Chapter 34 - Escapade

176K 4.5K 35.8K
                                    

TAMED XXXIIII - ESCAPADE

KINAKABAHAN ako, hindi ko alam kung bakit. Tama bang iniwan ko siya sa lalaking 'yon? Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Wala pa man din akong tiwala sa mga lalaki kaya't nasa sasakyan na ako ay hindi pa rin ako mapakali.

"Hindi mo ba hihintayin ang pinsan mo?" tanong ko nang andarin agad ng propesora ang sasakyan pagdating ko. Ngayon lang ako naglakas loob na kausapin siya ulit pagkatapos kong ibalitang sumama kay Marco si Cash.

"I thought she's with Marco? Why do we have to wait for her? Si Marco na ang maghahatid sa kanya."

"Miss Rhio, another 10 minutes lang." Oo, lumipas na kasi ang sampong minuto pero hindi pa rin dumadating ang pinsan niya kaya nadagdagan ang pag-aalala ko. Kung may load lang ako ay hindi ko na aabalahin itong propesora. "Pwede mo ba siyang tawagan?"

Nakikiusap na ang tono ko, malapit na akong maging desperada para lamang pagbigyan niya ang hiling ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may masamang nangyari sa pinsan niya, kargo ko 'yon kasi ako ang date at huling kasama niya.

"It's okay, she's hanging out with Marco. She's in good hands. Why are you so worried?"

"Hindi mo naiintindihan." Mukhang nakabatak kaya iyong Marco na 'yon kanina!

Tumaas ang kanyang boses. "I didn't quite get what you meant, pinsan ko ang pinag-uusapan natin."

It seemed like my words might have rubbed her the wrong way, siya nga naman pala ang pinsan at higit na mas nakakakilala kay Marco.

"I'm just worried."

"Then you're making more out of this than you need to! I told you, that freak is fine!"

"She's your cousin, Miss Rhio! Wala ka bang pakialam sa kanya?! Kahit simpleng pagtawag lang para siguraduhing ayos siya ay hindi mo magawa!" Ano'ng klaseng pinsan siya? Ganyan na ba talaga katigas ang puso niya?

"Fine, fine, fine! Call her!" She angrily tossed her phone towards me and got out of the car, causing my heart to race faster. Padabog pa niyang isinara 'yong pinto ng sasakyan nang tuluyan na siyang makalabas.

Napaawang ang bibig ko dulot ng gulat dahil sa ginawa niya, hindi pa sana ako magigising sa katotohanan kung hindi nag-flash 'yong screen ng phone niya. Mababasa agad ang text message si Cash doon, nagtatanong kung nakauwi na ba kami.

Tiningnan ko 'yong phone ko at gano'n din ang mensahe niya sa akin. I was so relieved to hear that she was okay, but then I realized that I had lost the professor and my earlier worries came back twice as strong. Mas masahol 'yong kaba ko ngayon dahil sa kanya. Mabilis akong gumalaw at lumabas, tumakbo kung saan-saan para hagilapin siya. Luckily, even in a sea of people, Sir Franko's coat on her was incredibly noticeable.

"Miss Rhio!"

I had to catch my breath as I made my way in front of her. Napayuko ako habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa magkabilang tuhod nang nakatingin sa kanya.

"Move away," utas niya sa akin dahil sa pagharang ko. She's glaring at me. May ideya na ako kung bakit siya naiinis kanina pa at kung bakit ganito na lang ang galit niya ngayon.

"Saan ka ba pupunta? Umuwi na tayo."

"Wala kang pakialam, tabi!" Kapag ganitong nagtatagalog siya ay alam kong sukdulan na ang kanyang galit.

Tamed [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon