5

7.2K 183 16
                                    

ALAS SIYETE na nang gabi at nasa event hall na si Josephine dahil malapit nang magsimula ang party para sa Anniversary ng kompanya nila. Katatawag lang kanina sa kanya ng Nanay at ibinalita nito na naging maayos daw ang operasyon ng Tatay niya, at maari na rin daw itong lumabas sa ospital the following days. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil ligtas na sa kapahamakan ang Tatay niya.

Naipadala niya kaninang umaga sa Nanay niya ang pera na magagamit sa operasyon. Kung marahil maglo-loan siya ay kulang na siya sa oras dahil marami pa siyang kailangan pirmahang mga papeles bago siya makahiram ng pera.

Luckily, biglang may isang anghel na isinugo ang Diyos sa kanya—si Mrs. Mondragon, kaya nakapagpadala siya agad ng pera sa Nanay niya. Tinawagan siya kanina ni Mrs. Mondragon na magkita sila sa event hall, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Marami na ang tao sa loob ng venue, naroon na ang mga kaibigan niya na nakapila at kumukuha na ng pagkain.

"Hello, hija!" mabilis siyang bumaling sa taong nagsalita sa kanyang tabi, si ginang Mondragon 'yon, na nakangiti nang malaki. Nagulat siya nang bigla na lang itong bumeso sa kanya. "Kanina ka pa ba naghihintay?" anito. Nakita niyang nakaupo na si Mr. Mondragon at iba pang mga executives sa front table. Saglit na humiwalay si Mrs. Mondragon sa mga kasamahan nito, para kausapin siya. Marahil ay marami nang nagtataka sa mga nakakakita sa kanila, kung bakit close sila ng ginang.

"Magandang gabi po, Ma'am." Nakangiting bati niya. "Salamat nga po pala sa pinahiram niyong pera, naging matagumpay po ang operasyon ng Tatay ko. Hayaan niyo po, next week ibabalik ko po agad ang perang hiniram ko—"

"Hindi mo na kailangang ibalik ang perang hiniram mo hija, dahil may naisip akong mas magandang paraan para makabayad ka." Anito.

Kinabahan siya sa mga ngiti nito. "P-Po? A-Ano pong paraan 'yon?"

"Malalaman mo mamaya," nakangiting sabi nito. "Okay, have fun!" anito, bago ito naglakad patungo sa mesa kung nasaan ang asawa nito.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ang bilis ng tibok niyon, kinakabahan siya sa paraang sinasabi ng ginang. Ano kaya 'yon? Nawala agad ang iniisip niya nang dumating si Grant sa venue—as usual, all eyes na naman silang lahat dito. Stunning as ever! Tindig, porma at ayos—mukha itong isang guwapong actor na dadalo sa isang awards night. Hindi niya inalis ang kanyang tingin hanggang sa hindi ito makaupo sa mesa kung nasaan ang mga magulang nito.

"'Uy girl, tama na muna ang dessert, kumuha ka muna ng dinner mo." nakangiting tukso ni Mary Ann sa kanya, sa pagtitig niya kay Grant.

Lihim siyang napailing, saka napangiti na lang dito. "Sige kuha lang ako ng food, reserbahan mo na lang ako ng upuan." Aniya. Tumango na lang din ito.

NATAPOS na ang dinner at ang speeches ng mga executives kasama na sina Grant at ang Daddy nito. Ngayon ay nasa fun and games na sila, ice breaker daw. Maganda at bongga ang mga prices na natanggap ng mga nanalo sa mga naunang laro, isa na sa mga nanalo ay si Bryan na nakatanggap ng thirty two inches Samsung flat screen TV, may nanalo na rin ng ipad at kung anu-ano pa.

"Kanina lang ay nagkaroon nang magandang suggestion si Mrs. Mondragon para sa next na fun game natin," nakangiting imporma ng emcee. "She called it 'We got married' na base daw sa isang korean variety show na pinapanood nila."

Naghiyawan ang lahat ng mga employees na naroon sa event hall, kasama na ang mga kaibigan niya. Hindi siya kasali sa mga humiyaw dahil hindi naman siya aware sa variety show na 'yon.

"May I call on our handsome President to come over here on the stage," anang emcee.

Nagtatakang tumayo naman si Grant, hindi pa sana ito maglalakad papunta sa stage kung hindi ito inalalayan ng ina nito papunta doon.

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon