Chapter Three

79 0 0
                                    

“MALAKAS ka palang uminom,” Robb commented as he watched Zandy drink the brandy he had just poured into her glass.

Nagkibit-balikat lang ang dalaga.

“Are you sure kaya mo pa? Mukhang bibilang na ako ng sampu bago ka makatayo sa kinauupuan mo, ah?”

“I can manage. Saka wag mo ako mamaliitin, Robb. Sanay ako sa inuman.” she said huskily. “Kayang-kaya ko pa mag-drive pauwi, no!”

“I doubt it.” ani Robb saka dahan-dahang sinimsim ang laman ng kopitang hawak. “I won’t let you drive home, okay?”

“At saan mo naman ako balak patulugin, ha mister?” It was a stupid question, she realized. Malamang ay sa yate, Allezandra.

“Dito.” tinitigan sya nito ng malagkit. “This yacht has supplies more than enough. At may mga luxury cabins din. You are free to sleep anywhere you want.”

“Oh, that’s so thoughtful of you, Robb...” malanding wika ni Zandy. Tila umeepekto na ang ispiritu ng alak sa kanya. Kailangang makapal ang mukha nya para masabi ang mga katagang iyon ng walang halong pagkailang. And the alcohol was effective.

“Ha?” natatawang saad ni Robb.

“You’re so sweet. Handa mo akong patulugin dito para lang matiyak ang kaligtasan ko...” Zandy stood up and sat on Robb’s lap. She curled her hands on his neck as she poured another round of brandy on the goblet. “And you know, hindi ako tatanggi sa offer mo.” anas ng dalaga sa may tenga ng binata.

Nagulat man sa inakto ng dalaga ay lalong lumapad ang ngiti ni Robb. Lasing na nga ito dahil tila ibang-iba na ito sa babaeng kasama nya kanina. She was innocent and reserved hours ago, but she was agressive at this moment, which he found really attractive. And seductive. Inikot nya sa maliit na bewang nito ang mga braso matapos ibaba ang hawak na kopita. “That’s really good to hear. Ano, gusto mo na bang matulog?” kakaiba ang ngiting nakaguhit sa labi ng binata.

“After this one,” saka diretsong tinungga ang alak.

“Malalasing ka nga talaga agad. Gawin mo ba namang tubig yang alak na yan,” komento ni Robb habang unti-unting nilalapit ang labi sa leeg ni Zandy. Pagkuwa’y kinintalan ng maliliit na halik ang makinis nitong leeg.

Humagikhik si Zandy. Alam nyang hindi nya dapat ito ginagawa pero dahil naparami na nga ang inom nya ay tila wala na ang kalahati ng katinuan nya. “That tickles!” aniya.

“You love it, don’t you?” nanunukso ang tinig ng binata. “C’mon,let’s go. I’ll show you how great I can tickle...” Inakay nito patungo sa cabin nya ang dalaga. His private part is starting to wake up.

Pagpasok na pagpasok pa lang ay agad sinakop ng labi ni Robb ang labi ng dalaga. Nabigla man si Zandy at naramdamang gusto nyang manulak ay pinigilan nya ang sarili. It was her first kiss. Pero ano naman? Isa siyang professional secret agent at wala sa motto nila ang unahin ang personal na damdamin.

She knew it wasn’t right. Pero ito lang ang paraan para magawa nya ng mabilis ang misyon. Gusto na nyang matapos iyon kaya kailangang mahulog na sa mga palad nya ang binatang Cornellios.

Umungol si Robb. God, she tastes awesome! Kaya ang kaninang magaang paghalik ay unit-unting lumalim. Isinandal nya sa dingding ang dalaga.

It was a scene she watched from a movie of  Kate Hudson. Iyon bang papayag syang pahalik sa lalaki pagkatapos ay bibitinin ito. Iiwanan sa ere. Ngunit habang lumalalim ang halik na iyon ay unti-unting nabubura ang nasa isip nya. She doesn’t know how to kiss. Pero nang maramdaman nya ang munting dila ni Robb na tila naglalaro sa loob ng bibig nya ay marahang gumalaw na rin ang mga labi nya upang makipaglaro dito.

Love Me TonightKde žijí příběhy. Začni objevovat