Chapter Twenty-Three

39.1K 1.2K 210
                                    

Ngisi ang iginawad sa akin ni Xavi nang binawi niya ang kamay kay Gaia. He's pleased because he knows what I was thinking. Irap na lang ang sinagot ko sa kanya.

"I'll put your cousin's things at the back. Pumasok na kayo." Xavi told Alana. Kinuha niya ang dalawang maleta na nasa cart.

"Come on, Gaia," aya ni Alana at binuksan ang pinto sa backseat.

Gaia glanced leisurely at Xavi for a long time before hiding her smile and slipping inside. Patay malisyang sumunod si Alana sa pagpasok.

Tumalikod na ako para pumasok din pero pinigilan ako ni Xavi bago ko magawa 'yon. Kunot ang noong tiningnan ko siya.

He playfully grinned. "Help me out?"

Not wanting to feed his ego, I decided not to say anything. Kinuha ko ang isang maleta at walang imik na hinatak 'yon patungo sa likod ng kanyang sasakyan.

Narinig ko ang paghalakhak niya bago sumunod sa akin. Kahit na alam kong nasa tabi ko na siya ay hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hinintay kong buksan niya ang likod ng sasakyan.

"Damn. I fucking like it when you're being possessive. It makes me wanna kiss you," walang preno na sambit niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Pakiramdam ko ay itinulak ako sa apoy. Ang init ng buong mukha ko.

"Balakajan," mabilis na sabi ko at agad na tumakas papunta sa passenger's seat. Narinig ko pa ang malutong na tawa niya bago ako makapasok sa loob ng sasakyan.

I calmed myself and acted normal by casually turning to the backseat. Alana's preoccupied with her phone, while Gaia's looking in front. Hindi sa akin. Kagat ang labi niya at nagniningning ang mga mata, alam ko na agad kung saan... kanino siya nakatingin. I'm positive that she's eyeing Xavi through the rear view mirror.

My nose flared a little with steam of ire. "Sa inyo ba tayo deretso, Alana?"

"No. Gaia will be staying at a hotel."

Hindi na ako nagtanong kung bakit hindi na lang nakituloy sa kanila para tipid. That's really none of my business.

"Actually, can we eat first? I'm freaking starving. My treat!" she cheerfully said.

"Seafood restaurant!" Alana immediately chimed.

Tumango ako. Napatingin ako kay Gaia na nakangiti sa akin. I have no choice but to smile back to be polite. Mukhang mabait naman ito. Alana previously mentioned that Gaia's mother is nice, therefore she must be nice, too, right?

Sa akin agad ang mapaglarong mga mata ni Xavi nang pumasok siya sa loob ng sasakyan.

"The Red Crab tayo, Xavi," Alana eagerly exclaimed.

Napalingon si Xavi sa likod dahil doon. Hindi siya nagsalita at tumingon sa akin. Nag-angat siya ng kilay, na parang tinatanong kung doon ko rin gusto. Ngumiti ako at tumango.

He nodded. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Walang isang salita na lumapit siya at kinabit ang seatbelt ko. I stilled because of it. Not because it's the first time he did it but because we have two spectators at the back.

He acted like it's just a normal move, like nothing's wrong with it. And maybe there is nothing wrong with it. Sadyang guilty lang talaga ako dahil may ibang kahulugan ang galaw na 'yon.

"Alright." He simply leaned back on his seat, fixed his own seat belt, and drove off after starting the engine.

"How's Tito and Tita? Bakit ikaw lang ang umuwi?" Alana asked at the backseat, oblivious to what just happened. It relieved me a bit.

To Be LovedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