Chapter 48

34 3 0
                                    

Angelica Jung POV:

Kachat ko ngayon si Hiroki.

=========================
Hiroki Chan•

Ange:Hoy!Ano musta na kaso ni Ash?
Hiro:Di pa okay
Ange:Eh paano mo siya liligawan niyan?
Hiro:Di ko rin alam eh
Ange:Puro ka nalang di mo alam
Hiro:Kaya nga e
Ange:Pero may naisip ako
Hiro:Ano?
Ange:Umamin ka na sa kanya bukas
Hiro:Sige
Ange:Nays diba? Tulungan kita
Hiro:Thank you
==========================

Shhh lang kayo mga readers ah kami lang tatlo ang nakakaalam nito. Oo tatlo, Ako, Si Jiro at si Hiroki.

Hiroki Chan POV:

Maaga akong pumasok sa school para makapaghanda nakaayos ang buhok ko at may bulaklak ako na hawak yong pinili niya at chocolates alam ko kasing gusto niya yun.

Marami ng mga tao dito ang nakaabang sa gagawin ko.

Hayst mas lalo akong kinakabahan.


Ashanti Azihiro POV:

Nagbibike na ako pasagot habang nagsosoundtrip.

Kringggg

Ay potah naman oh!

Sinagot ko na ang tawag habang tuloy pa din sa pagbike.

"Hello."

(ASH!)

"Oh! Bakit Angelica?"

(Bilisan mo dali)

"Sandali lang nakabike lang yong tao oh, tanghirap na ako."

(Taghirap daw? Nanloloko ka ba? Basta dalian mo)

"Okay bye."

Toot toot

Nandito na ako sa school.

"Anong meron?" Tanong ko.

Pinapark ko na ang bike ko dito sa mga station ng bike.

Ayaw ko maging chismosa kaya diret-diretso ako sa paglalakad.

"Ash."

Napalingon naman ako at nagulat dahil si Hiroki ay nakaayos may hawak pa na bulaklak at chocolates.

Tinuro ko pa ang sarili ko.

Mahirap na magassume.

Tumango naman siya.

"Bakit?" Nalilitong tanong ko.

"Mahal kita." Natameme naman ako sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo diba si Angelica?" Tanong ko.

"Hinde." Sagot niya habang nakatitig sa akin ng direkta.

"Ha?" Naguguluhan na ako.

"Diba tinanong mo sa akin sa likod ng school kung bakit ako nandito at sinabi ko dito kasi nag-aaral yong taong mahal ko at nung nasa restaurant tayo nasabi ko si Angelica yong taong mahal ko hinde totoo yun pagkatapos ng araw na yun nakiusap ako kay Angelica na tulungan niya ako sa panliligaw sayo at sinabi niya sa akin na sige at magpaturo daw ako sayo kung paano manligaw para maging close tayo. At yong mga bulaklak na sinabi mo ay ikaw ang may gusto nun at yong chocolates hinde naman mahilig sa ganun si Angelica pati nung nakita mo na binigay ko sa kanya yun arte lang yun pati yong mga tao kasama sa cast yun lahat ng iyon ay puro arte lang para maging close tayo, tapos yong mga nangyari nung magmamall tayo para bumili ng mga prutas para sa program nun narinig ko lahat ng mga sinabi mo nagulat nga ako kaya nakagawa ako ng simpleng ingay na nagpalabas sayo sa kwarto secret ko nalang yun alam ko namang private yun eh tapos kahapon hinahanap kita para hulihin para magdate tayo pero wala hinuli ka mismo ni Dave at kayo ang nagdate, pero okay lang sa akin yun ang mahalaga mahal kita Ash." Speechless ako sa mga sinabi niya sa akin.

Lumapit siya at may inabot na panyo sa akin.

Nagtaka naman ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Punasan mo luha mo." Sabi niya.

Pinunasan ko naman ang luha ko, may luha pala ako hala umiyak ako.

