Chapter Two

13.9K 210 2
                                    


First Day

Pagka-Gising ko ay naghilamos ako ng mukha. Kahit gaano kasaya ang nangyari kagabi ay wala akong maipakitang saya sa bahay namin.

Para akong nasa hunted house pag nasa bahay ako. Palagi akong walang emosyon pag nasa bahay dahil kung hindi ako galit ako ay malungkot naman.

Nasa school na yung bunso kong Kapatid kaya naka kulong lang ako sa kwarto.

Tok! Tok! Tok!

Halos nasira ang pintuan ng jwarto ko sa lakas ng pagkatok nito.

"Alex! Lumabas ka dyan! Bigyan moko ng pera!" Hiyaw ng Stepfather ko. NagpaTuloy lang ito sa pagkatok ng pintuan ng kwarto ko.

"Wala po akong trabaho kaya wala po akong pera!" Hiyaw ko sakanya.

"Lumabas ka nga at magusap tayo!" Hiyaw nito.

Binuksan ko naman ang pinto ng kwarto para makausap ito. PagBukas na pagbukas ko ay hinatak ako nito sa buhok at kinaladkad palabas ng bahay.

"Kung wala kang trabaho wag kang titira sa pamamahay ko!" Galit na hiyaw nito sabay inihagis ako nito na parang basura sa labas ng bahay.

Inawat ni Mama yung Asawa niya pero Smsinampal din siya nito ay hiniyawan.

"Isa ka pa! Wala ka din silbi!" Hiyaw din niya kay Mama at malakas na isinnara ang pintuan ng bahay namin.

Gusto ko man umiyak pero wala akong mapapala. Kahit umiyak ako dito ng dugo walang mangyayari saakin dito.

Mabuti pa pumunta muna ako kari Tiya. Naglakad ako papunta sa bahay ng Tiyahin ko. Siya lang ang nakakaTulong saakin kahit papaano. Naiwan ko kasi ang alkansiya ko sa kwarto kaya wala akong masyadong dalang pera. At kailangan ko pang magtipid.

"Tao po! " Sabay kumatok ako sa bahay ng Tiyahin ko.

Pinagbukasan naman ako ng pinto at pinapasok sa bahay ng makita ako.

"Ano nanaman nangyari sa bahay niyo Hija?" Mabait ang Tiyahin ko kaya malaki ang pasasalamat ko dahil tinutulungan niya kami ng bunso kong kapatid. Naglapag ito ng kaunting makakain sa lamesa.

"Wala ho." Sabay kumuha ako ng tinapay at pinalaman ito ng cheese. Hindi nako nakaKain dahil umagang-umaga palang problema na agad ang sumalubong saakin.

"Hmm Tiya, Magtatrabaho po ako." Malungkot ang tono ng pagsasalita ko.

"Edi maganda Hija" Masayang sagot ng Tiya ko.

"Pwede ko po ba sayo iwan si James? Pero promise po papadalan ko po kayo ng pera pag meron po ako." Hinawakan ko siya sa kamay para tanggapin si James. Siya lang talaga ang kilala kong pwedeng pagIwanan kay James.

"Oo naman! Alam mo naman na parang anak ko na din si James." Nginitian ako ng Tiya ko kaya pati ako ay napangiti din sa tuwa.

Hindi pinalad na magkaroon ng anak ang Tiya ko kaya silang dalawa lang ng asawa niya ang nakaTira sa bahay nato. At buong puso nilang tinatanggap si James at tinuring na anak.

"Saan ka ba magtatrabaho at kailangan mo pang iwan si James?" Malamang ay nagtaka siya kaya tinanong ako nito.

Ano bang dapat kong isagot? Hmmm ano nga ba ang trabaho ko? "Hmmm, Di ko pa po alam e."

"Sige, Iwan muna kita saglit ah?"

Tumango ako bilang pagsagot. Siguro ay may ginagawa siya at bahagya ko siyang naistorbo sa pagdating ko.

Sold By Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon