Chapter Seven

65 0 0
                                    

“SARAP!” palatak ni Robb nang matikman ang sinigang na hipong luto ni Zandy.

“Ako pa?” kinindatan nya ang binata. Hinubad nya ang apron at nagsalin ng sinigang sa isang mangkok. “Palamigin lang natin ng kaunti para masarap yung kain natin.”

“Agree.” nauna na ito palabas ng kusina.

Isa ito sa bihirang araw na pumupunta sya sa bahay ng mga Cornellios. Though she had the blessing of Rolando Cornellios, ayaw pa rin nyang magmukhang insistent lalo pa at hindi pa naman tuluyang kumakagat si Robb sa totoong misyon nya.

“Hey!” tawag nya sa binata.

Lumingon ito. “Bakit?”

Like a ramp model, she walks toward him. She was wearing a simple dress, above-the-knee length. At sa bawat hakbang nya ay sumusunod ang malambot na tela niyon. “Do you know how to swim?”

“Yeah. Why?”

“Let’s swim.” nilagpasan nya ito at diretsong lumabas ng bahay. Doon sya nagtungo sa kinalulugaran ng malaking swimming pool ng mga ito. “Mukhang matagal nang hindi nagagamit itong pool nyo, ah?”

Tinabihan sya nito. “Yeah. Hindi na kasi ganoon ka- sports-minded si Papa. Tapos ako, hindi naman masyadong tumitigil dito. Gusto mo talagang maglangoy sa pool?”

Tumango sya. “Hindi ba pwede?” tumingin sya dito, pinalamlam pa ang mga mata.

Humalukipkip ito. “You’ve mastered the technique to make me agree with whatever you wish.” saka naghubad ng suot na t-shirt.

“Ngayon na?” tila pa sya nabigla nang pumwesto ito sa tabi ng pool.

Tumingin ito sa kanya. “Kelan mo gusto,bukas? Ikaw nga may gusto mag-swimming d’yan eh,”

“Yeah, pero hindi ako pwedeng mag-swimming nang ito ang suot.”

Kumislap sa kapilyuhan ang mata nito. “You only have two options, dear. Maligo ka ng ganyan o maghubad ka para makapaligo ka.”

Her eyes widened. “Ang damot damot mo! Hindi mo man lang ako alukin ng damit mo para makapaligo ako!”

Ngumisi lang ito. Naiharang nya ang kamay sa tilamsik ng tubig ng tumalon ito.

“Weak! Ikaw itong nagyaya, pero ikaw pa yung hindi tumatalon. C’mon! Okay lang naman yang suot mo. Kakaiba. At least you retain your uniqueness in every thing you do.”

Bubuka pa lamang ang bibig nya para sumagot nang gulatin sila ng mga balang nagmumula sa labas ng gate.

“Damn!” mura ng dalaga. Buti na lang at napaghandaan nya ito. Inililis nya ang suot at mula sa garter sa may hita nya ay hinugot nya ang isang kalibre 3.8. Dahil na rin sa kasanayang natutunan sa Phoenix, madali lang nyang naiwasan ang mga tinggang ibinubuga nang baril mula sa isang puting van. Mabilis iyong nakausad ng malamang ay makitang nakikipagbarilan na rin siya kaya hindi nya naasinta ang gulong ng sasakyan.

“That bitch!” mariing usal nya na ang nasa isip ay si Cassandra Hamilton. She turn back and was shocked to see blood on the water. “Robb!”

Ngumiti ang binata. Sapo nito ang brasong nadaplisan ng bala. “Okay lang ako,” anitong nagthumbs-up pa.

Agad nya itong inalalayan paahon sa tubig.

“You’re bleeding...” she just can’t explain where did that extreme worry in her heart came from.

“I’m fine. Daplis lang naman ito, malayo pa sa puso kong ikaw ang tinitibok.” he smiled.

“Hindi ako natatawa.” seryosong pahayag nya. “Let’s go. Kailangang malinis yang sugat mo.” umuna na sya sa loob.

Love Me TonightWhere stories live. Discover now