Kanina pang hindi mapakali si Alisson. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Liam.
Isang linggo na mula ng umalis ito papuntang Hongkong, para sa isang business summit na dinaluhan nito at ng ilan pang board members. Ngayon dapat ito uuwi ng bansa pero kahit na isang text man lamang dito ay wala siyang natatanggap.
Wala ring alam ang mga magulang nito, maging ang mga pinsan nito sa kung ano na bang nangyayari sa binata, sa ibang bansa.
She sighed for the nth time, causing Rose to look at her, intently.
"Hindi pa rin ba tumatawag sayo si sir?" Mababakas sa boses nito ang pag-aalala para sa kanya.
Malamya siyang umiling rito saka nakapangalumbabang tumitig sa harap ng screen ng kanyang computer.
Wala siyang makitang dahilan para hindi siya pagparamdaman ng binata. Bago naman ito umalis ay ayos sila. Wala silang naging pagtatalo nitong mga nagdaang linggo. Their relationship was all smooth sailing. Kaya hindi niya lubos na maisip kung bakit, anong dahilan ng hindi nito pag-contact man lang sa kanya.
"Did you try calling him?"
"Maraming beses na. Pero ni isa wala naman siyang sinagot." Now she's starting to get salty on what is happening right now.
Natauhan na ba ito? Hindi na ba siya mahal ng lalaki? Iiwan na ba siya nito kaya hindi na ito nagpaparamdam? Kasi sinisimulan na nitong iwasan siya sa pamamagitan ng hindi pagpaparamdam sa kanya? Nakahanap na ba ito ng iba roon sa ibang bansa?
Upon thinking that thought, hindi niya naiwasang mapalukot ng ilong.
"Baka busy lang talaga, ateng. Ikaw naman. Hayaan mo na. Malay mo, mamaya i-surprise ka niya."
Alisson hissed on that, as she starts gathering her things, to go home. Hindi na siya umaasa.
"Uhh.. excuse me?"
Natigil siya sa ginagawa matapos marinig ang baritonong boses na iyon.
Dahan-dahan siyang nagbaling ng tingin para makita ang may-ari ng hindi pamilyar na boses na umabala sa kanya, sa ginagawa.
She was stunned for a minute after seeing a Greek-God like man in front of her and her bestfriend.
Who would have thought na may ganito pa palang kakisig na lalaki ang nag-eexists sa mundo bukod sa magpipinsan nina Liam? Saan ba nagsususuot ang mga ganitong lalaking ubod ng gwapo at ngayon lamang niya nakikita ang mga ito?
The man intentionally cleared his throat, obviously, to get her attention, that is now busy appreciating his god-like appearance.
Pagtataksil na bang matatawag ang ganoon? She's silently praising the man's handsome features. Idagdag pa ang matikas nitong pangangatawan, pero kapansin-pansin ang mahaba nitong buhok na kahit natatakpan ng suot nitong baseball cap ay pilit na sumusungaw at bahagyang lumulugay.
Ngumiti siya rito, kagaya ng ngiting palagi niyang ginagawa kapag oras ng trabaho.
"Hi, sir. Yes? What can I do for you?" Magalang at pormal niyang tanong matapos makabawi mula sa tahimik na paghanga dito.
Bahagya namang kumiling ang ulo ng lalaki, saka ngumiti, flashing those set of perfect white teeth. "Itatanong ko lang sana kung nandito na si William. I've been trying to call him but he's not answering his phone. Is he here?"
Nagkatinginan sila ni Rose saka sabay na umiling sa ngayon ay hindi pa rin nagpapakilalang binata.
"Pasensya na po, sir.." Tipid siyang ngumiti ulit dito. "As of now, wala pa po siya. Maski kami po rito sa opisina ay hindi rin siya ma-contact. Ah.. if you don't mind, ano po bang sadya niyo kay sir?"

DU LIEST GERADE
BOSS Series 1: My boss, His daddy
RomantikHindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at nakakain siya ng tatlong beses sa isang araw, sapat na iyon sa kanya. Hindi man siya kagaya ng iba na may mataas na pangarap sa buhay, alam n...