Chapter 12

93 6 0
                                    

Ashanti Azihiro POV:

"Mauna na ako." sabi ko sa kanya.

At sinimulan ko ng magbike pauwi nakakailang kasi ang mga titig niya kaya naisipan ko ng mauna dahil umokay-okay na yong paa ko at nakakaya ko ng magpedal.

Napapreno ako agad ng biglang humarang si John Carlos sa dadaanan ko.

"Excuse me." sabi ko pero hindi parin siya umaalis sa dadaanan ko.

"Hindi ako aalis dito." sabi niya sa akin.

"Di wag ka umalis." sabi ko at sisimulan na sanang magpedal.

Pero itong lalaki na ito talaga ang kulit ng lelang nakatayo parin doon.

"Sasagasaan kita." pagbabanta ko sa kanya.

"Please hatid mo ako sa bahay namin." sabi niya sa akin.

"Kasi bakit hindi mo dinala ang kotse mo." sabi ko sa kanya.

"Eh sa ayaw ko eh."sabi niya sa akin.

"Angkas na para makauwi na ako." sabi ko sa kanya.

"Bakit ako aangkas ikaw umangkas para makarating na ako sa bahay." sabi niya sa akin.

"Bakit ako aangkas? Bike ko to noh." sabi ko sa kanya.

"Eh kalalaki kong tao ako paaangkasin mo." sabi niya sa akin.

"Pwes anong paki ko doon?" tanong ko sa kanya.

"Bilis na para makauwi na tayong dalawa." sabi niya sa akin.

"Oo na." pagsuko ko para makauwi na kaming dalawa.

Bumaba na ako sa bike at siya na yong pinasakay ko sa unahan at ako na yong aangkas sa kanya dahil alam ko namang matatalo din ako kaya naisipan kong sumuko nalang.

Nagsimula na siyang magpedal.

Ng MABILIS!!!!!!!!!!!!!!!!

"BAGALAN MO NAMAN!." sigaw ko sa kanya.

"EH PARA MAKAUWI NA TAYO NG MABILIS!." sigaw niya pabalik sa akin.

Sa hindi ko inaasahan ay napayakap ako sa kanya.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

At dahan dahan kong tinanggal yong pagkakayap sa kanya.

"Bakit ka bumitaw?" tanong niya sa akin.

"Wa.wala." sabi ko.

Pabilis ng pabilis ang pagpapatakbo niya ng bike kaya napayakap ako sa kanya.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay niya.

Nalaman ko na magkapitbahay lang pala kami.

Nasa iisang subdivision lang pala kami nakatira.

"Mauna na ako." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at nakita kong pumasok na siya sa bahay nila at ako nakarating na ako sa bahay kaya pinasok ko na yong bike.

"Hi Mom." sabi ko kay Mom.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpalit ng pangbahay na damit.

At bumaba dahil may naamoy ako na masarap na paborito ko pa ang SINIGANG NA BANGUS.

Kumain na kami at pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto.

Nagpatugtog ako ng kanta ng KPOP gamit ang tv.

Dahil pwedeng iconnect basta may WIFI.

My Secret Love For HimWhere stories live. Discover now