Teaser

13.8K 222 2
                                    

Grant Alexander Mondragon is the epitome of the words 'awesomely handsome'! He was also Josephine's Boss. Sa halos isang taong pagtatrabaho niya sa kompanya nito, ni minsan ay hindi pa niya ito nakikitang ngumiti. Kung hindi lang siguro ito guwapo ay iisipin niyang isa itong nakakatakot na nilalang.

During the Company's Anniversary, nagkaroon sila ng isang fun game na tinatawag na 'We Got Married' kung saan ipapakasal ang isang babae at isang lalaki—to show what life would be like if they were married, just like in a variety show in Korea. Pinamunuan ng Mommy ni Grant ang nasabing fun game, na isang avid fan ng programa.

Kung sino ang pangalang mabubunot sa fish bowl ang siyang magiging kunwa-kunwariang mapapangasawa ni Grant—sa loob ng isang daang araw at mananatili sa iisang bahay. Hindi man sang-ayon ang binata sa game na 'yon ay mas nanaig pa rin ang Mommy nito sa huli.

Mga mayayaman, sexy at magagandang bachelorettes ang kasali sa fun game na 'yon. At nagulantang na lang si Josephine nang ang pangalan niya ang nabunot sa fish bowl. She was declared as Grant's wife for a hundred days!

Paano siya makikisama sa lalaking katulad nito—na napakalayo nang agwat sa kanya—langit ito samantalang siya ay lupa? Pero ang malupit niyan, paano na lang kung bigla siyang ma-in love dito—na posibleng mangyari dahil sa lakas ng karisma at dating nito—samantalang laro lang naman ang lahat ng 'yon? She's a dead meat!

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now