Chapter Thirty Three

6.9K 132 6
                                    


The kidnapper

Ilang araw na din nawawala si Alex pero wala pa ring may alam kung sino ang may gawa nito o kung sino ang kumuha sakanya. Ilang araw na din ako'ng wala sa sarili.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko at kung saan ako kukuha ng lakas para mabuhay.

Kahit saan ako magpunta ay may dala ako nitong picture para ipagtanong kung nakita nila si Alex o kung sino ang kumuha sakanya.

Kahit malabo ang ginagawa ko ayokong mawalan ng pagasa sa paghahanap sakanya. Siya ang buhay ko, kaya kung mawawala siya parang namatay na din ako.

Nakikipagtulungan na din ang mga pinaka-magagaling na detective dito sa Manila. Kahit CCTV hindi nakuhanan ang pagKuha kay Alex. Wala rin nakakita noong kinuha siya.

Ginawa ko na ang lahat ng klase ng pagHahanap pero wala, hindi ko siya mahanap. Pati ang mga Kidnapper ay wala pa rin tawag na galing sa kanila para tubusin ko si Alex.

Ilang araw na ang lumipas pero hindi parin tumatawag ang mga kidnapper kaya walang action na nangyayari.

Iniisip nila na baka daw binenta na ang mga laman loob ni Alex o nakuha siya ng mga sindikato kaya hindi na siya mahahanap. Yaan ang mga pwedeng mangyari sakanya sabi ng police na nagIimbistiga pero hindi ako naniniwala. Hanggat walang ebidensya na may nangyaring masama sakanya hindi ako mawawala ng pagasa para hanapin siya. Hanggat walang bangkay nito hindi ako maniniwala sa mga sinasabi nila.

"Anak, Magpahinga ka muna." May humawak sa balikat ko at umupo sa aking tabi.

Nagaayos ako ng mga papeles dahil Aalis na ako para ipagpatuloy ang paghahanap kay Alex. Hindi ako magsasayang kahit konting iras. Kailangan ko siya mahanap.

"Anak, Ilang araw ka ng naghahanap sakanya. Ayaw mo muna bang magpahinga? Makakasama yan sa pakiramdam mo." Si Mommy ang nagsalita.

"No Ma, Im fine. Thanks for your concern." Tumayo para umalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero hahanapin ko siya. Kesa naman naka-upo ako dito at hindi kumikilos. Mas mabuti na ang may ginagawa ako kesa iasa ko na lang ang lahat sa mga police.

"Wait Anak! Hindi ka ba kakain?" Hinabol ako ni Mommy.

"No Ma,Busog ako " Hindi pa man ako nakakaLayo ay bigla akong bumagsak. Nanlambot ang mga tuhod dahilan para bumagsak ako. Medyo nahihilo din ako. Napapabayaan ko na din ang pagkain ko dahil mas inu-una ko ang paghahanap kay Alex.

"I told you, You need to take a rest." Tinulungan ako tumayo ni Mommy at nalalayan na maka-upo sa malapit na upuan. Kinuha niya agad ako ng malamig na tubig at pina-inom iyon saakin.

Malakas ako. Hindi ko kailangan magpahinga. Hindi ako nakakaramdam ng pagkahina kaya kailanga ko ipagpatuloy ang paghahanap kay Alex.

Paano kung may nakaKita na sakanya? Kailangan ko pa siya hanapin. Sayang ang oras kung magpapahinga lang ako. Ayokong magsayang ng oras sa pagHahanap sakanya.

"No Ma, Im fine." Sinubukan ko ulit tumayo pero pinigilan ako ni Mommy. Iba na ang mukha nito.Galit na ang ekspresyon nito saakin. Ayokong magalit si Mommy. Minsan lang siya magalit pero huwag sa oras na to. Always nalang siyang tama pag nagagalit siya.

"Minsan kailangan mo din isipin ang sarili mo bago yung ibang tao. Isipin mo din na kailangan mo magpahinga para may lakas ka para hanapin si Alex. Sa tingin mo ba matutuwa si Alex pagpinapabayaan mo ang sarili mo?" Ani ni Mommy, Seryoso ito.

Yup, She's right? Dapat ko din isipin ang sarili ko. Hindi ko namamalayan pati ang Sarili ko ay nasasaktan ko na at napapabayaan. Kailangan ko din magpahinga para may lakas ako na hanapin si Alex.

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now