Chapter Nine

95 0 0
                                    

HER aunt’s words are knives that cut through her heart. Naalala nya ang kwento sa kanya ng binata nung una silang pumunta dito. Si Valeen pala ang tinutukoy nito.

“Sya ang lalaking kaytagal hinintay ni Valeen. Maraming taon ang tiniis nya dahil sa pangako nito na babalikan sya. Pero... pero...” tila may nakabikig sa lalamunan ni Aurea kaya hindi na nya naituloy pa ang gustong sabihin.

Zandy knew what happened. Naikwento na ng Nay Lupe nya ang sinapit ng kakambal. Valeen was raped by Ronald Palmerona.

Nag-aabang noon ang kapatid nya sa may pier dahil nabasa nito sa isang dyaryo na bumalik na sa Pilipinas ang pamilya Cornellios mula sa America. Of course, Valeen knew it was Robb. Or George, rather. Inabangan nito ang bawat barkong dumating ng araw na iyon sa pag-asang sakay niyon ang kababata.

Pero inabot na ito ng gabi ay wala pa rin ang hinihintay. It was about nine in the evening when Valeen decided to go home. Marahil sa isip ay babalik na lang bukas. But she was harassed by Ronald’s group. Hinarang sya ng mga ito sa daan at doon nga pinagsamantalahan.

Valeen sunk into depression. Matagal ng may gusto dito si Ronald kaya ang ikinalat nitong balita ay may nangyari na sa kanila ni Valeen, na ang pakilala pa ay girlfriend nito. Nang malaman iyon ng buong bayan ay lumabas na mababang-uri ng babae ang kakambal nya. Kaya naman napilitan itong magpakasal kay Ronald upang maisalba ang pangalan at maging ang reputasyon ng Tita Au niya. She was also pregnant that time as a result of what Ronald did.

“Binalikan ni George si Valeen. Pero huli na dahil naikasal na siya kay Ronald. Minabuti kong paalisin na lang ulit si George upang hindi na magulo pa ang buhay ni Valeen.” patuloy ng tiyahin nya. “Pero ang hindi ko alam, pinuntahan pala nito ang kapatid mo. Kilalang-kilala ko si Valeen, alam kong kahit may asawa na sya, kapag si George na ang lumitaw sa harap nya ay walang pagdadalawang-isip na sasama agad ito. Ganoon nya kamahal ang lalaking ito.

At tulad ng inaasahan, isang araw ay bigla na lang bumalik dito si Valeen. Tumakas sya kay Ronald upang sundan kung saan man naroroon si George na galit sa kanya noon. Masyado syang bulag sa pag-ibig nya para kay George kaya wala na syang pakialam kahit malagay man sa panganib ang buhay nya.”

“And she died...” mapait nyang pahayag. Valeen died because of her love for Robbyn George. Ipinapatay mismo ni Ronald ito dahil sa ginawang pagtataksil. Kaya pati ang Tita Au nya ay nadamay at pinagbantaan ang buhay dahil inisip nitong ito ang nagtago kay Valeen nung kasalukuyang wala ito sa poder nila.

“Seleen...” binigkas nito ang unang pangalan nya.

She was Seleen Allezandra Fontanilo Beheza. And she had a twin sister, Valeen Allexandra Fontanilo Beheza. Na ilang taon ng patay dahil sa pag-ibig nito sa lalaking iniibig niya ngayon.

Her tears fell down. Masakit malaman ang katotohanan lalo na’t umiibig siya sa masakit na katotohanan. But it’s better this way kesa naman tumagal sila at saka pa iyon mabunyag. Kung ngayon nga ay hindi nya alam kung paano makakayanan ang sakit, paano pa kung pinatagal iyon?

“Okay ka lang ba, hija?” untag ni Aurea.

Tumango sya. Pinahid ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nya. “Mas mabuti nang nalaman ko kaagad ang totoo.” tumayo na sya. “Pasensya ka na, Tita Au, pero baka hindi na ako magtagal. May kailangan pa akong ayusin.” she’s carrying a heavy load in her heart. She needs to throw that away.

“Hija, alam kong masakit ang nalaman mo. Pero pakiusap ko sa’yo, wag mong isasara ang puso mo.”

She didn’t answer. After all, makaya pa kaya nyang buksan muli ang puso nya? Nagpaalam na sya dito. Naroon pa paglabas nya ang kotse ni Robb. Mukhang alam nya kung saan ito pupuntahan.

Love Me TonightWhere stories live. Discover now