mama. Good item ba, Kuya?"

"Well, just so you are all aware, may matinong part time job na ako ngayon kaya napapadalas na pag-uwi ko ng madaling umaga. Isa pa't, ako kasi kadalasan ang tinatawagan ng may-ari ng bar place na tambayan ni Ritchel kapag hindi niya na magawang umuwi mag-isa."

Tama ba ang pangalang narinig ko? Ritchel? Richelle?

"Sino'ng Ritchel iyan at responsibilidad mo pang sunduin at i-uwi gabi-gabi, aber?"

Paano kung Ritchel nga? Is he hanging out with my professor?

"Si Miss Sandoval mama, si Rhio. Iyong propesora ni Zam. 'Di ba former classmate ko 'yon noong elementary? Kaibigan ko kasi 'yung may-ari ng bar at minsan nakakasabayan ko na rin talaga si Ritchel doon. Hindi naman ako umiinom kapag kasama ko siya, binabantayan ko na lang. Mukhang pinagtaksilan ng buong mundo, eh! Malakas lumaklak ng alak!"

Tumingin sa akin si Mama nang hindi makapaniwala, katulad ko ay gulat din. Si Professor Sandoval at Kuya? Silang dalawa? At sa Kuya ko pa talaga?

"Mukhang may mabigat na pinagdadaanan iyang si Miss Sandoval. Nakakapasok pa ba iyon?" tanong ni Mama sa 'kin.

"She's no longer my professor. For some reasons, she just ended it."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko abala siya para sa Grand Variety Show? Bukas na nga 'yon, hindi ba? Ano 'tong mga nalalaman ko? I don't even want to mention it, come on.

"Kaibigan lang ha, Denzel, baka mamaya iuwi mo na 'yang si Miss Sandoval at ipakilalang nobya mo," dagdag sermon ni Mama sa magaling kong kapatid.

Tumawa si Kuya. "Nasa tamang edad naman na ako Mama, 'di ba? Si utol dapat binabantayan mo, kaya ko na sarili ko! Ang gandang lalake kasi ng anak niyo, eh!"

"Walang kwenta magandang lahi mo kung hindi mo kayang buhayin magiging pamilya mo," sabi pa ni Mama.

Humarap sa 'kin si Kuya saka ngumisi. "Zam? Gusto mo na ba ng pamangkin? What if ready na ako?"

Hindi ko na manguya 'yung panghuling subo ko ng kanin dahil sa usapan nila. Tumayo ako at umiling habang sinisimulang iligpit ang mga pinggan.

"Hoy Zamantha! Kumakain pa ako abaaaa, gusto mo yata akong 'di makapag asawa eh! " sita naman ni kuya. Langya ano'ng kinalaman ng pinggan, baso at kutsara't tinidor sa pag-aasawa niya?

"Ikaw na magligpit niyan!" Naiinis akong umalis sa harapan niya.

Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano, kilala ko si Kuya. Mahirap 'yang magkagusto sa babae at masyadong mapili 'yan pero si Professor Sandoval na kasi ang usapan, eh. Si Miss Rhio 'yan! That woman is a living goddess! She's the kind of woman that many people dream about, the embodiment of an ideal woman!

Tamed [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon