19

7.1K 157 1
                                    

"MAY NANGYARI ba sa inyo ni Sir Grant? Nakita namin siya kanina kunot na kunot uli ang noo, e hindi naman na siya gano'n simula nang maging mag-asawa kayo." Puna ni Mary Ann.

Sa apartment na niya tumuloy ang pamilya niya kagabi, kanina din ay ipinahatid na ni Grant ang mga gamit niya na naiwan sa tinirahan nila nito. Para siyang nabagsakan nang malaking eroplano sa bigat nang nararamdaman niya.

Umuwi na din kanina sa probisnya ang pamilya niya, dahil may pasok pa ang mga kapatid niya.

Ayaw pa sana siyang iwanan ng Nanay niya, pero sinabing niyang okay na siya, ayaw na kasi niyang mag-alala ang mga ito sa kanya. Masyado nang maraming iniisip ang mga ito, para dumagdag pa siya.

Bago siya pumasok sa opisina kanina ay dumaan siya sa mansion ng mga Mondragon para ibalik ang wedding ring nila ni Grant at ang perang ipinahiram ng Mommy nito sa kanya, ayaw pa ng ginang na tanggapin 'yon no'ng una, pero nagmakaawa siya.

She was really so sorry for everything.

Hindi pa rin daw kinakausap ni Grant ang ginang, marahil ay talagang nasaktan si Grant nang husto sa ginawa nila. Ang sabi ng ginang ay huhupa din daw ang galit nito, kaya hayaan muna nila.

Napabuga siya ng hangin, saka niya inuntog ang noo sa mesa niya, pero mabilis niyang nasapo ang noo niya, dahil masakit pala ang ginawa niya.

"'Uy, problema mo?" nagtatakang tanong ni Mary Ann.

Tutal malaki ang tiwala niya dito ay ikinuwento na niya ang lahat dito at sa huli ay naintindihan din siya nito, pero nalungkot ito para sa kanila ni Grant. Ang sabi nito ay suyuin daw niya ang binata hangga't hindi siya kinakausap nito, gano'n rin naman ang nasa isip niya. Hindi naman daw siguro basta-basta mawawala nang gano'n-gano'n ang pag-ibig nito sa kanya.

Nag-isip siya ng paraan kung paano ito susuyuin—hanggang sa makaisip siya nang magandang ideya. Gumawa siya ng mga sweets at inilagay sa katamtamang laki na basket, naglagay din siya ng card para ipaalam dito na siya ang nagpadala, saka ipinabigay sa secretary nito sa opisina nito. Naghintay siya ng sagot mula dito, ngunit wala siyang na-receive. Mukhang hindi effective 'yon. Nag-isip uli siya ng ibang bagay.

The next day ay pinadalhan niya ito ng isang maliit na paso na may cute rosy periwinkles para ipaalala dito ang masasayang araw na pinagsamahan nila, pero wala pa rin. Nagpadala din siya ng sorry letter at kung anu-ano pa, hanggang sa maisipan niyang puntahan na ito sa opisina nito, ngunit nalaman niya sa sekretarya nito na kakaalis lang daw nito ng opisina, may pupuntahan daw kasi ito. Saglit siyang nagpaalam sa head nila sa opisina, para sundan ang binata.

Mabilis siyang sumakay sa elevator para sundan si Grant, pagkababa niya sa ground floor ay bumukas agad ang elevator at nakita niya ito agad. Tuluyan na siyang lumabas sa elevator at naglakad para lapitan ito—nang bigla siyang napatigil sa paghakbang palapit dito dahil may kung sinong babae ang bigla na lang yumakap dito. A very beautiful woman with a long shiny black hair and a to-die legs.

"Y-Yuli?" narinig niyang sambit ni Grant.

"I've missed you, Grant!" anang babae, saka ito mabilis na kumalas sa pagkakayakap. "Can we talk?"

Tumango si Grant sa babae, saka na ito nagsimulang maglakad, mabilis namang sumunod ang babae dito. Parang tinusok ng isang daang aspile ang puso niya sa pagkakakita sa dalawa—Yuli, yeah, she remembered that name—pangalang 'yon ng Ex ni Grant.

Akala ba niya patitikimin niya ang babae ng mag-asawang sampal kapag nakita niya ito? Mukhang ito naman ang nagpatikim sa kanya ng mag-asawang sampal sa puso niya.

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now