IJHF: 10 (POV)

2.9K 48 0
                                    

Faulen's POV

***********

Patalon talon akong papunta sa room namin. Huwag na kayong kumontra, masaya lang talaga ako. Like ohh myyy ghhaddd.. Pinansin na ako ni Zher. Hehehzzz

Siguro iniisip niyo na ang lamdi ko. At saka ang panget ko para magpapansin sa kanya.


Oo, alam ko ang panget ko, pero may magagawa ba ako kung sino ang tinitibok ng puso ko? Hindi ko naman natuturuan ang puso. Kung pwede lang sana, edi wala ng masasaktan sa mundo. Di mo naman alam kung sino ang pipiliin nito, basta titibok na lang sa taong gusto mo.


Habang naglalakad ako sa corridor, biglang may umakbay sa akin. Kaya napatingin ako.

"Mukhang masaya ka ah" si Keniah pala.

"Syempre, pinansin ako ni Zher. Myghad" sagot ko sa kanya. Tinanggal naman niya ang pagkaka akbay sa akin at nakipagshake hands sa akin.

"Congrats!" sabi niya. Jusko etong babaeng to. Sabay na lang kaming natawa.

Nasa classroom na kami. Kaming dalawa pa lang ang nandito kasi maaga pa naman.

***riiiiinnnngggg!!!***

Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan kung sino ang tumawag. Napatingin rin si Keniah.

Agad kong sinagot nang makitang si Amby pala ang tumatawag. Bakit kaya?

"Hi, ba't napatawag ka?" tanong ko. Ni-loud speaker ko para marinig rin ni Keniah.

"Morning, where are you?" tanong niya sa kabilang linya.

"Classroom, why?" sagot ko. Nagkatinginan pa kami ni Keniah.

"Kasama mo?" tanong niya.

"Hmm Keniah" sagot ko.

"Can I ask a favor?" maingay sa paligid niya. Baka nandito na sa school.

"Sure. Basta ikaw" sagot ko.

"Sunduin niyo ako dito sa gate. Pleaseeee" sabi niya. Naiimagine ko na nagpa-puppy eyes siya hahahaha.

"Bakit anyare sayo?" tanong naman ni Keniah.

"Nothing. Hintayin ko kayo. Thankkkiiie" sagot niya. Magsasalita pa sana si Keniah nang i call ended na niya.

Wala na kaming nagawa kaya pumunta na lang kami sa gate para sunduin siya.

Pagdating namin dito, sinalubong niya kami ng ngiti.

"Good morningggg" sabi niya at saka bineso beso pa kami. Taka kaming napatingin sa kanya. What happened to this girl?

"Anyare sayo?" tanong ko. Imbes na sagutin ako, tumalikod muna siya saglit.

"Kuya, una na ako. Bye" sabi niya kay Z-Zher at saka yumakap pa. Bigla akong naestatwa sa pwesto ko. Hindi siya nakatingin pero kinakabahan ako. Nakatalikod siya sa pwesto namin. Ghad. Bakit di ko siya napansin kanina? Haharap na sana siya nang bigla akong tumalikod. At sakto naman na hinila na kami ni Amby papunta sa room. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Buti na lang di ako nakita.


Nakarating na kami sa room. Pero di pa nag sink in sa akin ang lahat ng nangyari. Marami na rin ang nandito sa room.

"Huy Faulie!" tawag ni Amby sa akin kaya bumalik ako sa huwisyo.

"B-bakit?" nauutal pa na tanong ko.

"Natulala ka diyan" sagot naman niya.

"Eh k-kasi ba't di mo sinabi na kasama mo pala ang kuya mo?" sambit ko at saka umupo sa pwesto ko. Umupo na rin sila.

"Nakisakay ako sa kanya. Wala kasi yung driver namin" sagot naman niya.

Hindi na namin nagawang magsalita pa nang pumasok na ang adviser namin.

********************

Mabilis lang na lumipas ang oras at lunch break na. Sabay sabay kaming pumanta nina Amby at Keniah sa garden. Nakagawian na namin ito. Nagte-take out kami ng food sa cafeteria pero dito kami sa garden kumakain. Ang peaceful kasi dito. Fresh ang air. Likod kasi ng building ito at wala masyadong pumupunta dito every lunch break.

