15

6.7K 155 1
                                    


"KUMUSTA na kayo dyan, 'Nay? Si Tatay at ang mga kapatid ko, kumusta na po?" tinawagan niya ang Nanay niya para makibalita sa mga ito.

Nasa hospital siya noon kasama si Grant—na nasa tabi niya sa hospital bed sa Emergency room, natutulog pa rin ito dahil sa epekto ng gamot na itinurok dito kanina. Akala niya ay aatakihin na rin siya sa puso kanina sa labis na kaba dahil sa pamumutla ng mukha ni Grant. Halos hindi na niya alam ang gagawin niya.

Nang malapatan ng lunas si Grant at tila bumuti na ang pakiramdam nito, doon lang siya nakahinga nang maluwag. He's okay now. Kaya habang naghihintay siyang magising ito ay tumawag na muna siya sa bahay nila.

"Okay naman kami ng tatay at mga kapatid mo," masiglang sagot ng Nanay niya. "Bumalik na ang sigla ng katawan ng tatay mo, malaki ang pasasalamat namin sa 'yo anak dahil sa pagsasakripisyo mo sa amin," narinig niyang napasinghot ang Nanay niya.

"Umiiyak po ba kayo?" hula niya.

"Pasensya ka na anak, labis lang akong nagagalak dahil may anak kaming katulad niyo. Sina Sue at Julie, nasa top sa dean's list nila. Nag-aaral sila nang mabuti para balang araw daw ay makatulong din sila sa amin ng tatay mo, kagaya mo." Anito.

Napangiti naman siyang malaman ang magandang mga balitang 'yon. "'Nay, lagi kayong magpalakas, gano'n din kina Tatay at sa mga kapatid ko, dahil kayo ang lakas ko. Masaya akong malaman na nasa mabuti kayong kalagayan, miss na miss ko na kayo. Kapag nagkaroon ako ng bakasyon, dadalawin ko kayo." Aniya.

"Naku, sana nga ay makapag-bakasyon ka dito, miss na miss ka na rin namin."

"Ako rin po 'Nay, sobra!"

"Ngapala anak, may tumawag sa akin, Tycho Arenaz ang pangalan, kaibigan mo daw at kinukuha ang 'Sweet candies' natin para maki-sosyo sa food business nila." Masayang imporma nito. "Ang sabi niya ay maaari din daw ma-import ang mga gawa namin ng Tatay mo sa iba't ibang panig ng mundo, anak, makikilala na ang sweet candies natin."

Dama niya ang labis na kasiyahan ng mga magulang niya. All thanks to Tycho, mayayakap niya ito kapag nakita niya uli ito.

"J-Josephine..." narinig niyang tawag ni Grant.

"Grant, nandito ako." aniya, saka niya ginagap ang kamay nito.

"Anak, sino si Grant?" curious na tanong ng Nanay niya. Nakalimutan niyang takpan ang cell phone niya.

"Boss ko po, 'Nay." Aniya.

"Boss mo? Eh bakit Grant lang ang tawag mo sa kanya?" nagtatakang tanong nito. Napakagat siya sa ibabang labi niya. "Boyfrienb mo, 'no?"mayamaya ay panunukso na nito sa kanya.

"H-Hindi po," naiiling na sabi niya.

"Kunwari ka pa," natatawang sabi nito. "Nasa tamang edad ka naman na para magka-nobyo anak, susuportahan ka namin dyan." Anito.

"Hindi kami pwede, 'Nay." Aniya.

"Anak naman, tama na 'yang paniniwala mong hindi kailanman nababagay ang isang tulad mo sa isang mayamang lalaki, dahil ang pag-ibig, hindi nasusukat sa pera 'yan. Walang kinalaman ang pera kapag nagmamahal ka,"

"Pero 'Nay, magkaiba kami ng estado sa buhay," halos pabulong niyang sabi. Nakita niyang unti-unti nang bumabangon si Grant sa hospital bed.

"Bakit magiging palaka ka ba kapag umibig ka sa mayaman?" anang Nanay niya.

Oo nga naman, bakit ba niya pinipigilang umibig kay Grant? Eh wala namang batas na nagsasabi sa kanyang bawal niya itong mahalin dahil magkaiba sila ng estado sa buhay?

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now