Chapter 41

45 3 0
                                    

Ashanti Azihiro POV:

"Talagang babasagin ko yang gwapo mong pagmumukha." Nasabi ko nalang bigla at tsaka ko lang narealize yong nasabi ko nag 'ayiieee' naman sila.

Mga siraulo. HAHAHA.

Nakita kong ngumisi ang mukha ni John Carlos.

Hay nakow! Magsisimula na siya.

Palapit siya ng palapit sa akin. At nakita ko naman si Dave na nanlilisik ang mga mata.

Bigla ko siyang tinulak ng malakas kaya napalayo siya sa akin kaya kinuha ko na yong oppurtunity para makalayo sa kanya.

"Halika na guys kailangan na natin gawin toh." Sabi ko sa kanila.

Tumango-tango naman yong iba.

Habang naglalakad kami ay nagsalita siya.

"So it means nagwagwapuhan ka saken?" Tanong niya nagtaka naman ako.

Hinde niya paren kinakalimutan.

Hinarap ko naman siya at nagsalita.

"Ako? Nagwagwapuhan sayo? Sira ka." Sabi ko at tumabi kay Angelica. Narinig ko namang napatawa si John Carlos.

Kaya napatingin ako sa kanya.

"Ikaw ba kinakausap ko?" Tanong niya sa akin habang nakangiting aso.

Sarap sapakin ng mukha niya.

Ako naman talaga kinakausap niya ah.

Tumingin naman siya sa Ate ni Aliyah.

Another epic fail.

Masyado kasi akong nagssume eh.

Bigla silang nagtawanan kaya ang ginawa ko lumapit ako kay Dave at hinawakan ang braso niya.

Nakita ko naman ang reaction niya nagulat siya.

Pero ngumiti nalang siya sa akin kaya ginantihan ko siya ng ngiti.

Arghhh I HATE HIM SO MUCH.

Kumukulo dugo ko dahil sa kanya.

Pinagtripan niya ako kanina tapos ngayon pinagtripan na naman niya ako.

Hay nakow.

Lakas talaga ng tama ng LOLO niyo.

Naglakad nalang ako ng mabilis para maunahan sila.

Nandito na kami sa Academy.

"Ang laki ng Academy niyo, paano na yan?" Tanong ni Mica.

"Kaya natin yan." Sabi naman ni John Carlos.

Nagsimula na silang itago yong mga prutas na nabili namin.

Yah! Hinde kami kasama sa pagtago malamang kasali parin naman kami sa game na toh.

Kaya nga sinama namin sila eh.

Mga ilang oras ay nakabalik na sila dito.

"Tapos na?" Tanong ni Kent.

"YES!" sabay sabay na sigaw nila.

"Oh bilis icecream tayo libre ko." Sabi ko sa kanila.

"YEHEY!" sigaw ng mga kapatid ni John Carlos na bata.

"Oh! Manong Guard aalis na kami." Sabi ko.

"O sige po, Maam." Sabi ni Manong Guard.

Umalis na kami at pumunta sa isang Convinient Store.

My Secret Love For HimHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin