14

6.6K 147 1
                                    


Humagikgik ang ginang. "Yes, nasa likuran niya lang ako. And I was shocked with what he did. Hindi siya namamansin ng babae e, bukod sa 'yo." She giggled.

"Ang sabi po niya, ayaw lang niya nang eksenang nasisilipan ang employee niya." paliwanag niya.

"Asus! Gayunpaman, isn't it amazing? Dahil doon kaya ka nagka-crush sa kanya, 'di ba?"

"Po?"

"Aminin mo na! Last time sa elevator, ang lagkit nang pagkakatitig mo kay Grant." Natatawang sabi nito.

Nasapo tuloy niya ang pisngi niya, pakiramdam niya ay namumula na ang mga 'yon, napansin pala ng ginang ang pagtitig niya sa binata that time. Nakakahiya!

"Malapit nang ma-accomplish ang mission natin!"

Bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan. Ibig din bang sabihin no'n ay malapit na siyang mawala sa tabi ni Grant? Sumakit bigla ang puso niya.

"Are you sad?" panghuhula ng ginang, dahil bigla na lang siyang natahimik sa kabilang linya.

"H-Hindi po," pagkakaila niya.

"Don't worry hija, hindi ka na pakakawalan ng anak ko."

"P-Pero Mrs. Mondragon—"

"Tita! Call me tita..."

Humugot siya nang malalim na hininga. "K-Kasi tita, may kasalanan po ako kay Grant."

"Kasalanan?"

"Ang buong nangyayari pong ito. Nagpanggap po ako sa kanya na walang kinalaman sa ideya niyong ito. Na napili lang ako sa bunutan na 'yon para mapangasawa niya for a hundred days—pero hindi niya alam ay dahil may kapalit—pinahiram niyo po ako ng pera at ang kabayaran no'n ay ang mission kung muling ibalik ang paniniwala ni Grant sa pag-ibig."

"That's not important anymore hija, ang mahalaga ngayon ay gusto niyo ang isa't isa." Konsola nito.

"Pero parang nakokonsenya po ako sa pagsisinungaling ko kay Grant, napakatotoong tao niya, samantalang ako—fake. Tulad ng kasal namin." Malungkot na sabi niya.

"Listen hija, kung may sisisihin man sa kasinungalingang ito, ako, ako ang may kasalanan dahil plano ko ang lahat ng ito at naisali lang kita dahil sa kagustuhan kong mabago ang anak ko."

"Pero tita..."

"Sino ba 'yang tumatawag sa 'yo at kanina ka pa nakikipag-usap dyan?"

Si Grant ang nalingunan niyang nagsalita sa kanyang likuran. Mabilis nang nagpaalam ang Mommy nito, sa susunod na lang daw uli sila mag-uusap, asikasuhin na lang daw niya ang "asawa" niya.

"Sino 'yon?" kunot-noong tanong nito.

He sounded like a real jealous husband. "Nangungumusta lang ang Mommy mo, maingay kasi sa kusina kaya lumayo ako sa inyo. Pinaku-kumustahan ka pala." Aniya.

Tumango na lamang ito. After a while ay umuwi na rin ang mga kaibigan nito na tangay ang isang tray ng sweets niya. Dalawang tray na lang tuloy ang natira. Pagkatapos nilang mag-agahan at naligo ay tuluyan na rin silang nagpunta sa 'Home for my buddies'.

HINDI PA rin kumikibo si Grant simula nang umalis sila sa hacienda. Naiinis pa rin kaya ito dahil tinangay ng mga kaibigan nito ang isang tray ng sweets na pinipigilan nito kaninang matangay?

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Bakit mo pinahintulutan na tangayin ng mga 'yon ang sweets na ginawa mo? Ang dami na nga nilang nakain kanina." Anito.

"Nasarapan kasi sila nang husto, hayaan mo na. Pwede pa naman akong gumawa e." aniya.

"Bakit sila ang una mong pinatikim? Samantalang ako ang asawa mo." Reklamo nito na ikinagulat niya.

Bukod sa sinabi nitong "...ako ang asawa mo." Naiinis din ito dahil hindi ito ang unang nakatikim ng sweets niya. Napangiti siya nang lihim.

"Say ah..." aniya, susubuan na lamang niya ito para makabawi.

