BOSS 👔31

78.2K 1K 13
                                        

Liam kept on glancing at Alisson, who is now sleeping beside him, inside the car. Alam naman niya na hindi talagang tulog ang dalaga, because she never sleeps on him whenever they are on the road and travelling.

Pero sa sitwasyong mayroon sila ngayon, alam niya na mas pipiliin nitong magtulug-tulugan kaysa ang makita siya at kausapin.

Ni hindi nga niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa at ipagpasalamat ang kaalaman na hindi siya nito iiwan sa kabila ng nalaman nito tungkol sa kanyang itinatagong sikreto rito.

Somehow, the fact that Alisson chose not to leave makes him guilty. Mas pinili pa rin nito na makasama siya kahit pa nasasaktan ito. Pero hindi rin naman niya mapapayagan kung sakali na magbalak ito na umalis.

No. He wouldn't let that happen. Just like what Vanessa has said, he's an asshole, kaya papanindigan na niya iyon. Kung pinili ni Alisson na iwan siya ay gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi iyon matuloy. Locking her inside their room wasn't really the best idea, but he'll try that, if ever.

Napabuntong-hininga siya.

Now that Alisson knows the truth, hindi niya alam ang mga susunod pa na mangyayari. And for pete's sake, their wedding is just around the corner. Kailangan na niyang ayusin ang kung anumang gusot ang mayroon sa kanila ng dalaga.

Nang makarating sila sa bahay ng kanyang mga magulang, kung saan nandoon si Blue, at kung saan sila pansamantalang tutuloy, ay mabilis na bumaba si Alisson, hindi pa man niya lubusang naititigil ang minamanehong sasakyan.

He sighed again on that.

Pagkapasok nila sa loob ng kabahayan ay kaagad silang sinalubong ng nag-aalalang mukha ng kanyang ina.

"Ali, hija…" Bakas sa boses nito ang pagkabahala.

His mother knew that Blue is his son and she's really againsts the idea of keeping it a secret from Alisson, pero wala rin naman itong nagawa dahil buo na ang desisyon niya noon na huwag nga munang sabihin dito ang totoo.

"I've heard what happened. Okay ka lang ba?" Lumapit ito sa dalaga saka masuyong hinawakan ang braso kasabay ng marahang paghaplos doon.

The lady smiled bitterly. Tears are showing again on her weary eyes.

He badly want to hug her right now, tell her that everything will be okay, that he's just here for her, but how can he do that when he know that he is the main reason on why Alisson is hurting right now?

"Magsisinungaling po ako kung sasabihin ko sa inyo na okay ako kahit ang totoo para akong ninakawan ng puso dahil sa nalaman ko." She let out a small laugh that eventually turn into sob. "Sorry po tita, pero ang gago ng anak niyo." Saglit siya nitong nilingon at wala siyang ibang mabasa sa mga mata nito kundi sakit. "I don't know why I am still here with him, I don't know why after what i've learned, sumama pa rin ako sa kanya rito."

Niyakap ng ginang ang dalagang ngayon ay hindi na maampat-ampat ang pag-iyak.

His jaw clenched on that. She's hurting so bad yet here she is, enduring the pain just because she can't leave him.

Nagbuntong-hininga naman ang ina ni Liam doon kasabay ng paghaplos sa likod nito. "It's because you love him, that's why eventhough you're hurting, you chose to stay and be with him."

Walang narinig na sagot doon ang binata, bagkus ay nakita na lamang niya ang marahang paghiwalay ni Alisson mula sa kanyang ina, kasabay ng pagpunas nito sa mga luha at isang buntong-hininga.

"P-pasensya na po. Aakyat muna ako sa itaas. Magpapahinga lang po muna ako." Anito, saka binigyan ng pilit na ngiti ang ginang na hindi pa rin napapalis ang pag-aalala sa mukha.

BOSS Series 1: My boss, His daddyWhere stories live. Discover now