"By the way Faulie, kamusta naman kayo ni Zher?" tanong ni Keniah habang may inaabala sa phone niya. May pangiti ngiti pa siya sa phone niya. Luh? Tapos na kami kumain kaya tumatambay muna kami dito.

"Like omg, pinansin na ako eh. Goshhh" kinikilig na sagot ko. Hehehzz ang landi ni baklang froggy ninyo. >_<

"What did he say?" tanong naman ni Amby habang nagsusuklay gamit ang phone niya.

"Dito muna kayo. Cr lang ako" sabi ko sa kanila at saka tumayo.

"Wait. Samahan ka na namin" suggest ni Amby.

"Huwag na malapit lang naman. Magpahinga na lang kayo dito. Saglit lang ako" sabi ko sa kanila. Tumango na lang sila kaya naglakad na ako papunta sa cr.

Pagdating ko sa cr, agad akong pumasok sa cubicle. Habang naaa loob ako, may narinig akong pumasok.

"What the hell girls? He didn't even notice me" maarteng sambit ng isa sa kanila.

"Who?" tanong naman ng isa.

"Zher" pagkarinig na pagkarinig ko aa pangalan niya, biglang lumaki ang mata ko sa gulat. Tapos na ako pero hindi pa ako lumabas, kasi gusto kong marinig ang pinag uusapan nila.


"You mean, your ex?" tanong naman ng isa. Tatlo sila. I guess. And what the hell? E-ex? May ex si Zher?! Wala naman kumakalat na balita noon na he's dating someone? What the hell?

"Just move on. It's been 6 months, Keisha" dagdag naman ng isa. Wait. Keisha? Sa pagkakaalam ko, sila ang spice girls dito sa Fortin Academy. Sila yung maaarteng babae dito. Yung tipong puro pagpapaganda ang alam nila. Hindi naman sa nilalait ko sila. Nagsasabi lang ako ng totoo.


"Duh. Move on? Paano ako makakapag move on kung araw araw ko siyang nakikita dito?" sabi naman ni Keisha.

"Just ignore him, Keisha. Let's go" sabi ng isa sa kanila. I don't know their names. Yung Keisha lang ang alam ko. Narinig ko ang footsteps nila palabas ng comfort room. Kaya lumabas na rin ako.

Antagal ko pala kanina sa cr. Baka hinahanap na nila ako. Habang patakbo ako papunta sa garden, hindi ko inaasahan na may mabubunggo ako. Kaya napaupo ako sa sahig.


"Sorry" agad na sambit ko at inaayos ang eyeglass ko.

"Fvck? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Ang lawak na nga daan!" inis na sambit niya.

Bigla akong naestatwa sa pwesto ko. Sht. Boses pa lang niya alam ko na kung sino. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Tumayo ako pero nakayuko.

"Chill bro!" sabi ng isa sa kanila. Kasama niya ang mga barkada niya. Shet nakakahiya.


"Sorry" yan lang ang sinabi ko at agad akong tumakbo palayo sa kanila.

Hinihingal ako pagdating ko sa garden.

"Ba't antagal mo? Anyare sayo?" agad na tanong ni Keniah pagkaupo ko.

"What happened? Parang nakakita ka ng multo" takang sabi naman ni Amby.

"Omyghad. Shems. Nakakahiya" di mapakaling sagot ko. Nagpapadyak pa ako sa grass.

"What happened nga?" tanong ni Amby na nakaunot ang noo.

"E-eh nabunggo k-ko si Zher" nauutal na sagot ko sa kanila.

"Seriously?!" gulat na tanong ni Keniah.



"Nakakahiya. Kasama pa niya yung mga barkada niya" sabi ko ulit habang di mapakali dito sa pwesto ko.


"Nevermind. Let's go. Baka ma-late tayo" sabi naman ni Amby. Kaya inayos na namin ang mga gamit namin at dumiretso na sa room.

I'm just his Fan (COMPLETED)Where stories live. Discover now