9

6.9K 156 3
                                    

"SIR GRANT, ano'ng nangyari sa inyo? Bakit may gasgas kayo sa noo?" nawindang na lang si Josephine nang pagdating ni Grant sa "kanilang bahay" ay nabungaran niya itong may gasgas sa noo nito, para tuloy itong batang nadapa mula sa pagtakbo.

Hindi ito sumagot sa kanya. Nagtanggal na ito ng suot nitong business suit, itinupi nito ang puting long sleeve nito hanggang siko, saka nagtuloy-tuloy sa sala para maupo sa sofa. Nauna siyang umuwi dito kanina para gawin ang role ng isang mabuting "may-bahay".

Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan nito at napansin din niyang pati ang mga kamay nito ay may mga gasgas din. Ano kayang nangyari dito?

"O-Okay lang po ba kayo?" alanganing tanong niya, para kasing ayaw nitong kausapin siya.

At imbes na sagutin siya ay isinandal nito ang ulo nito sa headrest ng sofa saka pumikit. He looks so exhausted.

Nagtungo siya agad sa kuwarto nila para kunin ang medicine kit na nasa drawer ng aparador nila. Pagbalik niya ay nakapikit pa rin ito habang nakasandal sa sofa. Nagdadalawang isip siya kung lalapitan ba niya ito para gamutin, baka kasi masinghalan siya nito.

Kahapon ay medyo maayos naman silang nagkausap nito, kung bakit nakakatakot na naman itong i-approach ngayon. Buong araw niyang hindi ito nakita sa kompanya, kaya hindi niya alam kung kumusta ito sa unang araw nito bilang may 'asawa'.

Naglakad siya palapit dito, pero napaatras uli siya. Nakailang gano'n siya bago siya naglakas-loob na tuluyang tumabi sa upuan para gamutin ang mga gasgas nito. Inilabas na niya ang bulak, hydrogen peroxide, betadine at band-aid saka sinimulang gamutin ang gasgas nito sa noo—nang walang paa-paalam. Baka mamaya ma-impeksyon pa ang mga gasgas nito at lumala, mabuti nang maagapan agad.

"What the heck are you doing?" galit na sita nito sa panggagamot niya dito, saka ito dumistansya sa kanya.

"G-Ginagamot ko po ang mga gasgas niyo." Kinakabahang sagot niya. Nakakatakot ang titig na ipinupukol nito sa kanya. Parang gusto nitong sabihin na 'Don't-you-dare-touch-me!'

"Sa palagay mo porque nakatira na tayo sa iisang bubong, pwede mo na akong pakialaman? Remember, we are just fake couples. And don't meddle with my business."

"S-Sorry po, pero baka po kasi ma-impeksyon ang sugat niyo." Aniya. Saka uli siya humugot ng lakas ng loob para lumapit dito, para ipagpatuloy ang panggagamot dito.

"Don't come near me!" babala nito.

"Sir, kailangan niyo na pong magamot dahil baka mas lumala pa 'yan, kayo din ang mahihirapan."

"No!" mariing wika nito.

"Sir..."

"M-Mahapdi ang mga 'yan! Proven and tested when I was a kid, kaya nga iniiwasan kong magalusan but I was unlucky today." halos pabulong na sabi nito, pero umabot pa rin 'yon sa kanyang pandinig.

What? Takot siyang magalusan at magamot? Lihim siyang napangiti. Ang laking tao pero ang duwag pala. Para gagamutin lang e. Napailing siya.

"Hindi naman po ito masakit e, mas masakit po ang maturukan ng injection." Pananakot niya.

Tila biglang mas natakot ito sa huling sinabi niya. "Y-You think so?" tanong nito.

Tumango-tango siya, ngali-ngaling mapangiti siya sa 'parang bata' na kausap niya. "Opo, kaya hayaan niyo na po akong gamutin kayo." Aniya.

He's so adorable! Hindi niya na-imagine na sa edad nito ay ayaw nitong pagpagamot ng sugat dahil ayaw nitong mahapdian. Parang hindi lang bagay sa masungit na personalidad nito ang nalaman niyang sekreto nito.

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now