2

7.7K 180 4
                                    

"JOSHUA! MAY tinda akong yema ngayon, mas masarap ito dahil may sangkap itong love and happiness, kaya damihan mo nang bili. Ikaw din, Bryan at Margareth." Nakangiting alok ni Josephine sa kanyang mga kaibigan, sa tinda niyang sweets—mayroong yema, pulvoron at espasol, na siya mismo ang gumawa.

Bukod sa isa siyang simpleng employee sa Mondragon Corporation, nagtitinda rin siya ng mga sweets sa mga co-employees niya doon pandagdag sa kanyang income.

"Sige, bigyan mo ako ng tatlong supot." Ani Joshua.

"Ako, dalawa." Ani Bryan.

"Lima ako." nakangiting sabi ni Margareth.

Napangiti siya nang maluwang sa mga kaibigan niya dahil napaka-supportive ng mga ito. "Thank you nang marami." Aniya. Katatapos lang din niyang magbenta sa finance department kanina, kaya sa department naman niya, ang marketing department.

Marami na siyang kakilala at naging kaibigan sa kompanyang 'yon, kaya nga naman dumarami na rin siyang suki.

Nangangailangan lang talaga siya. Bukod sa pinag-aaral niya ang dalawa niyang nakababatang kapatid na babae ay tumutulong din siya sa kaunting negosyo ng mga magulang niya na 'Sweet candies', dito siya natutong gumawa ng mga ibinibenta niya.

Sa edad niyang twenty five ay wala pa siyang malaking ipon, pero worth it naman ang pinagkakagastusan niya dahil para naman sa pamilya niya ang mga 'yon. Nagtapos siya sa kursong Business Management sa isang pampublikong paaralan sa probinsya nila sa Pampanga at nakapagtrabaho sa isang maliit na kompanya bilang Marketing assistant for three years, pero dahil tumataas na ang gastusin ng mga kapatid niya dahil pareho nang nasa college ang mga ito, napilitan siyang lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho na mas malaki ang kita.

Si Sue ay nasa third year college na at kumukuha ng BS Education at ang bunso naman nila ay si Julie na nasa first year at kumukuha ng HRM.

Saktong habang naghahanap siya ng trabaho noon, nang makita niya mula sa isang advertisement sa isang diyaryo na nangangailangan ang Mondragon Corporation ng employee. Sumubok siya at napagtagumpayan naman.

Marami silang mga participants na sumubok, mahirap at mabusisi ang interview na ginawa sa kanila, mabuti na lang at nakatulong ang tatlong taong experience niya sa pagtatrabaho sa isang kompanya sa probinsya, kaya siya nakuha.

Mondragon Corporation is one of the largest and most diversified business group in the Philippines with real estate, financial services, telecom, water services and transport infrastruction. She was lucky to be part in this great company.

Mag-iisang taon na rin siya sa Manila at sa kanyang trabaho, ngunit hindi pa niya nagagawang magbakasyon sa kanila sa probinsya dahil abala siya sa trabaho niya. Wala na nga siyang time na makipag-date sa mga lalaking ipinapa-date ng mga kaibigan niya sa kanya, dahil mas priority niya ang pamilya niya.

Saka pusta niya, hindi rin naman siya matitipuhan ng mga lalaking gustong ipakilala sa kanya ng mga kaibigan niya, dahil bukod sa hindi siya sexy ay hindi rin siya gano'ng palaayos katulad ng mga kaibigan niya.

Once in her life, sa murang edad niyang eighteen years old ay nagkagusto siya sa isang lalaki; mayaman ito at guwapo, pero gaya nga nang inasahan niya, pinagtawanan lang siya nito nang magtapat siya ng damdamin dito—hindi daw ang mga katulad niya ang gugustuhin nitong maging kasintahan.

Mula noon ay nawalan na siya ng confidence na makipag-date sa kung sino pang lalaki—lalo na sa mayayamang lalaki. Natuto na siya sa isang beses na experience na 'yon.

"Ilan ang kukunin mo, Mary Ann?" nakangiting tanong niya sa best bud niya na nasa katabi ng mesa niya.

Ngumiti ito. "Sige, kukunin ko na lahat nang natitira, favorite din kasi nina Mommy 'yan e." anito.

Napayakap siya dito. "Salamat ha, hayaan mo, may libreng isang supot ka ng pulvoron next time." Aniya.

Tumango ito. "Nandyan na si President!" anito, saka ito umayos ng upo.

Mabilis na rin siyang umayos nang upo sa mesa niya, nakita niyang naglakad na ang Presidente nila patungo sa opisina nito, hanggang sa makapasok sa loob ito ay nakatutok pa rin ang mga mata niya dito.

He is really a breath-taking and an eye-catcher. Sa loob ng isang taon ay hindi pa rin nagbabago ang assessment niya dito, gaya no'ng una niya itong makita.

He has a set of expressive eyes, maganda rin ang mahahabang mga pilik-mata nito, matangos ang ilong at napaka-guwapo ng mukha.

He is tall of maybe six feet and three inches na parang isang basketball player, maganda ang malalapad na balikat nito at napaka-sexy ng pangangatawan nito na parang isang modelo, katamtaman lang ang kulay ng balat nito para sa isang lalaki.

He could easily sweep somebody off their feet; he is a man of the world, a very successful business tycoon. He holds all the aces in his hands.

Sadly, hindi yata ito marunong ngumiti, dahil sa isang taon niya sa kompanyang 'yon, ni minsan ay hindi pa niya nakikitang nabinat man lang ang gilid ng mga labi nito, for a smile. Mukha din itong masungit kaya hanggang pantasya na lang ito ng mga kababaihan, dahil hindi makalapit ang mga babae dito.

Pero kung ngingiti lang sana ito, baka bigla na lang mabale-wala ang mga kagupuwahn nina John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes. Grant was the most handsome creature she had ever seen.

"Kumurap ka naman, girl." Narinig niyang natatawang bulong sa kanya ni Mary Ann.

Doon lang siya nakabawi. Nakita niyang nakasara na pala ang pintuan ng opisina ni Grant Alexander Mondragon, ang Presidente nila. Inilipad kasi saglit ang isipan niya.

Nakangiting bumaling siya dito. "Ayan, kumukurap na." aniya, saka siya kumurap-kurap sa harapan nito.

Tumawa ito at napailing. "Ang lakas talaga ng dating ni President!" Lahat kasi sila sa department nila napapalingon sa tuwing dumaraan na ito.

"Ewan!" sagot niya.

E ano naman kung malakas ang dating nito? Hindi rin naman siya mapapansin nito o baka nga hindi pa nito alam ang existence niya, kaya as early as she can, ay ititigil na niya ang ilusyon niyang mapansin ng isang tulad nito.

"Asus, Josephine Cabero magtigil ka dyan sa kaka-ewan mo, kilala na kita at alam kong matagal mo ng crush 'yang si President—"

Mabilis niyang tinakpan ang bunganga nito, saka luminga-linga sa paligid. "Huwag ka ngang maingay." Aniya. Mamaya may makarinig pa sa sinabi nito, masabihan pa siya ng ilusyunada.

Lihim siyang napailing, oo at crush niya ang President nila, pero hindi naman niya ipinagsabi ang sekreto niyang 'yon e, gano'n ba siya ka-obvious?

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now