Chapter Thirty

7.8K 140 2
                                    

Lac's POV

Advice of Friend

It hurts, I can't stop the pain.

Ano bang nagawa ko sakanya ba't nyako sinasaktan ng ganito. May nagawa bakong mali sakanya. Ang alam ko, Ako dapat ang magalit dahil ako ang nagmukhang tanga, Ginago, at linoko pero bakit ako pa rin ang may kasalanan. Bakit ako pa rin ang iniwan.

I was drunk that moment, I though siya ang kahalikan ko pero nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng bahay habang umiiyak. Biglang nagising ang Diwa ko. Ang nasa ibabaw ko ay si Hanna habang magkalapit ang mga labi namin.

Lasing ako nung gabing iyon dahil hindi ko pa rin matanggap na linoko nila ako. PinagkaIsahan nila ako. Nagmukha akong tanga. Ang sakit sa pakiramdam.

Ako na sinaktan, Ako pa iniwan.Sa bagay ganyan naman kayong mga babae. Maghahanap kayo ng matinong lalaki tapos sasaktan niyo lang. Tapos pag kayong mga babae ang sinaktan kung makapag salita kayo saaming mga lalaki parang kayo palagi ang tama.Hindi niyo pa kasi kami makita masaktan. At may babae din na hahanap ng pagkakamali mo at gagawin iyong rason para iwan ka.

Pinuntahan ko siya sa bahay nito noong gabing iyon pero anong ginawa niya? Ako pa nagmukhang masama. Kesyo nasasakal ko na daw siya. Shempre protective akong boyfriend, Ayokong may lumalapit na iba sakanya dahil natatakot ako na maagaw siya saakin. Ganoon ako kadimot pag dating sakanya. Dahil natatakot ako na iwan nya'ko at ipagpalit  sa ibang lalake.  Pero nangyari na ag dapat mangyari. Nangyari na ang pinaka-iinakatakutan kong mangyari. Iniwan na niya ako. Tama din siya. Hindi totoo ang relasyon namin. Pero masama bang magselos ako.

Linalandi ka natural babawalin kita at magagalit ako. Tapos ako pa ang masama. Manhid ka ba talaga? The fuck Alex!

Akala ko ba mahal mo nako? Akala ko ba gusto mo nako? E bakit iniwan mo'ko. Bakit mo'ko sinasaktan ng ganito. Ganyan ka ba magmahal? Puta naman!

Tapos hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon para idefend ang side ko. Iniwan mo na lang ako bigla.

Hindi pa ba sapat ang mga bagay- na ginagawa ko para sayo. May pagkukulang pa ba akong nagawa. Ba't hindi mo maramdaman na napamahal ka na din saakin. Ginagawa ko naman ang lahat maramdaman mo lang pero bakit parang wala lang sayo.

Isa pa sa problema ko sakanya ang napakadami nitong sikreto saakin. Never siyang nagopen saakin. Feeling ko ang lahat ng problema sa buhay niya ay siya lang ang nakakaalam. O talagang pinagplanuhan niya lahat ng ito. Yung aktan ako ng ganito, Yung lokohin ako at gaguhin.

"Hoy! Tumigil ka na nga."

Kinuha nito ang alak na iniinom ko at isa-isang tinabi ang mga bote ng alak ko. Tinignan ko ng masama kung sino ang may malakas na loob para storbohin ako sa ginagawa ko.

"What the fuck do you think you're doing?" Pagmumura ko dito. Hindi ako nasiyahan sa ginawa niya.

"Binabawal ka." At umupo ito sa tabi ko.

"The hell do you think you are Aleut?!" Kaya na ba nya'ko. Ang lakas ng loob niya para guluhin ako.

"Use your fucki'n brain Lac! Ano? ganyan ka na lang habang buhay? Hindi ka ba gagawa ng paraan? Hahayaan mo na lang ang lahat? Hahayaan mo na lang na mawala siya ng ganon kadali?! Duwag!" Seryoso ang mga tingin nito saakin. Parang nakikipag kumpetensya siya sa mga tingin ko.

"Wala kang alam!" Sagot ko dito. Totoo naman ako, kaya wag siyang matapang!

"Bro, Advice ko lang. She's doing that not because she's naive or stupid. Maybe she's doing it because she is still hoping na mababalik mo sakanya ang pinaparamdam niya sayo. Hoping na mahalin mo siya pabalik. Hoping na maging seryoso ka sakanya and realize that she's been there at your worst times." Seryoso pa rin ang mga titig nito saakin.

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now