Chapter Five

77 0 0
                                    

ANG iniisip ni Zandy ay naroon at umiinom sa condo unit nito. He was bored. Tinatamad naman syang lumabas mag-isa. He just misses Zandy’s company.

Napangiti sya sa pagkaalala sa dalaga. Yes, he misses her. Her beautiful face, her scent, her lips. Hindi sya nanabik sa isang babae na tulad ng ganito. Even with Cassandra. It’s good if she’s with him. But it is also fine if she’s not around.

His phone rang. It was his father.

“Yes, Pa?”

“Where are you? Bakit ilang araw ka ng hindi umuuwi sa bahay?” tila galit nitong tanong sa kabilang linya.

“Hey! I’m not a child anymore, Pa. Hindi mo na ako kailangan pang bantayan at pauwiin ng bahay everyday.” natatawa nyang tugon. I’m here sa condo ko. Bakit kayo napatawag?”

“May event na gaganapin sa Tagaytay ngayong gabi. I can’t attend dahil may appointment din ako with some investors.” panimula nito. “Do me a favor, Robb. Please be there in my behalf.”

“What?!” bulalas nya. “Papa, alam mo naman wala akong interes dumalo sa mga corporate events. What is this stuff you’re asking me?!”

“Robbyn George, kailangang masanay ka na. I’m not here forever. Now go to Tagaytay and face those businessmen. Hindi pwedeng wala akong representative doon.”

“How about your secretary? Sya yung papuntahin mo.”

“Please, Robb...” ani Rolando sa nakikiusap na tinig. “Do this for me. Just show up there. Kung ayaw mo talaga, hindi naman kita pipiliting tapusin yung event. Dun ka na umuwi sa resthouse ko. I will tell the caretaker to give you the keys.”

“Alright, alright!” he frowned. Alam na alam talaga ng Papa nya kung anong suhol ang tatalab sa kanya. “What time?”

“Nine.”

“Okay. I’ll go.”

“Thanks, son.” saka pinatay na ang linya.

He loves that resthouse so much. Iyon ang regalo ng Papa nya sa kanyang Mama noong 10th year anniversary ng mga ito. When they came back from the States, he guess almost twelve years ago, dito sila nagsummer vacation. Dito nya nasaksihan ang pagmamahalan ng mga magulang.

Punung-puno ng sigla ang bahay na iyon. Until his mom left two years after. Nagdesisyon syang sa America na lang tumigil pero hindi nawala ang pagmamahal nya sa bahay na iyon.

At habang nagmamaneho sya papunta sa Tagaytay, naglalaro naman sa isip nya kung ano na ang itsura ng resthouse. Sa pagkakatanda nya, medyo native ang design niyon. The roof was made from coconut leaves and the walls from different woods of trees. Maging ang mga funitures, native din ang materyal.

It was a three hour drive. Ipinarada nya ang kotse at inayos muna ang coat bago lumabas.

A gentle and cold breeze welcomed him. One of the thing he admire in Tagaytay is it’s position. Mataas but unlike Baguio, matibay ang lupa kaya hindi basta-basta nagkakaroon ng landslide.

Impressive ang building na nasa harap nya. “Summit Ridge...” basa niya sa nakasulat sa harap ng gusali. He can hear the loud sound system coming form the inside.

Agad syang in-assist ng usherette patungo sa reserved seat na para sa Papa nya. Marahil ay naipaalam na nito na sya ang pupunta doon upang magsilbing representative nito.

“Drink, Sir?” magalang nitong tanong. Mahahalata sa mga mata nito ang matinding paghanga sa binata.

“Vermouth on the rocks,” nakangiti nyang wika. Pagkuwa’y bumaling na sa mga kasama sa mesang iyon.

Love Me TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon