Chapter Eleven

9.6K 125 3
                                    


Fight

Tumagal din ng ilang oras yung pagUusap namin ni Race. Halos ang iba ay puro kalokohan lang. Pero masaya siyang kausap, Nakakalibang.

"So ano nyan?Hindi ka pa uuwi? Alam mo naman baka abutan ka ni Lac." Baka magkaroon nanaman ng gulo mahirap na.

"Sus! Sige sa susunod ulit." Tumayo na siya sa kinauupuan. Tumayo na din ako para ihatid siya hanggang gate.

"Sige ingat." Kinawayan ko pa siya bago umalis. Aba! Sakanya pala yung kulay pulang kotse sa kabilang kanto.

Nung makaAlis ang sasakyan ni Race ay saktong dumadating naman yung sasakyan ni Lac. Huminto siya sa harap ng gate at doon nagpark.

Beep! Beep!

Halos mabingi ako ng bigla siyang bumusina. Anong problema nito. Nagkunot ako ng noo at hinintay ang pagbaba niya sa sasakyan para bungangaan sa ginawa nya.

Bumukas ang pintuan ng kotse ni Lac. Nakita ko din siya pero makaTalikod ito saakin.

"Hoy!! Alam mo bang nabi— " Napalitan ng takot ang galit ko. Sobrang dilim nanaman ng mukha nito. Mukhang galit na galit ito. Makikita mo ang paggalaw ng panga nito. At ang mga mata noyang pinapatay ka sobrang talim. Magkasalubong din ang kilay nito.

"Anong problema?" Mahinhin ang tono ng pagsasalita ko ngayon. May nangyari bang hindi maganda.

Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad si hanggang papasok sa loob ng bahay ko. Sumunod naman ako sakanya.

"Lac! Hintayin moko." Mabilis itong maglakad kaya hinabolko ito.

"Lac." Tawag ko uli sa pangalan nito. 

Nang makaPasok kami. Huminto siya sa tabi ng pintuan ng bahay. Matalim pa rin ang mga tingin nito saakin. Talagang galit ang makikita mo sa mukha ni Lac.

Nang makaPasok ako ng bahay. Agad nitong sinara ng napakaLakas ang pintuan ng bahay.

BLAG!!!

Sa sobrang lakas ng pagkakasara ng pintuan ay halos masira ito. Kinabahan ako ng sobra sa ginawa ni Lac. Nanlalambot ang mga paa ko na ano mang oras ay bibigay ang mga paa ko sa sobrang takot. Pinagpapawisan din ako ng malamig dahil sa halong takot at kaba ang nararamdaman ko.

"L-L-Lac, A-Anong—"

"BULLSHIT ALEX!!! BULLSHIT!!!" NapakaLakas na hiyaw ni Lac saakin. Halos mapaatras ako sa sobrang lakas ng hiyaw niya saakin. At nakaSandal ako ngayon sa pintuan.

"FUCK!!" Sabay hampas sa sinasandalan kong pintuan kaya medyo nabingi ako sa nagawang ingay nito. Mas lalo akong kinabahan sa ginagawa ni Lac. Kulang na lang talaga ay saktan niya'ko ngayon.

Ano ba kasing nagawa ko bat siya nagagalit saakin. Wala naman akong ginagawang masama sakanya. O dahil ito sa nakilala ako ng pinsan niya.

Sinusunod ko naman ang lahat ng sinasabi nito. Pinapayagan ko naman siya sa mga gusto niya. Ano bang nagawa ko?

"ANO BANG MERON SA GAGONG RACE NA YON ALEX?!" Hiyaw ulit saakin ni Lac.

NapapaAtras ako sa bawat hiyaw ni Lac. Ano nanaman bang problema niya kay Race? MagkaHawak ang dalawa kong kamay habang nasa aking dibdib. Natatakot nako sakanya. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa nararamdaman ko. Kung pwede lang magpakain sa lupa sana kainin na niya ako sa mga oras nato.

"ALEX SAGOT!! BA'T HINDI KA MAKA-SAGOTTT?!!" Hiyaw at galit ang naririnig ko kay Lac.

Ano bang dapat kong isagot?
"K-k-kaibigan..." NakaYuko lang ako.

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now