Chapter Four

62 0 0
                                    

THE PROGRAM started. Rolando opened it by giving a short speech.

“The company I founded is almost on its peak. Pero ako, medyo nagkakaedad na. But there’s no reason to worry about. Ladies and gentlemen, nais kong ipaalam sa inyo na ang aking kaisa-isang anak ay bumalik na dito sa Pilipinas. Robb, can I invite you here?”

“Is it okay if I leave?” pabulong nitong tanong kay Zandy.

Napatawa ang dalaga. “Oo naman. Ano bang masama ang pwedeng mangyari sa akin eh ang lapit lapit ko lang sa unahan, ano!”

“Sure?”

Tumango sya.

“Really?”

Naiiling na napatawa si Zandy. “Go there, Robb. Okay lang talaga ako,”

“Okay. I’ll be back soon.” tumayo na ito at lumapit sa ama.

She’s smiling inside. He’s corny but he’s really sweet. Sayang, Robb. Sayang...

“Ladies ang gentlemen, I would like you to meet my successor and my son, Robbyn George Cornellios,” pakilala ni Rolando sa anak.

Palakpakan.

He’s a hunk. Maganda ang tindig nito kaya’t nakuha agad nito ang mga mata ng kababaihan. At napaka-gwapo nitong pagmasdan sa suot na tuxedo. Not to mention ay ang mga mata nito na sabay na ngumingiti sa mga labi nito.

“Can I go back to Zandy?” bulong nito sa ama.

Napatingin dito ang ama. Bakit parang atat na atat itong balikan ang date? “Hindi mo ba kami bibigyan ng isang maikling speech man lang?” anitong off-mic.

Napatawa ito. “Pa, kaya mo na yan. At ako, babalik na ako kay Zandy. Ikaw na magsalita para sa akin, ha? Thanks,” bumaba na ito ng stage at muling bumalik sa kinauupuan kanina.

“O, bakit umalis ka kaagad? Hindi ka pa nagpapakilala ng maayos ah?” pahayag ni Zandy nang umupo na sa tabi nya ang binata.

“Na-miss kasi kita kaagad.” walang gatol nitong saad.

She blushed. She feels like a teenager na nakikipagbolahan sa crush. “You got me on that, Robb.”

“Happy to hear that, baby.” kinindatan sya nito. “Are you fond of parties like this?” maya-maya ay tanong nito sa kanya.

“Not really. But I do attend events and gatherings like this.” What she said is half true. Being a secret agent is not about actions only. It is normal na dumalo sila sa mga ganito lalo na kapag ang trabaho nila ay mga assasination plots ng muti-millionaires. “Sanay na rin ako,”

“Kaya pala ganyan yung suot mo ngayon?”

Kumunot ang noo ni Zandy. “What about my dress?”

Nagkibit-balikat ito. “You’re so sexy in that. Halatang sanay ka na nga.”

“Mocking me?” maanghang nyang tanong.

“No. Of course not. I don’t mean to sound scornful. In fact, I liked your look. Ang ganda mo po, miss.” he winked

“I know...” ginaya nya ang paraan ng pagsasabi ni Sharon Cuneta sa isang pelikula nito.

Napatawa si Robb. “Makulit ka rin pala eh. Hey, wanna go somewhere?”

“And where is that somewhere, Mr. Cornellios?” she smiled seductively. God forgive her for thinking things beyond the imagination of a decent girl.

“Bakit ka nakangiti d’yan? Sa labas lang yung somewhere, ano!” hindi nabubura ang ngiti ni Robb. Or, if you want, okay lang sa akin na ituloy na natin somewhere yung scene sa yate... na hindi naman nya naisatinig.

Love Me Tonightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن