Chapter Ten

10.7K 143 0
                                    


Friend

Agad ko tinulak si Lac para umalis sa itaas ko. Baka iniisip nung babae may ginagawa kaming hindi kanais-nais.

Tumayo ako ng maayos nung naka alis si Lac sa aking ibabaw. Nginitian ko yung babae para maiba yung iniisip niya saamin.

"Anong ginagawa mo dito." NakaKunot ang noo ni Lac sa babae.

Kinurot ko naman siya sa tagiliran para ibahin yung ekspresyon niya. Tinatakot niya yung babae.

"S-Sabi ni kuya Pedro nandito ka daw." Sagot ng babae.

"Tara sa sala?" Nasa loob kasi kami ng banyo ni Lac. Mas maganda siguro magusap kung sa sala kami maguusap hehe.

Na-unang lumakad si Lac palabas ng banyo. Sumunod naman ako sakanya. Kinawayan ko yung babae nung nadaanan ko siya.

"Alex, siya yung pinsan ko na sinasabi sayo." Ani ni Lac.

"Ahh." NapaTango-tango ako sa sinabi ni Lac.

"Who is she kuya?" Sabay Turo nito saakin.

"Kaib—" Naputol yung sinasabi ko nung sumabat si Lac.

"My girlfriend." sagot ni Lac.

Huh?!pati sa mga kamaganak niya sasabihin niyang Gf niyako?

"Whaatt?!! Seriously Kuya?! Wow!" Ngumiti ng matamis yung babae saakin atsaka lumapit.

"Hi Ate, Ako nga pala si Aki Jean Byrd, Call me Aj or Aki. What is your name Te?" Nakangiti pa din ito saakin ng matamis.

Nginitian ko din siya "Alexandria Merry Ayres, Call me Alex for short."

"Ahh, Ang ganda-ganda mo naman." Ngumuso ito saakin namay halong pagkamangha.

"Salamat pero mas maganda ka." Maganda din naman siya. Maliit  nga lang. Parang medyo may pagkaChildish pa yung pinsan ni Lac. Pero okay na yon para may madaldal dito sa bahay.

"Kuya paano mo siya nakilala?" Tanong ni Aki kay Lac.

Seryoso lang na nakaTingin saamin si Lac. "Aksidente lang yung pagkakaKilala namin tas yun. NaInlove nako sakanya. Love at first sight." Sabay kumindat siya saakin.

Bumilis agad yung tibok ng puso ko. Totoo kaya yon? Baka nagbibiro lang siya. Pero nanlalambot ako sa sinabi niya Grabe! Tagos dito sa Puso! Hinihingal nanaman ako. Love at first sight.

Umupo si Lac sa pang-isahan na Sofa. "Dito ka." Binuka nito ang hita niya. PinapaUpo niya'ko sa space sa harap niya?

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Seryoso siya kahiy nandito pinsan niya? Umupo naman si Aki sa mahabang sofa at tinitignan lang kami nito.

"Papahiya mo bako sa pinsan ko?" Tumaas ang sulok ng labi nito. Kinagat pa niya yung pangIbaba niyang labi kaya lalao itong namula.

Huminga ako ng malalim atsaka binuga. No choice ako. Ito namang si Lac ginagawang advantage yung pagScore saakin porkit nandito yung pinsan niya.

Umupo ako sa Pagitan ng hita niya. Agad akong yinakap ni Lac nung makaUpo ako. Nakapalupot yung kamay niya sa bewang ko. Pinatong din ni Lac yung ulo nito sa balikat ko atsaka niya siniksik yung ulo niya sa leeg ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya.

Ughh!! Mas lalong bumibilis yung tibok ng puso ko shete!

"Ang bango mo." Bulong nito saakin. Naramdaman ko yung gininga nuya na bumalot sa buong ulo ko kaya bigla akong kinalibutan.

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now