Chapter Six

11.6K 174 0
                                    

Lacquere Falls

Pagkagising ko ay bigla akong nainip. Sanay nako sa katahimikan pero iba kasi ang ihip ng hangin dito.

Nakalimutan ko lahat ng nangyaring masama saakin pero iniisip ko kung kamusta na si James atsaka si Mama.

Sabi ni Lac, tawagan or magText kung may kailangan ako. Naiinip ako kaya itetext ko siya? Mabuti pa magpadala na lang ako ng tauhan niya para may makaUsap ako.

Me:
Lac, Padala ka nga ng tauhan mo para may kausap ako.

Wala man isang minuto ay nagReply na agad siya.

Lac:
Bakit? Ako na lang ayaw mo?

Me:
Wag na nakakahiya naman sayo!

Ilang Minuto ang lumipas pero hindi na siya nagreply. Siguro may ginagawa siya.

Lumabas ako ng gate para makita ang paligid. Medyo madaming bahay dito kesa sa gawing bahay ni Lac.

Naiinip na talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa bahay na'to. Kung nandito sana si James siguro ang saya saya niya. Napangiti ako habang iniisip ko si James.

Pamaya-maya ay may dumaan na lalaking kayumanggi ang kulay tapos malaki ang katawan, Messy hair, Mahaba ang pilik mata atsaka matangos na ilong.

"Kuya kuya! May alam ka bang pasyalan dito?" Tanong ko sa lalake. Naisip ko na mamasyal na lang para magkaroon ako ng kakilala at libangan.

"Hmm, may alam akong falls actually doon ako papunta ngayon gusto mo bang sumama?" Malaki ang boses nito na lalong bumagay sakanya.

"Talaga?! Hmm pwedeng hintayin moko? Mag bibihis lang ako." Tumakbo ako papasok ng bahay para magBihis. Nagpalit ako ng maliit na short at nagSando tutal summer naman. Nagdala din ako ng extrang damit.

Nagmadali akong lumabas kasi nakakahiya sa lalaki. NagLock agad ako ng bahay pati ang Gate linock ko bago sumama sa lalake.

Mukha naman siyang mabait at tahimik lang kami habang nagLalakad papunta sa Falls na sinasabi niya.

"Malayo ba yung falls?" Tanong ko sa lalaki.

Humarap ang lalaki saakin atsaka nagsalita. "Hindi, Bababa lang tayo tapos nandon na tayo." Sabay turo sa madamuhang bahagi ng linalakaran namin.

"My name is Alex." Sabay abot ko sa isa kong kamay.

"I am Race." Inabot nito ang kamay ko at nakipagShake hands.

"Bago ka lang dito?" Tanong saakin ni Race habang naglalakad kami.

"Yup, kagabi lang." Sabay nginitian ko siya.

Hindi pa kami nakakaLapit sa falls ay naririnig ko na ang ingay ng tubig dahilan para mas lalo akong maExcite magswimming.

Habang naglalakad kami ay nangangati ang buong paa ko. Dapat pala hindi nako nagShort.

"Here, Lagay mo sa hita mo para hindi ka kagatin ng mga insekto." May Inabot itong parang Lotion. Kinabit ko naman agad sa Hita ko dahil sobrang hapdi na ng balat ko sa hita.

Nasa harap ko na ngayon ang Lacquere falls. Malinaw ang tubig nito at malamig din pati  ang simoy ng hangin. Mukhang masasarapan ako magSwimming neto.

Nakita ko naman si Race na naghubad ng tshirt na suot kaya tumalikod ako sakanya. Narinig ko ang pagtalon nito sa tubig kaya humarap nako.

Hindi nako nagBihis at sumunod nako kay Race. Tumalon ako at agad na pinunasan ang mukha ko pagAhon sa tubig. Lumingon ako sa paligid pero hindi ko makita si Race. Nasaan kaya ang lalaking yon?

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now