"Sorry." Sambit ko.

Nagulat naman lahat ng tao dito dahil sa sinabi ko.

"Sorry dahil hinde ko masusuklian yang feelings mo ayaw kong makasakit ng tao kaya please layuan mo nalang ako." Sabi ko at umalis sa lugar na yun.

Nandito ako sa lumang classroom na walang gumagamit dito.

Dito ko nilabas lahat ng hinanakit ko at umiyak ako.

"Sorry Hiroki ayaw ko lang talagang lumala ang nararamdaman ko kaya sana ikaw nalang mismo ang lumayo sa akin." Bulong ko.

Aliyah Lysa David POV:

Naaawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Wala akong nagawa kundi ang sundan si Ash kasama ko si Crystal naiwan si Angelica para icomfort si Hiroki.

Nakita naman siya sa lumang classroom kaya pasok agad kami.

"Ash." Pabulong na banggit ko.

"Oh!" Siya habang pinupunasan ng panyo ang luha niya.

"It's okay ilabas mo lang lahat yan." Sabi ni Crystal.

At mas lalong umiyak si Ash.

"Ang sama sama ko talaga." Sabi ni Ash habang inuuntog ang ulo niya sa dingding.

"Stop that." Sabi namin at nilagay ang kamay namin sa ulo niya.

Naaawa talaga ako sa kanilang dalawa.

"Sana mamatay nalang ako, I HATE MYSELF!" sigaw niya.

"Ash, lahat ng tao nagkakamali." Sabi ni Crystal.

"Yah, Crystal's right." Sabi ko naman.

"I don't know but i feel pity for Hiroki because i hurt his feelings." Sabi niya habang umiiyak.

Pinat ko naman ang likod niya.

"Sige ilabas mo lang lahat para mabawasan yong sakit." Sabi ko.

At sinabi niya naman lahat.

Angelica Jung POV:

Naiwan ako dito kay Hiro nakaluhod siya sa sahig kung saan siya iniwan ni Ash nandun parin siya parang tangang naghihintay.

"WHAT ARE ALL WAITING FOR?! GO!" sigaw ko sa lahat ng tao.

'Kawawa naman si Hiroki'
'Pero tama rin naman si Sec eh kung hinde niya mahal si Hiroki mas mabuti pang lumayo nalang ang isa sa kanila'
'Yah'

"I SAID GO!" sigaw ko.

Nakita ko namang umiiyak na si Hiro.

"Hey stop crying." Sabi ko.

"Hinde ko kaya." Sabi niya na umiiyak.

Tinap ko naman ang likod niya.

"Come with me." Sabi ko at pumunta kami sa rooftop.

"Bakit tayo nandito?" Tanong niya.

"Dito mo ilabas lahat ng galit mo hinanakit mo sigaw ka lang." Sabi ko.

"MAHAL NA MAHAL KITA PERO BAKIT GANUN?!" sigaw niya na mas lalong nagpaiyak sa kanya.

"PERO BAKIT NAGSORRY KA NAGSORRY KA KASI HINDE MO AKO MAHAL KASI IBA MAHAL MO SABI NA NGA BA MASASAKTAN LANG AKO EH! YAN SABI NILA MAMA SA AKIN PINIPILIT KO LANG SILA NA MAGTRANSFER AKO DITO PARA MAKITA KITA ARAW-ARAW! SINUWAY KO PA SILA PARA LANG SAYO PERO WHAT HAD HAPPENED?! ARGH I DON'T KNOW BUT HINDE AKO GALIT SAYO! I REALLY HATE MYSELF KUNG BAKIT IKAW PA MINAHAL KO NG GANITO?!" sigaw niya na pati ako naiyak.

I really felt what he just shouted.

Sobrang sakit lahat ng sinagaw niya na kahit hinde ako yong pinapatamaan ay ako ang natamaan.

My Secret Love For HimWhere stories live. Discover now