Chapter Fourteen

9.3K 145 2
                                    

Pranka

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin saakin si Lac pero hindi ko siya pinapansin. Tuloy-tuloy lang akong nagbabasa ng sasakyan.

Sinadya ko pang basain ang sarili ko para mas makuha ang atensyon nila."Ow shit!" Matapos kong basain ymang sarili ko. Parang tanga ko no?

"Napano ka?" Tanong saakin ni Aleut.

"Wala, nabasa lang ako." Sagot ko kay Aleut atsaka ko siya nginitian.

"Hey! Tumigil ka na! Kami na gagawa ni Aleut nyan!" Utos sa akin ni Lac.

Pero hindi ko siya pinapansin. Kunwari hindi ko siya naririnig. Tumingin ako sa nabasa kong damit. NakaBakat yung bra ko. Bakit ko ba kasi naisip basain ang sarili ko.

"Alex magbihis ka na." Lumapit saakin si Lac.

Pero bago pa man siya makaLapit ay humarap nako sakanya. "Akong Bahala! Matatapos na kami!" Madiin kong sagot.

Biglang may tumurit na tubig sa mukha ko. Tinignan ko si Ann ng masama. Kasi alam ko sinadya niya yon!

"Excuse me." Bahagya kong tinulak si Lac.

Nabasa nako ng tuluyan kaya ang ginawa ko ay hinubad ko na ng tuluyan ang damit ko. Lumabas yung maputi kong katawan at ang kulay blue kong vra. Nakita ko din na nagulat si Lac at si Aleut sa ginawa ko.

"Alex! What the fuck are you doing?!" Hiyaw ni Lac sa akin.

Hindi ako kumibo at tinignan ko lang siya. Tinaasan ko siya n kilay bago puntahan si Aleut.Mamatay ka sana sa SELOS!! Maglaway ka! Kung galit ka pwes mas galit ako!

Lumapit ako sa lalaking binigyan ko ng sisig na dapat para kay Lac pero dahil sa galit ko binigay ko sa lalaki nato yung sisig na ginawa ko.

"Kuya, Pakuha naman po ako ng platito atsaka kutsara titikman lang po namin yung sisig." Pagpapaalam ko. Medyo nahiya ako hehe baka ano isipin ni kuya.

"Sige ho." Agad pumasok yung lalaki sa loob ng bahay ni Lac para kumuha ng pinapakuha ko.

"Hey Alex! I am talking to you!" Hiyaw ni Lac atsaka ako hinitak sa braso.

"Ano Ba?!" Galit na sagot ko.

"Napano ka ba? Magdamit ka nga!" Nakakunot ang noo nito.

"Paki mo ba?! Di ba kunwari lang naman ang lahat?!" Atsaka ko inalis yung kamay ni Lac sa Braso ko. MAMATAY KA SA GALIT! ATAKIHIN KA SANA SA PUSO! NYETA!

Lumapit sakin si Ann. "Anong kunwari lang ang lahat?" Tanong nito saakin.

"Wala ka nang pake don! Kung gusto mong malaman edi tanong mo diyan sa tagapagLigtas mo!" Pagtataray ko kay Ann. Iniwan ko siyang natameme. Hindi siya nakapagSalita sa sinabi ko.

"Ma'am eto na po yung pinapakuha niyo." Sabay abot sakin ng platito at kutsara.

"Salamat po." Kumuha ako ng konting sisig atsaka lumapit kay Aleut.

"Oh, Nganga." Utos ko kay Aleut.

Nagkunot ito ng noo saakin pero ngumanga din naman siya agad. Sinubuan ko siya ng sisig.

"Ah! Ang hanghang!" Agad niya kinuha yung gost at tinapat sa bibig nito.

Natawa ako sa reaksyon nito.Mukhang sumobra ng sili yung ginawa ko. Hindi ko kasi pinatikim sakanya iyon kanina dahil gusto ko si Lac ang unang makatikim.

Sold By Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon