Chapter Thirteen

9.6K 157 0
                                    


Selos

Nagising ako ng maaga. Nakita ko si Lac na nakatagilid habang natutulog. 7:30Am palang ng umaga.

Bumangon ako para magHilamos. Pumunta ako sa kusina para tignan kung ano ang pwede kong mailuto. Bacon na lang kaya. Or eggsandwich? Fried rice? Friedchicken? Hmm...

Nagluto ako ng bacon atsaka ng itlog. Ininit ko din yung sobrang friedchicken kagabi. Gumawa ko din ako ng garlic fried rice.

Isa-isa kong inayos at hinapag sa lamesa yung linuto ko. Nakita ko din si Lac na bagong gising lang. Dumeretyo siya sa banyo. Siguro magHihilamos din.

Binalot kami ng katahimikan habang kumakain. Bahagya akong tumigin sakanya ng mahuli ko itong nakatingin saakin.

"Uuwi ka na mamaya?" Unang tanong ko habang kumakain kami.

"Oo." Maikling sagot nito.

"Anong favourite mong kinakain? I mean yung ulam?" Paghahanda ko sana siya bilang utang na loob.

"Sisig na baboy."

Katapos namin kumain ay naglinis nako ng pinggan. Lumabas naman si Lac. Pagkatapos ko sa ginagawa ay lumabas din ako para hanapin si Lac.

Nakita ko si Lac kasama si Aleut inaalis yung isang gulong sa likuran ng sasakyan.

"Uuwi nako." Pagpapaalam saakin ni Lac.

"Huh? Hindi pa gawa yung sasakyan mo." NakaKunot noo akong tumingin sakanya.

"I know, Bawal bako mamasahe? Si Aleut na magUuwi ng sasakyan." Ani ni Lac atsaka nagAbang ng masasakyan sa kalsada.

"Bye." Kinawayan ako ni Lac bago sumakay ng tricycle.

Kumaway din ako pabalik bago pa siya makaalis. Bumaling ang tingin ko kay Aleut na nakaTuon ang atensyon sa ginagawa niyang gulong.

"Kumain ka na?" Tanong ko kay Aleut. Napatingin naman siya saakin atsaka siya tumango.

Natapos na siya sa ginagawa kaya nagHugas siya ng kamay sa bakuran. May gripo kasi don para sa mga halaman pag nagdidilig ako.

"Wait! Marunong ka magLuto ng sisig?" Tanong ko kay Aleut. NakakaInip naman kausap yung lalaking to.

"Oo bakit?" Kumunot ang noo nito sa tanong ko. Kita mo din sa itsura nito na nagtataka siya.

"Pwedeng turuan moko?" Ngumiti ako ng pilit para pumayag siya sa gusto ko.

"But—"

"Please?" Nagpuppy eyes ako para pumayag ito.

"Sige na nga, May baboy ka ba diyan? Kompleto ba sangkap mo?" Tinaasan ako nito ng kilay.

Waw! Nagsasalita siya. Pero masyado siyang seryoso katulad ng asawa ko este ng boyfriend ko.

"Wala hehe" Sagot ko.

"Punta tayo ng palengke." Pumasok siya ng kotse ni Lac.

Pupunta siya ng Palengke kahit madungis siya? Nagmadali akong pumasok sa kwarto para kumuha ng pera. Kumuha din ako ng damit panlalake para ipasuot sakanya.

Pumasok agad ako sa tabi ng driver seat. Inabot ko din yung damit na kinuha ko para magbihis siya. Pero hindi siya nagBihis at linagay lang niya iyon sa hita niya.

Tahimik kami habang bumabiyahe. "Hmm, ano ka ni Lac?" Tanong ko sa lalaki. NapaTingin naman ito sakin. Kasi parang super close nila sa isa't-isa.

Sold By Mr.ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon