Isang hindi inaasahang misyon ang ibinigay kay Zandy ng pinagtatrabahuhang agency. Kailangan nyang bantayan ang pamangkin ng boss nya. Handa naman sana nyang tanggapin ngunit ng malaman nya na lalaki pala ang pamangkin nito ay nawindang ang buong sistema nya. Sa lahat pa naman nang ayaw nya ay yung makikisalamuha sa mga kabaro ni Adan. Bukod kasi sa hinanakit nya sa kanyang ama na syang dahilan ng pagkamatay ng nanay nya, isang lalaki din ang dahilan kung bakit ngayon ay tuluyan na syang mag-isa. 'Ang problema lang,hindi say makatanggi dahil tila ba hinahamon ng boss nya ang pagkatao nya at hinding-hindi naman sya makapapayag sa ganoon. Napilitan syang makisama kay Robb ngunit ipinangako nya sa sarili na hinding-hindi nya ilalapit ang sarili dito. Ngunit mapanindigan pa kaya nya ito gayung sa bawat halik ng binata ay tila kumakawala na ang lahat ng pumipigil sa kanyang mahulog dito?All Rights Reserved