Chapter Six

41 0 0
                                    

NAPABALIKWAS si Zandy nang marinig ang malakas na ingay mula sa labas. Tila ba may kung anong ibinato sa gate nya. “What the...” agad syang bumangon at lumabas upang tingnan kung ano iyon.

Paglabas nya ay nagulat sya ng isang granada ang makita. Hindi pa naalis ang pin kaya hindi ito sasabog. May nakaipit na sulat sa pin nang damputin nya iyon.

You’re so wrong interfering with my business. I’ll take this as betrayal of my own kind. Get ready, Allezandra Beheza. You choose to include yourself in my revenge. And because of that, you have just put Robb’s life inside the ring of fire. I’ll take you and Robb for this.

Iyon ang nakasulat.

“This is bullshit!” nanginginig sa galit ang dalaga habang papasok ng bahay. It wasn’t her first time to get a threat. But this time, it wasn’t just about her. Pati si Robb ay mas nanganib.

Napabuga sya sa hangin. Dalawa na silang may nagtatangka sa buhay. Pagkuwa’y naiiling na napangiti sya. “Ito ang tinatawag na thrill...” tumayo sya at saka nagbihis.

She browse her phonebook for Robb’s number. Then she dial.

“Hello?” he answered in a bedroom voice.

“Hi, Robb! Good morning,” masigla nyang bati.

“Good morning too...” halatang inaantok pa ang binata sa paraan ng pagkakasagot nito.

“Oh, I’m sorry. Did I wake you up?”

Hindi ito sumagot.

“Robb?” untag nya. “Still there?”

Wala pa ring tugon. Maya-maya pa ay narinig nya ang tila malalim na paghinga nito.

Tulog na ulit... isip nya. Pinatay na nya ang linya at lumabas ng bahay. Pupuntahan na lang nya ito. Ang alam nya ay nasa condo unit ang binata dahil wala itong kasama sa bahay. May business trip ang Papa nito na nasa Europe ngayon.

It was a 30-minute drive to Parañaque. Matapos magpasalamat sa guard ay minaniobra nya ang kotse papunta sa unit ng binata. Nang makita ang unit 28 ay ipinarada nya ang kotse katabi ng kotse ng binata. Nag-ayos muna sya bago bumaba.

Nakapitong pindot pa sya ng doorbell bago tuluyang bumukas ang pinto. Pinigil nyang matawa sa nakitang pagkagulat sa pupungas-pungas pang binata.

“Hi!” aniyang matamis ang pagkakangiti.

“Hi! Come in, come in,” anang binata na niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.

“Thanks.”

Nang maisara nito ang pinto ay humarap ito sa kanya. His eyes filled with mixed wonder and longing.

Inunahan na nya ito sa pagsasalita. “I’m really planning to surprise you. And I bet, I did.” ibinagsak nya ang sarili sa malambot na sofa.

“Well, yeah. I’m really shocked to see you standing outside my door.” napangiti ito. “Hindi tuloy ako nakapag-ayos ng sarili bago ka pagbuksan.”

“Hmm, okay lang naman yung itsura mo eh. Cool. Mukha talagang kababangon lang sa kama.” humagikhik sya.

He frowned. “Okay.” saka pumunta sa kusina.

“Hey!” sinundan nya ito. “All I want to do is to surprise you, not to spoil your day.” sumandal sya sa may dingding.

Hindi ito sumagot. Naglabas lang ng dalawang tasa at nagtimpla ng kape.

“Robbyn George Cornellios!”

Lumingon ito. “What?”

Ngumuso sya. Medyo namiss nya ang lalaking ito since medyo umiiwas sya dito the last few weeks dahil sa nangyari sa kanila sa Tagaytay. “Pikon ka.”

Love Me TonightWhere stories live. Discover now