Chapter Eight

109 0 0
                                    

NAABUTAN nyang nakasubsob sa mini bar si Robb. Sa tabi nito ay isang bote ng Martini na wala na sa kalahati ang laman. Humugot muna sya ng malalim na hininga bago kinuha ang bote ng alak. Tiniyak nyang wala syang malilikhang ingay habang diretso nyang iniinom iyon mula sa bote.

Nang halos ay ubos na, inilapag nya muli iyon sa mini bar. Hinayaan nyang may marinig ang pagbaba nya ng bote.

“Hmm...” ungol ni Robb na naalimpungatan dahil sa tunog ng tila ibinagsak na bubog. Nagulat pa ito ng makita sa harap si Zandy. “Anong ginagawa mo dito?” pormal niyang tanong.

Ilang sandali muna ang pinalipas ng dalaga bago sumagot. Paano ba naman ay tumalab na ang ininom nyang alak sa sistema nya. “Pasensya ka na talaga kanina, Robb...” namumungay ang matang wika nya.

“Lasing ka ba?” kunot-noong tanong nito. Nasulyapan nito ang bote ng Martini na halos ay wala ng laman. “Teka, ikaw ba ang umubos... Allezandra, ano ka ba naman? Matapang ang alak na-”

Ihinarang nya ang daliri sa labi nito upang pigilin ang kung ano mang sasabihin pa nito. “Yeah, yeah, I know...” kinuha nya ang isang kamay nito at dinala iyon sa mukha nya. “I need to do that para magkalakas ako ng loob na humarap pa sa’yo kahit alam kong galit ka dahil sa kanina...”

Tinangka nitong bawiin ang kamay ngunit hindi nya iyon ibinigay. Sa halip ay hinalikan niya iyon.

“Zandy!” nagulat ito sa ginawi niya.

“You said you want me...” bulong niya sa may tenga nito. “Totoo ba iyon?”

Hindi agad ito sumagot. “Yeah. Pero-”

“Enough. Iyon lang naman ang tanong ko, eh.” umayos sya ng tayo sa harap nito. Kinalas nya ang tali ng roba na ipinamalit sa damit nya kanina at hinayaang lumagpak iyon sa sahig.

Walang maapuhap na salita si Robb ng muling matambad sa kanya ang kagandahang halos gabi-gabi nyang iniisip noon.

“Kung... kung kanina ay inisip mong ipinagdadamot ko sa’yo ang... ang sarili ko, eto na. I’m sorry kung nasaktan ko ang pride mo kanina. At naiintindihan ko kung bakit ka nagalit sa akin...”

Napalunok si Robb. Ayaw nyang samantalahin ang kalasingan ni Zandy ngunit tila ayaw rin ng katawan niyang tanggihan ang inihahain nito. “Zandy...”

Split seconds, she was already kissing him. And Robb didn’t know how to react. Alam niyang mali ang nangyayari dahil may alcohol na nag-iimpluwensya sa dalaga na gawin iyon. But he has no enough guts to avoid the flame of passion quickly igniting his entirety.

Muling natanggal ang pang-itaas na damit ng binata at humagis sa kung saan dahil sa dalaga. Akmang tatanggalin na rin nito ang pantalon niya ngunit pinigilan niya iyon.

“Later, sweetheart... Later...” paanas iyon. “Alam kong mali ito, pero gusto kitang maangkin. I want you, sweetheart. I want you...” sinakop nito sa isang maalab na halik ang mga labi ng dalaga. Pinangko niya ito at muling ipinasok sa kwarto niya.

She was laying there, unaware of her effect on him. Para syang first-timer na hindi alam kung ano ang gagawin.

“Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon, ha?” masuyong tanong ni Robb. He gave her shower of small kisses on her face. “You’re slaying this poor man. I’m getting out of myself... because of you,”

“Same here...” paungol na ang pagsasalita ni Zandy. She can feel the sweet ache from her inside.

Malayang namasyal ang kamay ng binata sa katawan ng dalaga. Naalis na nito ang natitirang saplot na sagabal para masilayan nya talaga ang kabuuan nito. And he can’t help but curse. He curse how desirable she was because it just made him tremble inside.

Love Me TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon