Chapter 21

87 5 0
                                    

Ashanti Azihiro POV:

Tapos na kaming kumain.

"Kunin ko lang bag ko." Paalam ko sa kanya iniwan ko muna siya doon sa Garden.

Nandito na ako sa Student's Council Office pero kinakabahan parin akong pumasok sa loob.

Kasi Secretary ako pero hindi ako gumagawa ng isang gawain ng Secretary.

Ngayon araw lang naman na ito.

Eh para maspend ko ang araw ko na ito para kay Dave.

Pumasok na rin ako sa loob.

At kinuha ang bag.

"Hay salamat at dumating ka narin." Sabi ni Kent.

"Bukas nalang please may mahalaga akong kailangang gawin." Sabi ko na malungkot ang mga mata ko.

Kasi meron secret basta malalaman niyo rin SOON.

Nandito na ako sa may Garden.

"DAVE!" sigaw ko.

Nakasandal siya sa puno at parang nakapose na natutulog.

"Ganyan pose mo?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit pangit ba?" Tanong niya sa akin.

"Ok lang." Sabi ko

Kinuha ko na yong lapis.

"Basta itatago ko tong drawing ah." Sabi ko sa kanya.

"Ok basta pipicturan ko." Sabi niya.

"Okie." Sabi ko.

Nilabas ko na yong sketch pad ko at naupo rin sa damuhan at sinimulan ko siyang idrawing kasama narin ang puno para may background.

Mga 1 hours din siyang nakaganong pwesto.

"Hindi ka pa ba tapos nangangalay na ako." Sabi niya.

"Huwag kang magalaw malapit na." Sabi ko sa kanya.

Tapos narin ako pero may naisip akong kalokohan.

Mga 5 minutes nakaganoon parin siya.

Kuhang-kuha ko talaga siya pati pose niya.

Ang gwapo niya talaga.

"Nakakainis ka." Sabi niya.

Hindi ko napansin na wala na pala siya doon.

Dahil diyan.

Muah

Kiniss niya ako sa pisngi.

"Bakit mo naman ako hinalikan?" Tanong ko.

"Utang mo yan pinapagod mo ako." Sabi niya.

Pinicturan niya na yong drawing ko.

"Memories ko na toh." Bulong ko habang tinatago ko yong sketchpad ko sa bag.

Itong sketchpad ko ay pagdradrawingan ko ng mga taong mahahalaga sa akin.

Meron na dito sila Mom at Dad.

At meron narin si Dave.

Sunod naman si Jurist.

Tapos na ang pagtotour ko sa kanya at sabay na kaming umuwi dahil kanina pa pala uwian.

At natapos ang araw na yon ng sobrang saya kasama si Dave.

Alam niyo ba yong mga stolen pictures ni Dave pinagawa kong picture at dinikit sa pader.

Pati si John Carlos meron narin.

My Secret Love For HimWhere stories live. Discover now