Love Me Tonight

122 0 0
                                    

PROLOGUE

UMIIYAK na si Valeen. At talagang naantig na ang puso nya sa nakikitang reaksyon sa limang taong gulang na paslit na syang matalik nyang kaibigan simula ng dumating sya sa lugar na iyon.

“Valeen, tahan na. Magkikita pa rin naman tayo eh,” pangongonsola niya.

“Kelan pa yon? Matagal pa yon kasi malayo ang pupuntahan mo! Mawawalan na ako ng kaibigan!” maktol ng bata at saka nagsimulang humagulhol.

“Wala naman akong magagawa eh. Nasa Maynila kasi si Daddy at kailangang sumunod kami ni Mommy dun.”

“Saan ba yon?”

“Hindi ko din alam pero sabi ni Mommy, medyo malayo daw dito sa Aparri.”

“Eh di matagal nga bago ulit tayo magkita!” lalo lang lumakas ang iyak nito. “Mag-isa na lang ako. Iiwan mo na ako!”

Pilit nyang inalo ito. “Valeen, babalikan kita. Hinding-hindi kita kakalimutan. Tandaan mo, pag malaki na tayo, babalik ako dito. Dito mismo sa burol na ito...”

Bahagyang natigil ito sa pagluha. “Talaga, George?”

“Oo naman. Pangako.” itinaas pa ang kanang kamay. “At sa pagbalik ko, papakasalan kita. Dito mismo natin gaganapin ang kasal natin.” saka niyakap ito.

“Balikan mo ako ha?” yumakap na rin ang batang si Valeen. “Hihintayin kita, George. Hihintayin kita ...”

“Oo, Valeen. Pangako...”

CHAPTER ONE

“IPINATATAWAG nyo raw ako, Sir,” bungad ni Zandy sa opisina ni Gordoncio.

“Oh, yes. Sit down, Zandy.” wika ng kwarenta’y singko anyos na head ng Phoenix. “Merong bagong misyon na dumating sa Phoenix. At ikaw ang naisip ko para gawin ito.”

“But I’m still working on my current assignment.” Sya kasi ang may hawak ng kaso ng mga Mafia terrorists na nagbabalak ng assasination plan para sa Prime Minister ng Thailand. Katunayan, papunta na sana sya sa nasabing bansa kung hindi sya ipinatawag sa opisina.

“I know. And I’m assigning Leiny to take over.”

“But Sir-”

“Listen, Zandy ..” pigil nito sa mga sasabihin pa nya. “I personally chose you to do this mission because I know that your abilities will fit this. Here,” iniabot nito sa kanya ang folder ng kaso.

Nakakunot-noong tinunghayan nya ang mga papeles. And she was surprised to know that the case is all about a guy. “Robbyn George Cornellios... who’s that?”

“He’s my nephew.”

Tumango-tango sya. “What about him?”

“My brother asked me to sent someone to look over him. Kararating lang nya galing States. He went home dahil sa problemang nangyari doon.”

Binasa nyang mabuti ang mga naroon.

“My brother and I wants you to tame him at the same time.”

“What?!” gimbal syang bumaling dito. “Seduction mission ba ito? Sir, you know very well na hindi ako sanay makihalubilo sa mga lalaki kaya bakit ako ang pinagbigyan nyo ng kasong ito?”

“Because I know you can.” kalmanteng pinagdaop nito ang palad. “And besides, don’t you think it’s about time na ikaw ang magbukas ng panibagong genre ng missions para sa Phoenix? You know, versatility is the asset we should have para tayo na ang i-prioritize ng gobyerno.”

“That’s ridiculous Sir!”

Napatawa si Gordoncio. “And don’t you think it’s about time na magkaroon ka naman ng love life?”

Love Me TonightWhere stories live. Discover now