Final Chapter

68.3K 2.2K 455
                                    

"X, hindi ako makakanuod ng training niyo. May club meeting kami ngayon," malungkot na sambit ni Lavie. Sa lambing ng boses niya, hindi ko magawang mainis kahit na nakakairita ang balita niya sa akin.

Mukhang kusang gumuhit ang iritasyon sa mukha ko dahil napangiti si Lavie. Napatulala ako sa bibig niya dahil doon. There's really something about seeing her smile...

"Pinauwi ko na si Manong. Sa'yo ko sasabay pauwi. Okay na ba?" nakatawang tanong nito. She really finds it amusing whenever I'm pissed.

Umirap ako sa kanya para hindi ipahalata ang pagkatuwa ko. "Okay."

"I'll go now! Bye!" She waved her hand before turning her back to leave.

Hindi ko na napigilan ang pagngiti habang pinapanuod siyang naglalakad patungo sa pinto. Naalis lang ang tingin ko nang may marinig na nagkakagulo malapit sa akin.

"Sundan mo na kaya?" I heard Carl, one of my teammates say. Tinulak pa ang katabi niyang si Jefferson.

"Gago. Nahihiya ako," angal ni Jefferson at hinawi pa ang kamay ni Carl na pilit na tumutulak sa kanya. 

Sinundan ko ang direksyon ng mga mata nila. Kumunot ang noo ko nang makita na si Lavie ang tinitingnan nila.

"Ano 'yan?" maangas kong tanong. 

Natigil ang dalawa sa pagtutulakan at nabaling ang atensyon sa akin. Namutla ang buong mukha ni Jefferson habang si Carl naman ay napangisi.

"Pre, ito kasing si Jeff may gusto sa pinsan mo," hagikgik ni Carl. "Okay lang ba pormahan niya 'yon? Ilakad mo naman 'tong kaibigan ko."

"Hindi pwede 'yon. Hanap ka na lang iba kung ayaw mong magkaproblema," malamig na sabi ko rito.

Nahilaw ang ngisi ni Carl hanggang sa mawala ito. Si Jefferson naman ay ginuhitan ng takot sa mukha. 

"Noted, pare," maagap na sabi ni Carl at mabilis na hinila palayo ang kaibigan. Napangiwi ako sa mga ito. 

This isn't the first time I warned someone to stay away from Lavie. He's just one of the many admirers. Ngayong third year na kami, mas lalong humihirap na ibakuran siya sa mga lalaki. Mas marami ang gustong sumubok dahil sa pagharang ko. Thank fuck Valen is here to help me scare off the guys.

Hindi ko alam kung bakit sobrang protective ko sa kanya. I'm also protective when it comes to my sisters, but it's different with Lavie. It feels... dark. Pakiramdam ko may mali.

Sa sumunod na training ay inaasahan ko na ang pagiging late ni Lavie kaya sa bawat oras na mabakante ako ay napapatingin ako sa benches para tingnan kung dumating na siya.

The few number of spectators cheered when I was able to score a three-point shot. Atomatiko akong napangiti matapos gawin 'yon. Muli akong sumulyap sa mga upuan. Napasimangot ako nang hindi pa rin siya makita.

I continued scanning the gym until I found her near the entry way. Nang makita ko siya ay napaayos ako ng tayo. Muli kong iginala ang tingin para maghanap ng pwedeng kapalit.

"Valen!" I called for him from the bench and signaled for a substitution. "Saglit lang."

Hindi ko hinintay ang pagpayag niya at nagjog na lang palabas ng court. Sa kanya agad ako dumiretso. 

"Why didn't you head straight to the bench?" I asked.

Ngumuso siya at nagkibit balikat. "Kakarating ko lang."

"Okay." Tumango ako at iniling ang ulo sa direksyon ng mga upuan. "Tara. Practice won't be over until half past five."

Nauna akong maglakad para sundan niya. I sat on the bench and picked up my bag from the floor. Kinuha ko ang water bottle ko at face towel. I placed my towel on my lap and drank some water.

To Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon