Chapter Eighteen

8.7K 121 1
                                    

Parents

Nagmamadaling ymuwi si Lac. Wala naman siyang sinabi saakin basta may nagCall sakanya tapos umalis na siya. Emergency siguro dahil nagmamadali ito kanina.

Nag-leggings ako atsaka fit na damit. Magzu-zumba ako magisa kahit dito lang sa bahay.

Wala na kasi akong exercise baka tumaba ako. Cinonnect ko yung phone ko sa flat screen na Tv ko atsaka inumpisahan ang pagsayaw ng zumba.

.....

Woaahhh!! Naliligo nako sa pawis. Nakakapagod pala magZumba.

Hingal na hingal ako pagkatapos kong sumayaw. Ngayon na lang ulit ako napagod ng ganito. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

Nagpalit agad ako ng dami baka kasi matuyuan ako ng pawis sa katawan at magkasakit ako. Magpapahinga lang ako tapos maliligo nako.

Beep! Beep!

"Alexx!"

Agad ako lumabas para tignan kung sino ang tumatawag saakin. Nakita ko si Aleut nasa harap ng bahay.

Binuksan ko yung gate para papasukin si Aleut. "Na dalaw ka?"

"Gumayak ka daw dahil dadating ang parents ni Lac." Natatarantang wika nito.

"A-Ano?! Yung magulang niya?!" Halos lumuwa ang mata ko sa gulat.

Ba't hindi niya agad sinabi?! Siraulo talaga yung Jutay na yan. Anong gagawin ko? Wow grabe! Hindi ako na-Orient.

"Mamayang lunch dating nila kaya magReady ka na. Gusto ni Lac magmukha ka daw prinsesa. Una nako bye! MagAayos pako." Hindi na bumaba sa sasakyan si Aleut. Agad din siya umalis.

"Thanks." Hinintay ko muna siyang makaAlis bago ako pumasok ng bahay.

Tinignan ko ang Oras. It's 10:00am, nagmadali akong pumasok ng banyo para maligo.

I need to look forgeous today. Ang arte pa naman nung lalaking yon. Gusto daw nIya magMukha akong prinsesa Ughh! Hindi pa naman ako sanay magMake up sa sarili.

Binuksan ko yung electric fan para hindi agad ako magMukhang haggard.

Anong susuot ko? Hmm.... Kalkal lang ako ng kalkal sa kabinet ko. Gotcha! Off shoulder red dress ang susuotin ko. Hindi naman ako mu-mukhang slut sa suot ko? Ang laki pa naman ng dibdib ko. I hate this breast! Kung pwede lang magsonate sa mga flat hayst! naka high heels din ako.

Binlower ko yung buhok atsaka ko kinulot yung gawing ilalim. Red lipstick mwa! Ganda mo talaga Alex! Eye liner. Ughh! Hindi pa ata pantay? Pwede na yan and last, Foundation. Hindi ko na kinapalan tutal natural na reddish yung pisngi ko atsaka baka magMukha akong patay o bakla.

Mukha na ba akong prinsesa? Gusto ko sana simple lang. Paano nga ba'ko pupunta don? Walang susundo saakin. Call ko kaya si Aleut?

Calling.....

"Hello Alex?" Sagot ng nasa kabilang linya ng telepono.

"Hello Aleut? PakiSundo naman ako." Nakakahiya sakanya pero mas nakakahiya kung male-Late ako.

"Hindi ko ba nasabi sayo? Si Lac susundo sayo." Sagot ni Aleut na nasa kabilang linya ng telepono.

"Oh really? Okay thanks." Susunduin pala ako ni Jutay hihi medyo kinilig ako dun ah.

Pumasok ako sa kwarto atsaka binuksan yung aircon baka pagpawisan agad ako. Ang init pa naman.

Habang nagsasalamin napahinto ako. Seryoso kaya si Lac? Papakilala niya'ko sa parents niya kahit hindi totoo yung relasyon namin. Ano na lang sasabihin ng Pamilya niya kung malalaman nilang hindi talaga kami magJowa. Gago talaga yung Lac na yan! Hindi nagIisip ts!

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now