Chapter 43

68 5 1
                                    

Dave Smith POV:

Ang saya ko kasi nanalo ang section namin sa Mr and Ms.Nutrition at sa Nutri Jingle.

Nilapitan ko si Ashanti.

"Congrats ang galing mo." Sabi ko kay Ashanti.

"Thank you." Sabi niya.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Congrats din." Sabi ko kay John Carlos pero ayun inisnob ako.

"Thank you ah." Sabi ko naman sa sarili ko.

"Guys, so punta tayo Cabalen's Restaurant, nakuha ko na yong money." Sabi ni Maam.

"YEHEY!" tili naming lahat.

Lahat kami ay sumakay na sa school bus namin.

Ginagamit lang namin ito kapag may pupuntahan na importante ang buong section.

Nagpaalam na si Maam na gagamitin namin ito.

"Halika, Dave tabi tayo." Sabi ni Ashanti sabay hila sa kamay ko at naupo kami sa panggitna ng bus na ito.

Siya yong nasa bintana syempre favorite seat niya dun.

Kilala ko na siya masyado.

Kasi ba naman palagi kaming magkasama simula nung bata pa kami

Kasi makakakita siya ng magagandang view.

"Ashanti." Pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?" Tanong niya habang nakatingin parin sa bintana.

"Congrats pala." Sabi ko.

"Hala! paulit-ulit ka ah." Sabi niya.

Oo nga noh, hahaha unli ako.

"Hayst." Pagbuntong hininga ko.

"Sorry kong unli ako." Pagpapaumahin ko sa kanya.

"Ah, hahaha okay lang yun sanay na ako na makakalimutin ka." Sabi niya sa akin.

Ashanti Azihiro POV:

Nandito na kami sa mall.

Nagulat ako ng pagdating namin sa Restaurant ay nandito ang Class 3-C.

"Oh, Ashanti." Pagbati sa akin ni Crystal.

"Ayiiieee magcecelebrate din sila." Sabi ko at naghanap na kami ng table yong pangmaramihan yong buong section magkakasama.

"Congrats pala, Ashanti at John Carlos." Sabi ni Aliyah.

Nagulat naman ako dahil wala akong kasama na nakatayo ngayon.

"Ha?" Tanong ko.

Ngumuso naman siya sa likod ko.

Lumingon naman ako.

"Ay putspa." Nabanggit ko bigla.

"Namura pa ako." Sabi niya sa akin.

"Kasi naman eh nanggugulat." Sabi ko sa kanya.

Nilapitan ko si Kuya Mark Angelo.

"Congrats pala tatay ka na." Pagpapatawa ko sa kanya.

At naglakad ako papunta kay Crystal.

"Congrats pala nanay ka na." Sabi ko at naglakad na.

Nagulat ako ng biglang may bumatok sa akin.

"Arayyyyyy." Daing ko habang hawak ang ulo ko.

Nilingon ko naman yong nambatok sa akin.

"ANONG PINAGSASABI MO? NANAY NA AKO? SA TINGIN MO BA BUNTIS AKO? AT KUNG BUNTIS NAMAN SINO TATAY? ABER." sigaw sa akin ni Crystal.

"Ako yong tatay." Biglang sagot ni Kuya Mark Angelo.

"Ayiieeee magkakatuluyan na yan." Sabi ko na halatang nang-aasar sa kanilang dalawa.

Bigla namang namula silang dalawa.

"Ayiiieeee." Nagsimula na ang pang-aasar kila Crystal ng mga kaklase niya pati ng mga kaklase ko.

Nakakakilig kasi silang dalawa eh.

Kinikilig talaga ako sa kanila palagi nalang eh.

Parepareho lang silang nagtataguan ng feelings.

Sila Aliyah at Kuya Joseph pati narin sila Crystal at Kuya Mark Angelo.

Hayst mga torpe sa isa't-isa.

Naku! Binubuking ko na nga sa isa't-isa pero ayun todo tanggi parin sila.

Hayst sobrang torpe talaga.

"Oo na aamin na ako matagal na akong binubuking nitong babae na ito eh." Sabi ni Kuya Mark Angelo sabay turo sa akin.

"Matagal na kitang gusto dati pa, oo alam kong masyado akong torpe kaya naisipan ko ng umamin baka kasi maunahan pa ako ng iba." Pagsasalita ni Kuya Mark Angelo.

"And, diba dapat hinde ikaw yong magiging Ms.Nutrition ng klase natin diba?" Tanong ni Kuya Mark Angelo.

"Oo." Sagot naman ni Crystal.

"Kinausap ko kasi yong muse natin na magsabi siya sa teacher natin na biglaan siyang nagkaroon ng sakit." Sabi ni Kuya Mark Angelo.

"Kaya pala." Sabi naman ni Crystal.

"Pwede bang ligawan kita?" Tanong ni Kuya Mark Angelo.

"OO OH NA YAN!" sigaw namin lahat dito.

Hinde sumagot si Crystal.

"Ok lang naman kung hinde eh." Sabi ni Kuya Mark Angelo na nakayuko at naglakad na siya palayo.

"MATAGAL NARIN KITANG GUSTO!" sigaw ni Crystal na nagpahinto sa paglalakad ni Kuya Mark Angelo.

Nakahinto si Kuya Mark Angelo pero hinde parin nililingon si Crystal.

"OO ALAM KO TORPE KA PERO TORPE DIN NAMAN AKO! DAPAT NGA AAMIN NARIN AKO SAYO KASI MAS LALO KANG GUMWAPO SA SUOT MO NGAYON! NATUWA NGA AKO NUNG SINABI NI MAAM NA AKO ANG PAPALIT KAY MIYUMI! DAHIL NAGKAROON AKO NG CHANCE NA KAHIT ISANG BESES PARANG MAGPANGGAP TAYO NA PARANG MAY TAYO! SOBRANG SAYA KO NGA EH KASI HABANG KUMAKANTA TAYO SA STAGE DAMANG DAMA KO YONG KINAKANTA NATIN YONG MGA PAGSULYAP NATIN INIISIP KO NA MAY KAHULUGAN YUN! OO ASSUMING NA KUNG ASSUMING PERO WALA AKONG MAGAGAWA SA TINGIN KO NGA HINDE NA KITA GUSTO EH MAHAL NA ATA KITA!" sigaw ni Crystal na nagpaiyak sa kanya.

Napaupo naman si Crystal habang patuloy parin sa pag-iyak.

Pati ako napaiyak narin dahil dama ko ang bawat salita na sinabi ni Crystal.

Nilapitan ni Kuya Mark Angelo si Crystal.

At niyakap niya habang nakaupo silang dalawa sa sahig.

"Sorry, Crystal, kasalanan ko dahil sobrang torpe ko sabi nila dapat daw ang lalaki ang nagfifirst move pero wala eh sobrang ganda mo kasi sorry dahil ganto lang ako walang maipagmamalaki sayo." Sabi ni Kuya Mark Angelo.

Tuloy tuloy parin ang pagpatak ng luha ko.

Para ba akong nanonood ng isang drama.

Sana lahat may ganyang love story pero wala eh wala namang nagmamahal sakin ng ganyan yon siya ba mismong mauunang umamin sayo.

Tinignan naman ni Crystal si Kuya Mark Angelo.

Si Kuya Mark Angelo kiniss ang noo ni Crystal.

Ang sweet nila kahit wala namang sila.

Ang swerte nila sa isa't-isa.

My Secret Love For HimWhere stories live. Discover now