Chapter 22

80 5 0
                                    

Ashanti Azihiro POV:

Pinaikot na ni John Carlos.

At tumapat kay Kuya Jiro.

Yes dahil mas matatanda sila sa akin.

Ako ang maknae dito hahaha.

"Dare." Sagot niya.

"Hawakan mo ang kamay ng nasa kaliwa mo." Utos ni Kuya John Carlos.

Si Angelica nasa kaliwa niya eh.

"Iba nalang." Sabi ni Kuya Jiro.

"Eh di magiging dalawa dare mo." Sabi ni John Carlos.

"Ano naman yung isa?" Tanong ni Kuya Jiro.

"Ikikiss mo siya sa pisngi." Sabi ni John Carlos.

"Gagawin ko nalang yong unang dare." Sabi ni Kuya Jiro.

Nakita ko naman na kinikilig si Angelica.

"WOHH NEW COUPLE JICA!" sigaw ko dito.

At nakisabay na sila Crystal at Aliyah.

"JICA!" sabay-sabay naming sigaw.

Pinaikot na ni Kuya Jiro at tumapat kay Crystal.

"Dare." Sabi niya.

"Ikiss mo sa noo yong crush mo." Sabi ni Kuya Jiro.

Lumapit siya kay Kuya Joseph nakita ko naman mukha ni Kuya Mark Angelo nadismaya siya.

Nagulat siya ng may humalik sa noo niya.

Tinignan niya agad si Crystal.

"NAGKAAMINAN NA MAYA-MAYA MAGKAKATULUYAN NA SILA NEW COUPLE HAS UNLOCKED MARKSTAL!" sigaw ko.

At nakisabay narin yong iba.

Hahahaha.

Lakas ko mantrip noh?

Pinaikot na ni Crystal at tumapat kay Kuya Mark Angelo.

"Dare." Sagot ni Kuya Mark Angelo.

Wala pa ngang tanong si Crystal eh.

Hahahaha.

"Sapakin mo yong taong kinakainisan mo dito." Utos ni Crystal.

Sinuntok naman ni Kuya Mark Angelo ng mahina si Kuya Joseph.

Pinaikot naman ni Kuya Mark Angelo.

At tumapat kay Hanna.

"Dare." Sabi ni Hanna.

"Akyatin mo yang puno na yan." Utos ni Joseph.

At walang arte-arteng inakyat ni Hanna yong puno.

Unggoy yan eh.

Bakit ba ang bad ko sa kanya?

Kasi inaagaw niya sa akin si John Carlos.

Oh my! Ano na naman sinabi ko?

Hindi na namin hinantay si Hanna at pinaikot na ni Kuya Joseph at tumapat kay Dave.

"Dare." Sagot niya at tumingin sa akin.

*tugs dugs tugs dugs*

Baliw na talaga tong puso ko na toh.

Kanino ka ba titibok ah?

Andami mo naman gusto puso ka!

"Umamin ka sa Mahal mo ng walang K." Sabi ni Kuya Joseph.

"Ang hirap naman non." Sabi niya.

My Secret Love For HimWhere stories live. Discover now