Chapter 11

100 6 0
                                    

Ashanti Azihiro POV:

Napatingin ako kay John Carlos na nakatitig sa aming dalawa ni Jurist.

Bakit ang sama ng tingin niya?

"TAHIMIK!" sigaw ko sa kanila.

Alam kong kinikilig ako sa ginawa ni Jurist dahil slight ko nga siyang crush.

Lahat naman sila ay napatahimik sa paghihiyawan.

At nagpatuloy na ako sa pagkain sa pasta.

Krrrrrrrrrrrrriiiiiiiiinnnnnnnnnnngggggggggggg

Nagbell na kaya sabay-sabay na kami pumunta sa sarili-sarili naming mga classroom.

"O sige mauna na kami." sabi ko at hinila na si John Carlos na nakatulala parin.

Maya-maya ay huminto siya kaya napahinto rin ako dahil hila-hila ko siya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wala-wala sige mauna kana cr muna ako." sabi niya at umalis na.

Naweirduhan naman ako sa ikinilos niya pero binalewala ko nalang at pumasok na ako sa classroom.

FAST FORWARD:

Uwian na pala.

Ambilis ng oras noh? Nandito na ako kinukuha ang bike ko kung saan ko iniwan.

Maya-maya ay may kumalabit sa akin.

Nilingon ko at pagtingin ko si John Carlos.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Pwede makisabay?" tanong niya kaya nagulat ako dahil may sasakyan naman siya.

"May sasakyan ka diba?" tanong ko sa kanya.

"Oo pero ayaw ko gamitin." sabi niya sa akin kaya nabatukan ko siya.

"Aray." daing niya.

"Tsk tsk tsk." sabi ko at sinimulan ng magbike.

Pero hinila niya ang bike ko kaya sumemplang ako.

"Ouch." daing ko sa sakit.

"Masakit ba?" tanong niya sa akin.

"Malamang bobo." sabi ko sa kaniya.

"Makabobo ka naman." sabi niya at tinulungan niya na akong tumayo.

Kaya hinahawakan ko yong bike habang naglalakad kami.

Maya-maya sa hindi ko inaasahan ay napahaching ako.

"ACHU!" haching ko.

"Anong nangyari sayo?" tanong niya sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Anong nangyari sayo?" tanong niya sa akin.

"Hayst pinapairal mo talaga kabobohan mo malamang naghaching." sarkastik kong sagot sa kanya.

"Alam kong naghaching ka." sabi niya sa akin.

"Alam mo naman pala bakit ka pa nagtatanong." sabi ko sa kanya.

"Tsk." nasabi niya nalang.

Nakakabingi ang katahimikang namamayani habang naglalakad kaming dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakakabingi ang katahimikang namamayani habang naglalakad kaming dalawa.

Nakakabingi ang katahimikang namamayani habang naglalakad kaming dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nararamdaman ko ang mga titig niya sa akin.

Kaya hindi ko nalang siya nililingon.

My Secret Love For HimWhere stories live. Discover now