4

6.8K 162 9
                                    


"Are you okay, hija?"

Mabilis siyang napalingon taong nagsalita sa tabi niya—napaayos siya ng tayo nang makita niya si Mrs. Mondragon. Napalunok siya nang mariin.

"Yes, Ma'am." Sagot niya. "Ah, sige po ma'am." Paalam na niya, pero akmang lalabas na siya ng CR nang marinig uli niyang magsalita ito.

"I can help you—with your problem." Makahulugang sabi nito, kaya mabilis siyang napalingon dito.

"P-Po?"

"I'm sorry, but I overheard everything about your conversation with your Mom."

"Ah,"

"I want to help you." Anito.

"P-Po? B-Bakit po?"

"Because I like you. You seem like a good daughter and aside from that, you are also a very lovely woman—with a cute little eyes and a beautiful face." Nakangiting sabi nito.

"Ah, salamat po." Nakakamot sa ulo na sabi niya.

"When I saw you at the elevator a while ago, hindi na kita makalimutan. There's something in you that's hard to explain. I'm a writer and I see a heroine character within you." Nakangiting tugon nito.

"Writer po kayo?"

"Yes, and what's your name again?"

"Josephine Cabero po, Ma'am."

"I'm Mrs. Persia A. Mondragon. Please to meet you." Anito saka ito nakipagkamay sa kanya. "And by the way hija, I'm willing to lend the money you needed for your father's operation and you can pay me anytime you want."

"P-Po? Ah hindi po, maglo-loan na lang po siguro ako—"

"Nakakasama ka ng loob." Sumimangot na ang ginang. "Gusto mong humiram sa iba, samantalang narito na nga ako at nag-o-offer sa 'yo ng tulong."

"Naku, hindi po sa gano'n." umiiling na sabi niya. "Nakakahiya po kasi kung sa inyo ako hihiram ng pera, samantalang ito pa lang po ang unang beses nating pag-uusap nang maayos." Aniya.

Ngumiti ito. "I understand," sagot nito.

"Pasensya na po, Ma'am."

Umiling ito. "Here's my calling card, just call me whenever you needed help." Anito, bago ito tuluyang pumasok sa isang cubicle.

Tuluyan na rin siyang lumabas sa CR at nagtataka pa ring nakatitig sa calling card na ibinigay ng ginang. Bakit kaya siya gustong tulungan nito? Napabuga siya ng hangin, inihain na nga ang palay sa harapan niya, hindi pa niya tinuka.

Pagkatapos ng kanyang trabaho ay nagpasiya siyang pumunta sa finance department para magtanong tungkol sa paglo-loan, pero hindi na siya nakaaabot sa office hours, pareho kasi sila ng time ng uwian.

Napakagat siya sa ibabang labi niya, dapat pala ay kanina pa siya nagpunta doon, busy pa kasi siya sa trabaho niya e. Naglalakad na siya palabas ng kompanya nang biglang mag-ring ang phone niya, ang Nanay niya ang tumatawag.

"Hello, 'Nay?"

"Hello, Jo? Ibabalita ko lang sana na bukas na ng hapon gagawin ang operasyon ng Tatay mo, kaya anak kailangan na bukas ang pera para may mai-down tayo sa hospital bill ng Tatay mo."

"Gano'n po ba 'Nay, ah sige po. Sige 'Nay, basta balitaan niyo lang po ako. Bye po."

Nasapo niya ang kanyang noo. Hindi siya nakaabot sa office hours sa finance department, saan na siya hihiram ngayon? Kailangan na niyang maipadala ang pera na magagamit ng Tatay niya para bukas. Nagulo niya ang buhok niya.

Nang bigla siyang may maalala. Mabilis niyang inilabas ang calling card na nasa bulsa ng kanyang suot na corporate attire. Binasa uli niya ang nakasulat doon—si Mrs. Mondragon, nag-o-offer sa kanya ng tulong! Hindi na niya kailangang maghirap at isang tawag niya lang dito ay may maipapadala na siyang pera sa kanila.

Nahihiya siya! Hindi sila close ng ginang para dito siya humiram! Pero ang ginang na mismo ang nag-offer sa kanya, 'di ba? Wala naman sigurong masama na dito siya manghiram ng pera, babayaran naman niya agad e. Kailangan na talaga niya ang pera, hindi yata tamang pairalin niya ang hiya sa mga panahong tulad nito, nakasalalay ang buhay ng Tatay niya.

Inilabas na niya ang phone niya at sinimulang i-dial ang numero ng ginang. Kapagdaka'y may sumagot na sa kabilang linya. Kinakabahan siya at nahihiya, pero kakapalan na lang niya ang mukha niya, para sa kaligtasan ng Tatay niya!

"Hello, Mrs. Mondragon, this is Josephine Cabero, 'yong nakilala niyo po kanina sa CR." Pagpapaalala niya sa ginang.

"Of course, I still remember you." Sagot nito.

"Tungkol nga po pala sa offer niyong tulong," huminga siya nang malalim. Oo, makapal na nga siguro ang mukha niya para dito mismo manghingi ng tulong, pero ito na lamang ang makakatulong sa kanya sa mga sandaling ito. "Pwede pa po ba akong humiram sa inyo ng pera? Pangako po babayaran ko po kayo kaagad, pasensya na po sa istorbo pero kayo na lang po ang alam kong makakatulong sa akin sa mga sandaling ito. Pasensya na po talaga." Nahihiyang sabi niya.

Narinig niyang humagikgik ang ginang sa kabilang linya. "You're really like the heroine I'm currently writing, so cute." Anito. "Of course, it would be my pleasure to help you." Humagikgik uli ito. "Okay, tell me how much and give me your bank account para maipadala ko na sa 'yo agad ang pera."

"Nakakahiya po, pero kakapalan ko na po ang mukha ko. Maraming salamat po, malaking utang na loob ko po ito sa inyo. Hayaan niyo po, babayaran ko po kayo agad." Saka niya ibinigay dito ang bank account niya.

"Just take your time hija," anito. "Oh wait, you don't need to pay me cash." parang may biglang naisip itong isang ideya.

"Po?"

"I have a greater plan, kung paano ka makakabayad sa akin na hindi na kailangan ng pera. Madali lang ito, promise. At alam kung masisiyahan ka pa."

"Po?"

"Okay, hintayin mo na ang pera, ipapahulog ko na bukas na bukas din sa assistant ko. Take care hija, see you sa anniversary ng kompanya bukas."

Hindi na siya nakasagot pa dito dahil pinatayan na siya ng tawag ng ginang. Pero nagtataka pa rin siya kung ano'ng kapalit ang hihingin nito sa kanya—na hindi na daw pera, madali pa daw ito at masisiyahan siya. Ang weird, pero kinakabahan siya sa sinabi nito. Gayunpaman, hindi naman siguro ito gagawa nang hindi magandang bagay dahil isa itong respetadong babae.

Pero ano nga kaya ang gagawin o ipagagawa nito sa kanya?

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now