"Ayaw." Anito na parang bata. Ngunit mayamaya ay ngumanga na rin ito, kaya mabilis na niya itong sinubuan. "Hmm... M-Masarap." Komento nito.

Napangiti na lang siya. Nang makarating sila sa ampunan ng mga hayop nito ay ipinakilala siya sa lahat ng mga employees nito doon, ipinakita sa kanya ang mga hayop na naroon, nagmistula tuloy na mini-zoo ang lugar. May mga aso, pusa at iba pang mga hayop na napulot lang daw sa mga kalye at wala nang matitirhan.

Nakita nga niya 'yong aso na iniligtas nila kahapon, okay na okay na ito at masigla na. Puring-puri din ng mga employees at ilang mga Veterinarian na naroon si Grant, sa pagiging pet lover nito, bibihira na lang daw ang katulad nito na kayang gastusan ang mga hayop na nangangailangan ng tulong, he's indeed the pets' superhero.

After nilang bumisita sa Home for my buddies at ipamahagi ang mga sweets na ginawa niya sa mga employees doon ay sa isang Mall sila sunod na nagtungo. They had lunch in a finest restaurant. Ang dami nga nitong in-order para sa kanya, para hindi daw siya mangayayat. Na-sweet-an naman siya!

Nag-stroll muna sila sa Mall para saglit na magpalamig, mainit pa kasi sa labas dahil alas dos pa lang ng hapon. Habang naglalakad sila ay nagulat siya nang bigla na lang hawakan nito ang kamay niya.

Napatingin siya sa magkawahak na kamay nila, how can it be so perfect? Hindi ito umimik, kaya hindi na rin siya umimik. Habang magkahawak-kamay silang naglalakad sa Mall ay napatigil sila sa isang stall na may free taste na nakalagay, mabilis niya itong hinila para tingnan kung ano ang free taste doon—tuna flavoured hotdog, na noon ay na-cut into small pieces at nakatusok na sa toothpick.

Madalas siyang nagfo-foodtrip sa mga free taste stalls noon kasama ang mga kapatid niya, na-miss tuloy niya ang mga ito.

"Pwede pong humingi?" paalam niya sa sales lady na naroon.

Napatango ang babae, animo nawalan ng dila dahil sa pagkaabala nito sa pagtitig kay Grant at gusto pa yata nitong tunawin si Grant sa ginagawa nito, hindi tuloy niya napigilan na itaas ang magkahawak-kamay nila ni Grant para ipakita sa babae na may nagmamay-ari na dito, nakuha naman agad ng babae ang gusto niyang iparating, kaya inasikaso na lang nito ang mga taong gustong bumili ng paninda nito.

"Say ah..." aniya kay Grant, saka ito sinubuan, mabilis naman itong ngumanga para tanggapin ang isinusubo niya.

"Bakit ba tayo nandito sa freetaste area? Kung gusto mo ibibilihan na lang kita ng isang truck ng ganyan." Anito.

Umiling-iling siya. "Huwag na, gagastos ka pa. Dito, free na busog ka pa." nakangiting sabi niya. Sumubo siya ng isang piraso, bago uli niya ito sinubuan.

After a while ay bigla na lang itong nagkamot ng braso dahil bigla daw itong nangati, napabitiw tuloy ang kamay nitong nakahawak sa kanya dahil sa pagkakamot sa pangangati nito, kapagdaka'y namumutla na ang mukha nito, kinabahan tuloy siya.

"G-Grant, okay ka lang?" aniya.

Umiling si Grant. "I-Inaatake ako ng allergy ko," tila nahihirapang wika nito. "I-I don't have my medicine with me." Anito.

Nasapo niya ang kanyang noo. Naalala niya, may allergy nga pala ito sa seafoods—at tuna flavor ang kinain nilang hotdog! Napaka-careless talaga niya.

"I will bring you to the hospital," aniya.

Mabilis silang nakalabas ng Mall at tumawag na lang sila ng taxi para pagpahatid sa pinakamalapit na hospital, hindi kasi siya marunong magmaneho, kaya babalikan na lang nila ang sasakyan nito mamaya.

Palibhasa tiwalang-tiwala na si Grant sa kanya, kaya kahit ang bawal at inaayawan nitong kainin ay nakain nito, dahil sa kanya.

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now